44

812 21 7
                                    




•••***•••

" I think nasobrahan ako sa pagka-needy kay Matt.. " kausap ko si Set. Kakakuha lang namin sa painting , at ngayon ay kami na lang tatlo nina Seth and nagdi-dinner. . Si Matt, nag excuse muna sa amin para mag banyo.

" wow ha! Ngayon mo lang yan narealize??!! Bakit ngayon mo lang yan naisip ah??"

" Seth naman.. nakokonsensya na nga ako. Inaway ko, tinarayan ko pa.. "

" eh kasi naman Pot, minsan hayaan mo din si Matt na gawin yung mga gusto nya. . At trabaho naman yung pinuntahan nya hindi naman yung bakasyon.. teka nga, kelan ba ang huling beses nag rides si Matt na kasama mga kaibigan nya? Or lumabas kasama ng mga tropa nya?? "

Matagal akong nag isip.. When was the last time? Simula ata nung nagpakasal kami, sa akin na din umikot ang buhay nya. Ilang beses nya na ring tinanggihan ang mga imbitasyon sa kanya ng mga kabarkada nya? Naalala ko din na may rides silang mga boys pero di sya sumama dahil ayaw nyang mag alala ako, at nangako daw sya sa akin na last na yung 24hr ride nila nina Don at Jacques na sobrang pinag alala ko before..

Yet , eto ako - - sobra na ako . . Kawawa naman ang asawa ko..

" Seth.. "

" see, di mo maalala na di na sya sumama pa sa ibang kaibigan nya because ikaw na yung priority nya. Minsan naman, wag sobrang selosa, mapaghanap at sobrang clingy!! I know you Pot, apaka selosa mo kaya. . Gaya kanina, sinimangutan mo si Matt, eh nakikipag usap lang naman yun sa tauhan ni Robbie-

" ang pretty kaya nung girl , Seth. At - -

" ayan na naman yang insecurities mo. Pretty na kung pretty yung nakausap, pero di mo ba nakikita na sayo lang nakatingin asawa mo?? Ikaw lang yung nasa isip nun palagi. Ikaw lang yung sinusunod nya palagi. Sayo na lang umiikot ang mundo nya.. "

" ang kawawa naman pala ng asawa ko -" sabi ko. At talagang kinain ako ng konsensya ko! Bigla na lang tuloy tumulo ang mga luha ko! Ang bad bad ko sa asawa ko. Paano na lang kung tuluyan na itong magalit sa akin?? Ano na gagawin ko?!

" oh and please dont cry!! Sarah naman, huuuyy Pot pot!! Wag ka nga umiyak! Ano ba yan, lagot tayo neto eh! Baka isipin ni Matt , inaway kita! Tahan na beh!!"

" nakokonsensya talaga ako.. alam mo ba na training nya yung kaninang 1 pm, akala ko di sya hahabol sa atin.. ok lang naman na , pero nandito sya.. Alam kong napakahirap nun sa kanya na magpaalam, pero andito pa din sya. Tapos ako , inaway ko naman sya kanina habang papunta kaming showroom..Ang bad ko sa kanya.. "

" bawi ka beh.. Mahal ka ng asawa mo. Sobrang mahal. Ang swerte mo sa kanya.. " inabot ni Seth ang kamay ko saka mataman pinakatitigan. "Si Matt yung pinag pray mo, at halos lahat ng katangian na yong pinagdasal, ayan na , binigay sayo. Kaya alagaan mo yung relasyon nyo.. hindi porke't mahal ka, may mga bagay ka na ite-take for granted. . Ang saya ng puso ko na makita kang matapang, independent at higit sa lahat- -inaalagaan. .

" seth.. "

" Matteo loves you so much.. feeling ko nga, ikaw yung mundo nya! Sobrang inlove sayo eh! "

" hey ladies.. " pareho kaming nagulat nang marinig ang boses ni Matt.. palihim ko naman pinahid yung mga luha ko.. Naupo ito sa tabi ko saka ko naramdaman ang kamay nito sa ibabaw ng lap ko. "You ok?"

" ah yup. Uuwi na din kasing Australia ni Seth.. naiiyak ako.. " sabi ko na lang, and he hugged me instantly.,

" we can visit naman Seth if your sched permits.."

AshMatt - Until ForeverOù les histoires vivent. Découvrez maintenant