Chapter 1

4.1K 211 21
                                    

CHAPTER I
Nightmares





Nakatingala ako sa kisame ng classroom namin habang kagat-kagat ang dulo ng ballpen ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kasal na ako. Ilang araw na ang lumipas simula noong seremonya pero hindi ko parin matanggap na maaga akong naitali sa isang lalakeng hindi ko naman kilala.

Napabuntong-hininga ako at nag-doodle ng kung ano-ano sa huling pahina nitong notebook ko hanggang sa nainis ako't pinagpupunit ang papel. Bwisit! Bwisit!

"Miss Cachuela!" Napansin ko naman na nakatingin na pala silang lahat sa akin nang tinawag ni Ma'am ang pangalan ko. "What're you doing during my class?" Napakamot nalang ako ng ulo at tumayo mula sa kinauupuan ko. 'Yan kasi! Kung saan-saan lumulutang ang isip, strikta pa naman itong professor namin ngayon.

"S-sorry po, Ma'am." Tanging nasabi ko at bahagyang yumuko sa kahihiyan. Bubuka pa sana ang bibig ni Ma'am nang biglang tumunog ang bell. Lubos naman akong nagpapasalamat sa bell, ang galing kasi niyang tumayming.

Nang makaalis si Ma'am ay nagsilapitan agad ang tatlong babae sa akin. Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala maliban nalang sa isa na may nakakalokong ngisi sa mga labi. Alam ko na kung ano ang mga iniisip ng mga babaeng 'to eh.

"Okay ka lang ba?"

"Sinong umaway sa'yo?"

"Iniisip mo siya 'no?"

Sabay-sabay silang nagsalita kaya nalito ako kung sino ang una kong sasagutin kaya napabuntong-hininga nalang ako. Pinag-alala ko na naman sila. Alam nila ang tungkol sa sitwasyon ko at tinutulungan nila akong itago ito sa lahat. Here, I am still Miss Cachuela and that temporarily made me feel that I am not married yet, that I'm still single and free. "Okay lang ako. May iniisip lang at sa kakaisip ko sa bagay na 'yun, nainis ako't napagdiskitahan ko 'yung papel." Sagot ko na tinawanan ng babaeng may nakakalokong ngiti kanina.

"Sabi na nga ba at iniisip mo siya eh!" Bulalas niya kaya tinapik siya sa noo ng dalawa. "Sabay pa talaga kayo huh?!" Hiyaw niya't pinagkukurot ang pisngi ng dalawa. Hindi ko namalayan na napatawa na pala ako sa panunuod sa kanila na agad naman nilang ikinatigil sa pagkukulitan.

"Sa wakas at tumawa ka na ulit, Lei." Masayang wika ng babaeng nakalugay ang light brown at kulot na buhok. Mapaghahalataan na galing siya sa isang mayamang pamilya dahil sa hinhin nitong kilos at mala-gatas nitong kutis. She grabbed my hand and squeezed it, I also saw her about-to-cry face kaya pinitik ko siya sa noo. Kahit kailan talaga ay napaka-emotional ng babaeng 'to. "That hurts." Sabi niya't hinimas ang noo.

"Divina Gracia, balak mo pa yatang umiyak at ipahid sa sipon mo 'yung kamay ko, ngayon pa lang sinasabihan na kita, hindi ginagawang substitute ng panyo ang kamay ng ibang tao." Pagbibiro ko na sinimangutan niya. Alam kong hindi siya sa biro ko napasimangot kundi sa paraan ng pagtawag ko sa kanya.

"I told you it's A---"

"Oo na, Asia. Ang kulit mo, lumayas ka na at malelate ka na sa susunod mong klase." Said the girl with a shiny maroon long hair that was tied neatly that it makes her look sophisticated and strict.

"Oh my! I almost forgot! Thank you, Kat. Later!" Sabay kaming napapailing ni Kat habang ang isa naman ay ngingiti-ngiti na parang may ginawa na namang kalokohan.

"Rei, what did you do?" Nanghuhusgang tanong ko sa kanya na mas ikinalapad ng ngiti niya. Not gonna deny it huh?

"Give me that!" Sabay hablot ni Kat sa tinatagong gamit ni Rei. "Tsk. Sigurado akong mukhang tanga na naman 'yun kakahanap sa cellphone niya."

Marriage For PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon