Pao Pao

2.6K 67 12
                                    



•••***•••

" ito , ito at ito pa!!!" Kung ano ano lang ang kinukuha ko sa grocery! Kasama namin si Don ngayon. Matteo and the whole people from Da Gianni are busy preparing for the Anniversary, at ako, naki join na din sa pag grocery..

" Ok love. Just put it in our cart " sagot ni Matteo. Ang seryoso nito ngayon, at may lists pa ito ng mga dapat na bilhin. Tumango lang ako at muling kinausap si Don..

" Don , natry mo na to?" Tanong ko kay Don habang hawak ang isang japanese ramen.

" patingin,. Ah oo, si Kaye, may dala nyan before. Medyo maanghang sya, pero pwede mo naman wag ilagay lahat ng spices para tolerable lang ang anghang. "

" ganun ba. Sige, try ko to mamaya.. "

" eto din.. mas creamy to, pero hindi sya maanghang.. "

" ok . " kinuha ko sa kamay nito ang apat na variants ng ramen pack. Mukhang unhealthy cart ang itatawag ni Matteo sa cart ko ah. Andito din kasi ang mga chichirya , chocolates and sodas!

" daig mo pa si Paolo pag naggo-grocery?" Puna ni Don. Lumingon ako dito saka nag pout. "Hahahaha!! Mukhang may mag dodouble time sa exercise nyan. Lagot na kay Mister"

" di ko naman ito uubusin ng isang upuan lang nuh. Mga two days!"

" hahahaha!! Andito na sa si Nyor Matteo!"

" oh lovey, done na? And oopps, daming unhealthy foods ah"

"  sabi na. " nag apiran na lang kami ni Don. Well, alam naman namin na ganito magiging reaction nya. We looked forward to it already! We've seen it coming!!

" eh hehehe.. please love, ok lang po?Dagdagan ko pa????" Nakapout kong dabi..

" ok ok .. you're the cutest baby.. " Matteo said before pinching my cheeks! May laman na cheeks ko! Napipinch na ni Matteo! Iilang araw pa lamang kaming kasal, nagkakalaman na ako!!

" andaming langgam!! Ayt, nakakainggit kayo! Im gonna call Kaye!! "

" Don , get married na! You know, being a husband to my wife, is the most beautiful event that had happened to me."

" oo na !! After Arden!"

" orayt!!!"

Nagpatuloy pa kami sa aming grocery, though there are times na may naririnig kaming camera clicks,. Our two bodyguards are really strict, they are even blocking the way pag may gustong magpa picture . And i feel sorry, kung hindi man namin mapagbigyan ang gusto ng ilan..

" love.. " tawag ni Matt.  "Let's go?"

" ah oo - ". Inabot nito ang kanang kamay ko saka mahinang hinila palapit dito.

" may iba ka pang gustong bilhin?"

" toner.. and , "

" and?"

" sanitary pads.. " bulong ko. I even bite my inner cheeks dahil first time to! Nakakahiya!! He was looking intently at me na para bang may malaking kasalanan akong ginawa dito!!! Bakit ganito na lang ang reaction nya? Kala mo talaga pinagsukluban ng langit'! "Huy , lovey ok ka lang?" . Mahina kong pinisil ang braso nito. Medyo malayo pa naman ang ang estante ng mga ito sa kinatatayuan namin ngayon..

" oh.. "

" yan talaga reaction mo? It's the time of the month. I could feel it coming na..so better na yung ready .. "

AshMatt - Until ForeverKde žijí příběhy. Začni objevovat