53

726 20 2
                                    

Sarah's POV

•••***•••

" love , ihatid mo lang ako sa studio. Kasama ko naman sina ms Chai at Chlo , kahit sila na lang din ang maghatid sa akin pauwi. "

" I can make time. I always make time for you, beb.. i can go with you on your first day of dance rehearsal.. "

" asus ang baby ko. . Mag enjoy ka na muna kasama ng mga boys. Matagal ka na kayang kinukulit nina kuya Ranvel, ayaw mo lang sumama"

Pinaalam kasi ni kuya Ranvel si Matt sa akin. Ayaw kasi nitong asawa ko na sumama sa boys day out dahil nga, mas gusto nya na sumama sa akin sa rehearsals.. kaya eto ngayon, ako na mismo pumipilit sa kanya na sumama sa mga boys! Kilala ko naman kung sino mga kasama nila..

... "beb, sama ka na muna kina kuya Ranvel ah. "

" wala ka dun.. mami-miss kita"

" huyyy grabe sya. . Uuwi ka din naman sa gabi ah! "

" bubb.. ayaw mo ba kasama sa rehearsals??"

"Lovey, . Gusto ko syempre na kasama ka palagi , pero diba nga, gusto ko din na i-continue mo yung life with the boys. Kelan ka huling sumama kina Ivan? Kina Marlon? Antagal na nang huli mo silang kabonding.. "

" ok.. if that's what you want. "

" bub.. baby.. " alam kong nagtatampo na ito. Base na din sa mukha nito na di na maipinta. He's cute by the way! Ito atang asawa ko walang bad angle eh! Ang gwapo sa lahat ng anggulo!!

Nakalabi ito at di nakatingin sa akin., kaya kinulong ko sa mga palad ko ang mukha nito..

... "bub , look at me.. baby.. "

" im going. " .. mabilis na halik sa noo ko ang ginawad nito saka umalis.

Confirmed! Nagtatampo nga!!

But i want him to also have time with his friends. Hindi naman nya ako kailangang bantayan palagi. May sarili din naman syang buhay.. alam ko naman na hanggang ngayon , nag aalala pa din sya.. nag aalala na baka hindi pa din ako ok . .

Kahapon nagkita kami ng mga choreographers na makakasama ko sa concert. We agreed on everything. Wala silang naging problema sa inilatag kong mga kondisyon. . Kasama ko ang prod team na nakipag kita sa kanila, at naipaliwanag naman sa mga ito ang mga bagay na gusto kong mangyari para sa concert.

We all agreed to what the vision of this concert is.. We have one common denominator - and that's the passion on our craft. We do everything to achieve our goal, we will go for extra mile to give the best experience to our audience..

" good afternoon po sa lahat" bati ko sa mga andito sa dance studio. They all smiled and greeted back. Kasama ko si Chlo and ms Chai. Bitbit ko lang naman ang bag pack ko na parang camping bag na din sa dami ng laman nito! Sabi nga ni ms Chai, daig ko pa daw ang nag bakayon ng tatlong araw!!

" ma'am -

Agad kong pigil sa pagtawag nito sa akin. "Sarah , or ate Sarah lang please.. wag na yang mam mam na yan ah. Ok?? "

" ah - " kamot batok na tumango ito. "So ito pala yung inihanda naming sayaw.. "

Hindi ko na lang tuloy napansin na binigyan akong upuan ng isa sa mga dancers dahil bigla na lang ako naupo sa sahig. Masarap kasing maupo sa sahig, malamig!! Kaya siguro sumunod na lang din sila .

" ambilis nyo namang nakagawa ng steps ah, meron na agad. "

" eh napagaralan na po namin yung audio na binigay sa amin. Tatlo naman kami na nagpulong at nag share ng mga steps.. hehehe.. pero gagamitin pa din naman natin yung oginal steps?"

AshMatt - Until ForeverWhere stories live. Discover now