CHAPTER 4

94 8 2
                                    

~PAGHAHANAP NG KASAGUTAN~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


~PAGHAHANAP NG KASAGUTAN~


Luna's POV


Pagkamulat ng aking mga mata, tumambad sa akin ang isang babaeng nurse na inaayos ang suero ko.

Tumingin ako sa katabing kama ko, at nakita ko si Angelo na mahimbing na natutulog. At katabi naman ito ng isang matandang babae, na naka yuko sa kama niya. At mukhang natutulog habang hawak-hawak ang kamay ni Angelo.

Akmang tatayo na sana ako, ng pigilan ako ng nurse. Kaya naman, hindi na’ko nagpumilit pa. Sa ngayon, umupo at humiga lang daw ang puwede kong gawin.

"Thankyou!" pasasalamat ko dito, dahil inalalayan ako nitong umupo.

"Sabi sa’yo ng doctor, napagod kalang raw ng husto. At sa sobrang dehydrated, bumigay ang katawan mo."

"Huwag kang tatayo ah? Mauna na ako, may iba pa akong aasikasuhin na pasyente."

Nginitian ko naman ito at nagnod nalang bilang pagsang-ayon. Pagkaalis ng nurse, kaagad ko namang tinignan ang babaeng nakayuko, na natutulog sa tabi ni Angelo. Nang suriin ko ang itsura nito, matandang babae ito na, sa tingin ko ang edad ay nasa 40 pataas. Magandang babae ito at makinis ang balat. Wala siyang wrinkles at hindi mo mahahalata na 70s siya.

Nalaman kolang na 70s siya, dahil sa likod ng damit niya na ang nakasulat ay 'PROUD 70S' namay design sa gilid na mga bulaklak.

"Hello po! Kaano ano po kayo ni Angelo?" Tanong ko dito, nung una ay akala ko ay hindi siya magigising, pero mukhang narinig niya naman ata kaya bumangon siya mula sa pagkakayuko.

Tumingin ito sa’kin na naka kunot ang noo at salubong ang dalawang kilay na parang kinikilala ako. Tumingin ito saakin mula ulo hanggang paa.

Feeling ko, hinuhusgahan niya buong pagkatao ko.

"Ma..." Napukaw ang atensiyon namin, dahil may isang lalaking nagsalita.

Si Angelo.

"Angelo anak, may masakit ba sa’yo? Okay kana ba?" Pag-aalala nito.

"Yeah, I'm feeling better now."

"Salamat sa diyos!"

Napagtanto ko na nanay pala ni Angelo ‘yon. Medyo hawig rin sila ng kaunti. Matangkad, matangos ilong, yung hugis ng mukha. Hawig na hawig talaga.

"Luna, okay kana?" Napansin naman ako ni Angelo na nakatingin sakanila.

"Oo, okay na’ko," sagot ko, at nginitiian siya.

"Siya nga pala, mom, this is Luna—"

"Ay hala! Huwag mong sabihin..."

"Na?" Tanong ni Angelo.

WELCOME BACK LUNAWhere stories live. Discover now