Chapter 1

40 2 0
                                    

I woke up in an usual morning. Babangon sa kama, mag liligpit, maliligo at lastly, mag aalmusal bago umalis ng bahay.

I am Casper Carter, 17 years old, and an omega.

"Oh? Gising ka na pala. Pupuntahan pa lang kita dapat sa kwarto mo eh." Saad ni mama ng mag kasalubong kami sa hagdan, ngumiti lang ako kay mama at sabay kaming bumaba papuntang kusina.

"Nakaready na pala yung mga gamit mo, gaya ng notebook, at mga pansulat." Turo niya sa bag sa isang bakanteng upuan.

Napatingin ako doon at masasabi kong mukhang kompleto nga ang mga gamit ko, ang kapal kasi ng itsura ng bag at mukhang siniksik sa loob yung mga gamit.

"Thank you ma!" Sambit ko, bago tumayo at saka linagay yung plato na pinag gamitan ko sa lababo, sinabay ko na rin yung pag toothbrush at baka makalimutan ko pa.

First day pa naman, I need to be fresh as I can, saka na ilabas yung hagardness pag tumagal tagal na.

"Nag lagay na din ako ng suppressant dyan, tingnan mo na lang sa gilid." Paalala ulit ni mama.

Malapit na kasi ang in heat ko, o first heat. Late bloomer kasi ako kaya ngayon pa lang ako tatamaan ng first heat, pero para hindi gaano kalala yung first heat ko. Umiinom ako ng suppressant.

"Ma, aalis na ako! Bye po!" Kumaway muna ako bago tuluyang lumabas ng bahay at pumunta sa sakayan ng jeep.

Don't expect na mayaman kami dahil hindi naman ako katulad nung mga nababasa kong mga story na mayaman sila.

Me? I'm just simple person, living with a simple life with my mother.

Maya maya lang ay may dumating din na jeep kung saan ako pupunta, sa Viloka National High School in short VNHS.

Transferree lang naman ako dahil kakalipat lang namin sa bahay kung saan kami ngayon nakatira. Huminto ang jeep bigla sa tapat ng School kaya nakibaba na ako sa iilang mga tao na sa tingin ko itong school din ang pakay.

Ngayon ko lang napansin na kaparehas ko pala sila ng uniform. Pero iba lang yung color.

Napatingin agad ako sa matataas na building na kita mo pati dito sa labas, ganun din yung gate ng school na kasya ata sampung sasakyan sa laki. Color asul ang theme ng school kaya kulay asul din ang mga uniform.

Sa mga grade 12 na kagaya ko ay dark blue na ang kulay habang sa mga juniors naman ay light blue at faded blue. That's how you can distinguish the one's grade level.

'an omega?!'

'for real?! Mukhang may mapag t-tripan nanaman sila baby nico nito for sure! Bakit hindi na lang kasi ako naging female omega!'

Humanap ako ng mga taong pwedeng pag tanungan kung saan nga ba makikita ang 12 - geriatric. Hanggang sa makasalubong ko ang grupo ng mga kalalakihan.

Nakakalat din ang pheromones nila na masasabi kong maaapektuhan ako unti unti kung tuluyan silang makalapit.

"Omega pheromones?!"

Lahat sila napatigil dahil sa sinabi ng kasama niya at tumingin sa kaniya ng nagtataka,

"I can smell a sweet scent, a grape... There's omega somewhere!"

Nabaling ang tingin sa akin ng nag sasalita, and the rest follow. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi naman ako prepared sa mga ganitong kaganapan, lalo na't nauubos na ang populasyon naming mga omega.

Sa takot ko ay hindi ako nakakilos agad agad at narealize na nakatayo silang LIMA sa harap ko. Napatingin ako sa mga mukha nilang ready na ako bugbugin anytime.

"So you're an omega?" He smirk.

Nagtitigan muna kami bago ako sumagot, nag bu-bulungan na rin ang mga estudyante sa amin lalo na ang iilang babae.

"Who's omega?" Pagkukunyari ko, kahit alam kong naaamoy nila na isa akong omega.

Nag palabas siya lalo ng pheromones kasama ng kaibigan niya at nas-sense na yun ng iba, nababaling ang tingin samin at natatakot.

Its slowly entering my system na sinusubukan kong pigilan, "not an omega? Huh?" Tiningnan ko siya ng masama sa sinabi niya.

Tinulak ko siya at tumakbo ng mabilis para makalayo, pumasok ako sa isang rest room at linock iyon, habol habol ang hininga.

Another alpha pheromones nanaman ang aking naaamoy dito sa loob ng rest room, puno ba ng alpha ang school na to? Bakit parang kahit saan ako pumunta may alpha?

"Hello?" Dahan dahan akong nag lakad papalapit sa mga cubicle at sinisilip kung may mga tao ba hanggang sa makarating ako sa pinaka huli.

Bubuksan ko na sana ito ng may naunang bumukas at bumungad sa akin ang matangkad at maputing lalaki, sa kaniya din nanggagaling ang alpha pheromones na naaamoy ko.

"What are you doi- wait! You're ome-" tinakpan ko na ang bibig niya bago niya pa masigaw ang salitang 'omega'. Nag katinginan kami sa mata at narealize kung paano yung position namin.

Naitulak ko siya bigla sanhi para matumba siya at mapadaing.

"The f*ck is wrong with you?!" Singhal niya, making me to close my eyes. Nakakatakot, parang kinain niya ako ng isang lunukan sa sigaw niya.

Unti unting kumalat ang pheromones niya na dahan dahang ikinatulo ng luha ko, dahil nga sa hindi pa ako dinadatnan ng aking first heat, nasasakal ako sa mga pheromones lalo na't ilang pheromones na ang aking nalanghap.

It slowly again entering my system, kaya bago pa ako mag makaawa na tikman niya ako ay tumakbo na ako ng palabas at binunggo ang mga taong nakakasalubong ko.

'I shouldn't be here.'

Saad ko sa sarili, bihira ka na lang kasi makatagpo ng omega na kagaya ko. At baka nga sa university na ito ay ako lang ang omega.

Maraming napapatingin sa akin at nag tataka pero hindi ko na lang binigyan ng pansin.

Maya maya ay napunta ako sa isang tahimik na lugar, napapalibutan siya ng halaman at mga bulaklak. Siguro ito yung garden nitong school.

Umupo ako sa damo at doon umiyak, unang araw pa lang pero umiiyak na ako? Paano pa kaya kung tumagal ako? O tamaan ako ng heat ko? Anong mangyayari?

"Hey? What are you doing her- wait, are you crying?" A girl asked, nag angat ako ng tingin at nagulat. Hindi siya babae! A f*cking male! Sa tingin ko ay omega rin siya kagaya ko.

To describe maputi, makinis at pang babae ang pangangatawan niya, like me.

"Wait again, omega ka!?" Nanlalaki niyang mata na tanong, napahawak siya sa bibig niya at masasabi kong ang oa niya kung makapag react.

"Y-yes..." Sagot ko, pinunasan ko ang mga luha ko at humarap sa kaniya, umupo siya sa tabi ko.

"Dalawa lang tayong omega sa school nato..." Sambit niya, napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakayuko. Malungkot ang tono niya. "... Umalis na yung iba kasi hindi nila kaya yung nico."

Nico? Right! Ayan yung bulungan ng mga babae kanina at sinabing may bagong pag t-tripan nanaman daw yun.

"Kaya ikaw, mag iingat ka..." saad niya, pakiramdam ko sobrang hirap ng mga pinag daanan niya dahil siya na lang ang natitirang omega dito sa buong school.

Perfectly YoursWhere stories live. Discover now