CHAPTER 7

87 7 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


~ANG PAGBABALIK~


Tumambad sa amin ang isang malaking gate na gawa sa ginto, at kumikinang ito. Sa gilid nito ay may dalawang guwapong kawal na nagbabantay. Habang hawak-hawak ang mga sandata nila.

Nang makita nila kami, ay agad silang nagbow. At sinabing, "maligayang pagbabalik," at kaagad nilang binuksan ang malaking tarangkahan upang makapasok kami.

Nang mabuksan na ito, bumungad sa amin ang isang daanan namay nakalatag na red carpet. At sa gilid nito ay may mga halaman na nakakorte ng iba’t ibang imahe.

May mga halaman na nakakorte bilang isang kawal na nakasakay sa kabayo, at may mga nakakorte rin naman, na mga hindi pamilyar na mga babae. Lumakad pa kami papasok at sumalubong sa amin ang isang fountain. At sa magkabilang gilid nito ay may dalawang statwa, ang isang statwa ay statwang ginto. At ang isa naman ay statwang gawa sa diyamante.

Ang imahe ng statwang ginto, ay isang lalaki na nakatingin sa isang statwa. Ang isang statwa naman ay hango sa isang diyamante. Kumikinang ito, lalo na pag nasisikatan ng araw. Ang imahe ng statwa na ‘to ay isang babaeng may korona. At ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa kanyang korona na nasa uluhan niya.

"David!" Agaw ko sa atensiyon nito.

Kaagad namang tumingin ito sa’kin, "bakit?" Tanong nito.

"Kilala mo ba kung sino ang dalawang statwa na ‘yan?" Turo ko sa dalawang statwa.

"Oo, ang nakikita mong statwang dyamante ay si reyna Elysia," sagot nito at itinuro pa ang isang statwa.

"Ang statwang ginto naman ay si prinsipe Draco," pagpapatuloy nito habang turo-turo ang statwa.

"Bakit magkatabi sila? Mag-asawa ba sila?" Tanong ko.

"Oo," tipid na sagot nito.

"Kung mag-asawa sila, bakit prinsipe ‘yung tawag mo kay Draco? Bakit hindi hari?"

"Dahil namatay si prinsipe Draco na hindi pa siya nakokoronahang bilang hari. Prinsipe palang siya noong mga panahon na ‘yon." paliwanag niya.

"Ahh, nakakalungkot naman."

Nagnod naman siya bilang pagsagot. Nang marating na namin ang pinto ng palasiyo, kaagad namang bumukas ito. Nang bumukas na ito, ay tumambad sa amin ang isang kumikinang na red carpet. At sa gilid nito ay may mga nakahilerang mga kawal, makikita morin ang mga nagsisigandahang mga pormal na uniporme na pangkawal.

WELCOME BACK LUNAWhere stories live. Discover now