Chapter 6

8 1 0
                                    

Puno ng tao ang canteen kaya dumiretso na lang ako sa Garden nitong school para doon kumain ng nabili kong pagkain sa pakikipag siksikan ko sa loob.

Habang kumakain ay hindi ko namalayang may pumasok din pala sa garden.

"Hey it's you again?!" Saad ng isang babae. Her voice is so familiar, tumingin ako sa kaniya at nakilala agad siya. He's the omega I met in my first day here.

"H-hello..." Nahihiya kong sagot, umupo siya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito sa garden? Noong isang araw nandito ka din ah? May umaway ba sayo?" Sunod sunod niyang tanong that make me feel uncomfortable. Hindi kami gaanong mag kakilala o mag ka close.

"W-wala n-naman..." Sagot ko, napayuko ako sa hiya at pinag laruan ang mga damo sa harap ko.

"Hmmm, then what are you doing here?" Ulit niyang tanong.

"Nagpapahang- MR. OMEGA!" Malakas na sigaw ng isang lalaki. Ang dugyuting alpha na yun.

Sabay kaming napatingin ng kasama ko sa sumigaw.

It's my f*cking seatmate! Kumakalat ang pheromones niya na unti unting sinasakop ang garden nitong school.

"A-alis na ako!" Paalam ng katabi ko, tumakbo agad siya at lumabas ng garden habang ako ay naiwan dito together with this alpha.

Nasasakal ako sa pheromones na nilalabas niya, it's so strong!

"S-stop releasing your f*cking pheromones!" Saad ko. However he didn't listen to me. Kung hindi pa ako aalis dito. He's going to kill me by his pheromones.

Tumakbo agad ako palabas ng garden at tinulak siya.

Marami akong nabangga at natulak na estudyante habang tumatakbo ako sa hallway.

Nang may mabangga ako, napaupo ako sa sahig dahil sa pagbangga ko sa kaniya.

"Ouch!" Daing ko.

"Bulag." Ani niya. Napatingin ako sa kaniya ng masama dahil sa sinabi niya, can't he see? Bumangga ako kasi tumatakbo ako hindi dahil bulag ako!

'True! Ipaglaban mo yang side mo!' Sumbat ng isa kong pagkatao.

'Magpakumbaba ka na lang!' saad pa ng isa kong pagkatao.

"Ikaw!!" Parehas naming sigaw ng masilayan namin ang mukha ng isa't isa!

"Tsk! Kung alam kong Ikaw pala yan edi sana hinagis na kita! Hindi mo ba alam na masakit yung pagkakatulak mo sa akin sa Cr?" Saad niya.

"Edi sorry! Kasalanan ko bang magugulatin ako?!" Sagot ko, tinawanan niya lang ako bago linahad ang kamay niya.

Hindi ko din naman alam kung para saan yung paglalahad niya ng kamay sa mukha ko kaya tumingin ako sa kaniya ng may pagtataka.

"Ano gagawin ko dyan? Kainin?" Tanong ko, tinawanan niya lang ako ulit bago sumagot.

"Tinutulungan na nga kitang tumayo, ayaw mo pa?" Saad niya, natanga ako sa sinabi niya.

Bakit hindi ko nga ba naisip na tinutulungan niya pala ako tumayo?! Kainis!

Napasimangot ako, "ay sorry ha? Alam ko ba? Diba hindi!?" Saad ko bago tinanggap ang kamay niya.

Hindi siya sumagot pero tinayo niya na ako.

"Anyways, gusto ko lang din mag sorry dahil sa pagtulak ko sayo sa Cr! Nabigla lang ako kaya ganoon ako kung mag react!" Ani ko. Hindi siya nag pakita ng kahit anong ngiti, as in emotionless!

'tao pa ba yan? Bakit walang expression yan?"

Saad ng isa kong pagkatao.

'Diba ganyan yung sa mga nababasa mong Wattpad? Yung emotionless yung top?' Ani ng isa ko pang pagkatao.

Perfectly YoursWhere stories live. Discover now