CHAPTER 8

59 3 1
                                    


~KALIWANAGAN~


"Welcome back, Luna!" Naguluhan ako nang sinabi niya ang salitang ito.

Welcome back? Galing na ba ako rito? Tsaka pa'no niya nalaman ang pangalan ko?

"A-ano po ang ibig niyong sabihin?" Nauutal na tanong ko.

"Ikaw ang panglimang anak ko, Luna," sagot nito.

"Ay hala, may nanay po ako," tanggi ko dito.

"May ina ka nga, ngunit, nakakasigurado ka bang siya ang tunay mong ina?" Tanong nito, at bahagya akong napaisip.

"Si Cassiopeia o ang ina-inahan mo ay matalik kong kaibigan. Ipinadala kita sa mundo ng mga tao, at pina-alaga sa kaniya, dahil kinakailangan ito," paliwanag nito.

Ha? Naguguluhan ako. Wala siyang sapat na pruweba para akusahan akong siya ang tunay kong ina. Oo, dinala ako ng mga taong engkanto rito. Pero hindi sapat na patunay 'yon, para patunayan na siya ang tunay kong ina. Dahil iisa lang ang ina ko.

Napahawak ako sa ulo, dahil biglang sumakit ito. Sana panaginip nalang ang lahat ng 'to. Sana, sana.

Naramdaman kong may humawak sa akin. At kaagad ko 'tong hinawi. Sa sobrang pag-iisip, ay hindi ko namalayan kung sino ang humawak sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ito. Narinig ko ang pagkagulat nila, pati narin ang kanilang mga samu't-samot na reaksyon.

"N-nagawa niya sa reyna 'yon?"

"Huwag niyo namang husgahan! Naguguluhan lang siya."

Rinig kong mga kumento ng mga nakapaligid sa amin. Nakita ko rin ang pagkagulat na reaksyon ni Queen Elysia, kaya naman, kaagad akong humingi ng tawad dito.

"P-patawad po. Hindi ko po sinasadya. Nabigla lang po ako, sorry po," paliwanag ko.

Nakita ko naman na ngumiti ito, at dahil sa ngiting iyon, ay nabawasan ang kaba ko.

"Diba po sabi niyo kayo ang tunay kong ina?" Tanong ko

"Siyang tunay," sagot nito

"Kung kayo po ang tunay kong ina, ano pong pruweba niyo? Para mapatunayan niyong kayo po ang tunay kong ina?"

"Yang kuwintas na suot mo. Ibinigay ko sa'yo 'yan, noong sanggol ka pa lamang."

Oo nga pala. Yung tungkol sa kuwintas, kung ordinaryo lang 'yon at gawa lang ng isang tao, hindi 'yon makakataboy ng masamang engkanto. Kagaya nalang ng mga naka-encounter namin sa gubat. Pero hindi sapat na pruweba 'yon para patunayan na siya ang tunay kong ina.

"Opo, naniniwala ako sa kuwintas. Dahil nasaksihan ng mga mata ko ang kapangyarihan nito," paliwanag ko.

"Pero, hindi 'yon sapat na pruweba, para sabihin mo pong ikaw ang ina ko."

Napa buntong hininga naman ito, at kaagad ring ngumiti.

"Ikaw talaga, namana mo sa ama mo ang pagiging mapanuri!" Natatawang saad nito.

WELCOME BACK LUNAWhere stories live. Discover now