CHAPTER 1

165 11 0
                                    

~HIKING~


Luna's POV


Nandito ako ngayon sa school tumatakbo, late na'ko. Nalate nanaman kasi ako ng gising. Habol hininga kong inakyat ang hagdan, papunta sa third floor. Pagkarating ko doon, nakita ko si ma'am Castro, na nagdi-discuss na. Kaya naman, yumuko ako at sa likod dumaan. Nakita naman ako ng mga classmates ko, pero 'di na problema 'yon para sa'kin.

Wala naman silang pake ron kaya ayos lang. Habang naglalakad ng naka yuko, hindi ko inaasahan na mababangga ko 'yong maliit na mesa sa likod. Natumba 'yon at nagbunga ng malakas na ingay. Na sanhi ng pagkahuli sa'kin ni Ma'am Castro.

"LUNA AGUILAR!" Sigaw niya.

Agad nalang akong tumayo at napapikit, as I expected, sermon nanaman ni ma'am Castro. Andito nanaman ang bagyo.

"LATE KANANAMAN," turo niya sa'kin gamit ang kanyang hintuturo, napatingin naman sa'kin ang mga kaklase ko na nasa harapan, "LAGI KA NALANG LATE!"

"Sorry po ma'am. Kasi-"

"Ayan kananaman sa dahilan mo," nakita ko ang pagtaas ng dalawang makakapal na kilay nito, "panibagong dahilan nanaman ba ang sasabihin mo? Labas!" Mala tigreng sigaw nito.

Napa-yuko ako dahil sa sigaw nito. At dali-dali akong lumabas ng room. Okay lang, kasalanan ko rin naman eh. Maghihintay nalang ako rito, hanggang matapos ang time ni ma'am Castro. Malas na araw nanaman.

***


"Luna!" Rinig kong boses ni mama.

"Luna gumising na!"

Haysss! Inaantok pa'ko eh.

"Gising napo!" sagot ko.

"Magligpit kana diyan, at pagkatapos ay bumaba kana para mag almusal!"

Anong oras naba? Dali-dali kong tinignan ang orasan, maaga papala. Mga 5:40 am palang. Nag check muna ako ng messenger ko kung may message ba akong natanggap. As of now wala. Kaya naman linapag kona ang cellphone ko sa lamesa, at inumpisahan ng ligpitin ang hinigaan. Inuna ko munang itabi ang mga unan at tinupi 'yung kumot. After no'n, inayos kona 'yung bedsheet.

May hiking pala kami ngayon.

Pagkatapos kong maligpit ang hinigaan, dumiretso na'ko sa banyo upang maligo. Paniguradong manginginig nanaman ako sa lamig ng tubig. Ayoko ring mag-init, baka kasi mas lalo pa'kong antukin.

Ako lang ba? Pagmaliligo sa madaling araw hindi nag-iinit, gusto malamig na tubig ang ipaligo para magising. Sa nakikita ko, effective naman, kaso ma ngangatog kalang sa lamig.

Pagkatapos kong maligo, pumunta na kaagad sa aparador ko, upang maghanap ng masusuot. Wala na'kong masuot. Araw-araw banaman na alis, baka pagsinuot ko uli 'yung sinuot ko noong nakaraang linggo, sabihan akong outfit repeater. Ay bahala na nga, no choice na eh. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na kaagad ako, at na abutan ko si mama na hinahanda na ang mga pagkain.

"Good morning ma!" Bati ko dito

"Good morning!" Bati nito habang inaayos ang kawaling pinaglutuan niya.

WELCOME BACK LUNAWhere stories live. Discover now