T W O

327 10 0
                                    

- Wise's POV -

Nagising ako at nararamdaman kong mayroon akong katabi, tangina may inuwi nanaman ba ko? Di ko siya makita dahil naka talukbong siya ng kumot, narinig ko na may tumawag sa aking cellphone. Si Boss Tryke lang pala, sinagot ko ang tawag.

Tryke : Wise nasaan kana, magpo photoshoot na tayo and tagal mo. Nandito na yung mga tao kumpleto na, meron pa namang kulang yung extra mamaya pero bilisan mo!

Wise : Ito na boss sorry naman, ang haba pa ng sinabi. Papunta na ko maliligo lang.

Ini end ko na yung call at naligo paglabas ko ng banyo, wala na yung taong nasa kama sa hotel room kanina. Nagmadali na akong magbihis at pumunta sa parking lot ng hotel, nakita ko naman agad yung kotse ko at tsaka sumakay na ko kaagad. Nagdrive na ko papunta sa set, mga 30 minutes din yung layo nung hotel dun sa set. Pagdating ko ay pagsermon agad ni Boss Tryke ang bumungad sa akin.

Tryke : Anong oras na, kanina ka pa hinihintay nung mga tao at yung extra. Ang tagal mo naman kasi alam mong 8 am yung call time dadating ka 9 am?!

Wise : Sorry na boss, na late kasi ako ng gising.

Tryke : Oo sige na, pumunta ka na don sa dressing room nandon na rin yung extra sa set.

Wise : Sige boss, thank you!

Pumunta agad ako sa dressing room, nakita ko ang isang lalaki na nilalagyan ng isang staff nang make up. Umupo agad ako at nag start na akong lagyan ng make up, lumabas muna ako para mag rest room. Pagpasok ko may nabangga ako na palabas na ng dressing room. Humingi naman kami ng pasensya ng sabay.

Vee : Aray! Sorry!

Wise : Sorry!

Sabi namin ng sabay, nang makita ko ang kanyang muka alam ko na agad kung sino siya. Vee ba yon vee ata pangalan non di ako sure, lumapit sa amin si Boss Tryke.

Tryke : Vee! Wise!

Vee : Boss Tryke, salamat sa pag offer nito sa akin!

Tryke : Walang ano man, anytime!

Sabi na eh siya yung Vee na yon, yung kagabi! Hinila ko kaagad siya sa kanyang kamay.

Wise : Kausapin ko muna siya Boss.

Vee : Aray! Huwag mo higpitan yung hawak! Wise masakit, masyadong mahigpit yung hawak!

Wise : Wag ka na magreklamo, kakausapin lang kita!

Naaalala ko lahat nang nangyari ka gabi, alam kong may nangyari sa amin.

Vee : Wise sandali na duduwal ako!

Wise : A-ano? Vee buntis ka ba? Alam kong may nangyari sa atin kagabi.

Vee : Oo, Wise buntis ako. At oo may nangyari din sa atin kagabi, pumapasok kana lang kasi basta sa kotse ko eh!

Wise : Di ko kasalanan yon lasing ako!

Vee : Alam ko na lasing ka, pero ang tanong handa ka ba maging ama?

Wise : H-hindi, pwede namang ipalaglag mo na lang pag di mo kaya alagaan kasi ayaw ko din naman.

Vee : Wise, di ganun kadali yon! Mag-isip ka din kasi kahit minsan! Di mo ba pinag iisipan mga sinasabi mo?! Huwag naman ganyan mga iniisip mo! Kung ayaw mo edi ako na lang, bigyan mo lang siya ng child support! Di mapapanatag ang loob ko don!

Wise : Sorry, magkita na lang tayo after ng photoshoot.

Tango lang ang kanyang naging tanging sagot. Tinawag na kami dahil mag start na daw. May sinabi ang photographer na ikinagulat namin.

Photographer : Pwede bang maglapit kayo kahit konti lang.

Wise : Pwede naman kung wala lang siyang boyfriend.

Vee : Pwede po, wala naman pong magagalit.

Umirap naman siya sa akin, ilang mga 3 oras din ang inabot namin.

__________

Hi reader, take note pwedeng araw-araw akong magpost sometimes kaso di lagi kasi busy din ako sa studies malapit na rin kasi matapos school year!

The Right MistakeWhere stories live. Discover now