Chapter 9

9 1 0
                                    

"C-casper." Pakilala ko, nakipag shake hands which i do gladly accept.

"How old are you?" Tanong niya habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Kakalabas ko lang at tapos na ang lahat ng klase pero nag aya silang kumain muna kami bago magsi-uwian.

"S-seventeen..." Sagot ko habang sinusubukang tanggalin ang kamay niya ng hindi niya napapansin kaso mukhang malakas siya makiramdam dahil mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko dahilan para hindi ko matanggal.

"I'm 18! Baka para sakin ka talaga casper!" Ngiting ngiti niyang sabi, napangiti ako ng mapakla sa sinabi niya. Sobrang hangin kasi.

"U-uh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko... I lost for words. Straight forward siya masyado which i didn't really expect.

I thought top alpha's are used to be elite and serious, but, i guess i'm wrong. Sa kanilang apat si froy lang ang bukod tanging madaldal na ultimo paborito kong ulam ay tinatanong.

"Anong paborito mong ulam?" Tanong niya ng makaupo kami sa table na nakita namin. Napa 360° degree talaga ng ulo sina Geo at jem sa tanong ni froy.

Weird though, i still answered his question by saying 'dinuguan'

"What's that?" Tanong niya, nakalimutan kong yayamanin pala itong mga kasama ko kaya wala silang idea sa pangkarinderyang ulam.

"It's pork stew." Ani ko, trinanslate lang.

"Is it good? Safe to eat?" Tanong niya, natanga ako sa sinabi niya, kitang maraming kumakain noon tapos ganoon ang tanong. Edi sana naka higa na yung mga kumakain ng dinuguuan.

Gusto ko siyang sagutin na 'Maraming tao ang kumakain nito, may nangyari bang masama?' Pero iba ang namutawi sa bibig ko.

"Yes, ito kaya ang ulam ng sanlibutan!" Ani ko na may malaking ngiti. Natawa siya sa sagot ko na parang aliw na aliw.

Nagpatuloy ang walang kabuluhang pag uusap namin ni froy na kahit weird na ang tanong ay sinasagot ko pa din.

Pati bahay tinanong niya na at kung pwede ba tumambay, hindi ko alam kung may bahay ba siya o wala.

"Malaki ba bahay ninyo?" Tanong niya, medyo nanliit ako bigla dahil pang middle class lang Ang bahay namin at may kakaunting tulo pa pag umuulan. But I still answered his question.

Napatingin ako sa kaniya,

"Hindi naman... Sakto lang para sa isang pamilya." Sagot ko, ngumiti ako ng malapad at binalik ang tingin sa daan.

"Pwede ba ako pumunta doon?" Tanong niya ulit, napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. Anong gagawin niya sa bahay?

"Ehem..." Ang pag ubo ni nico sa gilid, napatingin ako sa kaniya na nakatingin rin pala sa akin kaya ang ending nagkatitigan kami. Ako na ang unang pumutol dahil hindi ko kaya.

Masyadong nakakaakit ang mga mata niya.

"Tatambay lang? Pwede ba?" Saad niya, ngumiti ako ng tipid. Can someone just help me? Paano ako makakatanggi sa ganitong situation?

Totoo palang mahirap maipit sa ganitong situation. Akala ko hindi.

"U-uhh..." I utterly said. "S-siguro kapag may free time kayo." Dugtong ko. Kinakabahan kuno dahil baka mapangitan siya sa bahay na meron kami. At isa pa may mga kakaunting langaw sa bahay.

"Talaga?! Thank you!" Gulat nyang ani, malawak ang ngiti niya. It's not like every day sila tatambay sa bahay kaya pumayag na ako. Baka nga isang beses lang ang pag tambay nila at hindi na tumambay ulit.

Dumiretso kaming lima sa room at umupo sa kanya kanya naming upuan at nag hintay pa ng ilang saglit bago dumating ang professor. Pag pasok pa lang ng professor habang ang makapal na libro na ibinagsak niya sa desk ay nag pakaba na sa akin.

"Good morning everyone..." Mabagal nyang pag bati at isa isa kaming tiningnan. Hanggang sa tumigil siya saglit sa akin at inusisa ang mukha ko.

"Are you an omega?" Tanong niya, napatingin lahat ng kaklase ko sa akin. At this moment medyo kinakabahan na ako but i try to be the unbothered queen.

"Y-yes..." I uttered, Naningkit ang mata niya bago ako napag desisyonang tawagin at pumunta sa harap.

"Come here." Tawag niya, tinuro ko pa ang sarili ko which makes me stupid dahil ako lang naman ang nag iisang omega sa room. Lumingon lingon pa ako para masure kung ako nga ba talaga.

"Yes you Mr. Carter." Saad niya, no choice akong pumunta sa harap at tumayo sa harap niya habang inuusisa ako. Napa himas himas pa sya sa baba niya at nagsalita.

"Okay, so I'll teach you omega weakness." Ani niya at nag hiyawan ang mga kaklase ko dahil minsan lang ito maituro sa mga paaralan.

"Is it okay for you to be my model Mr. Carter?" Tanong niya sa akin, napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin din sa akin at naghihintay sa magiging sagot ko. Dumapo naman ang tingin ko kay nico na nakatingin din sa akin.

"S-sure sir..." Sagot ko, grabeng hiyawan ang pumuno sa classroom dahil siguro sa buong pag aaral nila ngayon lang ito naituro at magagamit pa nila sa future.

Natapos ang klase ni sir na para akong wala sa sarili, marami kasi syang nahawakan sa akin na kahit ako hindi alam na ganon yung epekto sa katawan ko at sa akin.

"Casper!" Someone shouted, hindi ko kailangan lumingon dahil si froy lang naman ang nagtatanging tumatawag sa pangalan ko sa buong campus. Marami ngang napatingin sa sigaw niya kaya pinagka guluhan siya.

"Hmmm?" Matipid kong saad nang makalapit na sya sa pwesto ko, at hinihingal. Tinakbo ba naman ang Hallway para maabutan ako?

Saglit syang nag pahinga at kumuha ng hangin na nawala sa katawan niya dahil sa pag-takbo. Kita ko ang patulo na nyang pawis kaya bago pa pumatak ay nag abot na ako ng panyo.

"Here, wipe your sweat." Ani ko, malugod nya ring kinuha ang pamanyo at pinunas sa mukha niya, wag lang talaga sa katawan at baka dumikit ang alpha pheromones niya.

"Thanks" pasalamat, nag simula na din ulit akong mag lakad at sya naman ay nakasunod lang sa akin. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.

Paliko na kaming dalawa nang makasalubong namin sila nico, Jem at geo. Napatigil kaming lima at nagkatinginan sa isa't isa. Dumapo ang mata ni nico sa panyong hawak ni froy. Gumapang ang kapa sa katawan ko.

Nagpalabas sya ng sobrang tapang na pheromones, at marami na ring napapatingin sa ginawa niya. Habang sya ay madilim ang aura na nakatingin sa panyong hawak ni froy.

Kahit ako kinakabahan dahil iba sya magalit at mag selos, tipong nagiging bayolente sya. Nabaling ang tingin ko kay froy at kahit sya ay natatakot.

Marami na ring estudyante ang nakikiososyo sa amin dahil sa pheromones na pinapakalat ni nico.

'Bakit mo kasi binigyan ng panyo?' Tanong ng pagkatao ko,

'Syempre pinagpapawisan yung tao.' Ani ng isa at tuluyan na nga silang nag away.

"U-uhh..." Nauutal kong sambit, kinakabahan ako dahil sa aura ni nico na kayang pumatay ng tao anytime.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfectly YoursWhere stories live. Discover now