Baby Sitter

3K 56 13
                                    




•••***•••

" love, kina Mia na tayo magkita. " sabi ko kay Sarah. We're on facetime right this moment, at tila gulong gulo ito sa kung ano ang susuotin. Andaming mga damit na nakakalat sa ibabaw ng kama nito. Kasama nito si ate Rose na kasambahay nila na tila tinutulungan itong pumili.

" oo love, dun na lang. Shocks, baka malate na ako., what time ba yung dinner mamaya ? "

" maaga pa naman, you bring extra clothes na din. "

" ahm , ok ok. Pero wala pa akong susuotin sa bridal shower for Ging. White kasi dapat diba? Wala na akong ibang mapili dito., "

" don't worry about it. Ako na ang bahala dun"

" huh ? Paano naman.. "

" we'll shop. "

" Matt. Di na. . "

" don't stress yourself too much on looking for something to wear. I can buy you new clothes-

" hindi na noh. Sige na. Tatawag na lang ako pag nasa daan na kami papunta dyan. And oh, will you cook lunch for us?"

" sure love.. what do you like for lunch ba?"

" ahmm . Anything.. surprise me na lang.. love you!" Hindi na nito ako hinintay na sumagot, dahil inoff na nito ang tawag. Naiiling na napatayo na lang ako. I'll prepare lunch for us. Two nights ago ko lang ito hinatid sa bahay nila, at mamaya, back to condo kami ulit dahil sa sunod-sunod namin na meetings with our wedding planner. May mga gatherings din kaming pupuntahang sabay.

" hay Sarah.. Im so excited to father our first born.. " biglang nasambit ko. . nagsimula na akong magluto ng para sa lunch namin. Our cupboard's complete! Our fridge, our kitchen, lahat kumpleto. Buti na lang talaga magaling mag grocery ng future misis ko.

Pero grabe lang din ito mag grocery, may isang lagayan kami na puro chirchirya nya ang naka stock! Ibang klase..

Maaga pa naman, im sure matatapos akong magluto before she reaches our condo at 12 noon.. tamang tama lang kung sakali.. Kaya hindi na ako nagsayang ng oras at nagsimula na. And what's best companion for cooking? Music. Music ni Sarah..

" love!! Lovey.. " boses ni Sarah. Im done preparing our table, and she's right on time!!

" kitchen love.. "

" oh.. hmmm .. ang bango naman.. "

" mag isa ka lang? "

" nope. Kasama ko sina Ate Rose, " nginitian ako ng mga ito, kasama ang driver ni Sarah na syang may bitbit ng luggage nya. Luggage. Two nights lang kami dito, pero yung bitbit nya, pang two weeks!

" eh di tamang tama naman na lunch na! Sabay sabay na tayo" .

" tama! Ate, kain na muna tayo bago po kayo umuwi. "

" ah , hindi na po. Dadaan pa po kaming Imo's , dun na po kami kakain. "

" but i insist. " sagot ko. " you have to tell me ate kung masarap ba ang luto ko! Sarah, here is being bias when judging my cooking skills!"

" hoy hindi naman ah. Masarap kaya" si Sarah . "Kain na muna tayo. Iwan nyo na lang po dyan sa tabi, kami na pong bahala ni Matt na mag ayos nyan mamaya"

" ah - sige po.. kayo pong bahala., "

Agad akong nag dagdag ng dalawa pang plates, for our visitors. As always, napaka gana ni Sarah kumain . Tunay ngang, Food is Life ang motto nito. After eating, si ate Rose na ang nagligpit at naghanda na kami ni Sarah para pumunta kina Mia.

AshMatt - Until ForeverWhere stories live. Discover now