CHAPTER 3

97 11 0
                                    

~DARK ABYSS~


Luna's POV


"Anong ginagawa niya?" Tanong ko kay Angelo.

"Naghuhukay," sagot nito

"Oo nga, i mean, bakit siya naghuhukay?"

"Ewan, try mo siyang tanungin."

"Eh—"

"Shhh, baka marinig tayo." Putol nito sa sasabihin ko.

Napa irap nalang ako, at napa sabunot nalang sa buhok ko. May pagka pilosopo din pala ‘to. Nandito kami ngayon sa likod ng malaking puno nagtatago. Sinundan namin ‘tong misteryosong batang ‘to, hanggang makarating siya dito. Na cu-curious kasi kami sakanya.

Sino ba namang batang lalake na parang ang edad ay nasa 11 years old ang titira dito sa gubat? Puwera na lang kung katutubo siya. Sa nakikita ko, hindi naman siya katutubo eh. Sa nakikita ko, isa lang siyang normal na bata. Hindi naman siya naka bahag, or naka damit na pang katutubo. Naka jacket lang siya, then naka pants.

Pero parang may kakaiba eh. Feeling ko may kakaiba. Maya-maya lang, huminto sa paghuhukay ‘yung bata. Yumuko siya at parang may kinukuha sa loob ng pinaghukayan niya. Nang tumayo na ito, nakita namin ang isang patay na namumutlang babae at nangingitim na ang mga balat nito.

Nang kinuha niya ito, kaagad niyang hinagis sa lupa na malayo sa pinaghukayan niya, at sinunggaban ang leeg nito. Lumabas ang buto ng leeg nito, ngunit ang pinagtataka ko, miski isang patak ng dugo ay walang lumabas. Bakit wala ng dugo ‘yung bangkay?

Nanlaki ang mga mata ko, sa ginawa ng batang lalaki. Sinasabi na nga ba! Parang may kakaiba eh! Hindi siya tao, halimaw siya! Nang makita ko ang pagkuha nito sa mata ng babae, biglang bumaliktad ang sikmura ko. Hindi kona kinaya, sumuka ako at nag bunga ‘yon ng ingay. Na sapat na para maramdaman kami ng halimaw na bata na yon. Kaagad namang lumapit sa’kin si Angelo, at tinakpan ang bibig ko.

"Nasusuka kapa?" Mahangin at pabulong na tanong nito.

Umiling nalang ako bilang pagsagot.

Nang tingnan namin ang lokasyon ng bata, nawala na ito at ang tanging bangkay nalang ng babae ang naroon. Mas lalo akong kinabahan. Nagsimula ng manlamig ang aking buong katawan, at sinabayan naman ‘yon ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko.

"Angelo, ‘yung bata! Nawala!" Nababahalang pabulong na tanong ko sa kaniya.

"Shit! Umalis na tayo!"

Habang nakatago sa likod ng puno, may naramdaman akong malagkit na likidong tumutulo sa’kin mula sa itaas. Nang tignan ko ito, kaagad kong nakita ang malahalimaw na itsura ng bata. Nanglilisik ang kanyang mapupulang mga mata, at nakangiti ito ng nakakaloko. Putangina! Nakakatakot!

Anong klaseng nilalang ito?!

Kaagad akong hinila ni Angelo palayo sa puno. Kaagad naman kaming sinundan ng impaktong ‘yon.

"Dalian natin! Kung ayaw mong maging tanghalian no’ng halimaw na ‘yon."

"Angelo! Sumusunod parin siya!"

"Luna," tawag nito sa’kin habang tumatakbo, "marunong kabang lumangoy?" Hinihingal na tanong nito.

"Hindi! Bakit?!"

WELCOME BACK LUNAWhere stories live. Discover now