T W E L V E

184 8 0
                                    

- Vee's POV -

Pagkatapos namin umorder, mga 30 minutes din siguro kami naghintay para sa aming order. Kung ano lang ang gusto namin yun lang ang aming order.

Nakakahiya naman kay coach na madami kaming i order, di ko manlang naubos ang aking pagkain. Mabilis kasi akong nabusog, kalahati lang ng aking pagkain ang nakain ko.

Sabi ko kay Wais, busog na ako at gagamit din ako ng rest room.

Vee : Wais.

Wise : Hm?

Vee : Ayaw ko na kumain, busog na ako.

Wise : Ang konti ng nakain mo Vee oh.

Vee : Busog na kasi ako, gagamit din ako ng rest room. Wait lang ah.

Wise : Oo na, bilisan mo. Papunta na tayong bc.

Vee : Yes, I know.

Tumayo na ako sa aking upuan, papunta na ako sa rest room. Naglakad na ako papuntang rest room, nang makasalubong ko si Oheb. Galing ata siya sa rest room, nagsalita siya bigla.

Oheb : Mamsh, sasama ka ba sa bc?

Vee : Oo, sabi ni Wais. Sumama na lang daw ako.

Oheb : Ah, basta talaga kay Wise... Papayag ka.

Vee : Eh?! Di noh, di mo naman ako inaya ah.

Naglakad na siya papunta kila Wais, umupo na ulit siya sa kanyang upuan. May pinag uusapan ata sila, patuloy na akong naglakad. Tapos na ako mag rest room, nasa pinto na sila nakatayo. Ako na lang ata hinihintay.

Lumapit na ako sa kanila, lumabas na kami sa resto. Sumakay na rin kami sa kotse ni coach, tanghali na kami natapos kumain. Mga 12:51 pm na kami umalis sa resto, malayo din ang bc nila.

Nag usap muna kami ni Wais, habang siya ay nag cecellphone kinakausap ko siya. Inaantok na rin kasi ako.

Vee : Wais, malayo pa ba tayo?

Wise : Oo, medjo malayo pa. Bakit?

Vee : Inaantok na rin kasi ako.

Mula sa kanyang cellphone, bigla siyang tumingin sa akin. Nagtagpo ang aming mga tingin, umiwas naman siya ng tingin.

Wise : M-matulog ka nalang muna.

Tinapik niya ang kanyang balikat, senyas na matulog ako sa kanyang balikat. Nilagay ko naman ang ulo ko sa kanyang balikat, ilang minuto lang nakatulog agad ako.

May naramdaman ako na may nag uuga sa akin, gumising ako at narinig ko ang boses ni Wais na tinatawag ang pangalan ko.

Wise : Vee.

Vee : Hm?

Wise : Nasa bc na tayo, baba na tayo ng kotse. Sa loob ka nalang matulog ulit.

Vee : Di na, okay na ako.

Sabay kaming bumaba ng kotse, pumasok na kami sa bc nila. Agad kong nilabas ang phone ko, may nag message kasi. Tinapik naman ako ni Wais.

Wise : Magpa practice na kami ah.

Vee : Opo.

Wise : Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka.

Vee : Oum.

Umalis na siya, kinuha ko na ang cellphone ko sa aking bag. Nakita ko ang message. Galing kay Pauline.

"Message"

Pau
Nasaan ka?

Vee
Nasa bc nila Wais.

Pau
Gusto ka daw makita
nila Eyon at Rindo.

Vee
Mamaya na lang
siguro mga gabi.

Pau
Sige, mamaya ah.

"End Of Message"

Nanood muna ako ng tiktok sa aking cellphone, I continued scrolling until... Nakita ko ang isang edit, sa live ni Wise? Naglilive siya ngayon, may sinabi siya don sa edit. Ang bilis naman mag edit ng mga fans, naglilive palang may edit na.

"TikTok Vid"

Wise : May nagpapasaya na po sa akin, di joke lang.

Hadji : Meron na yan guys!

Wise : Oy, gago to oh!

Edward : HAHAHAHA, parang wala talaga ah!

Oheb : Nandyan siya sa sala guys!

Wise : Mga gago talaga oh, mamaya kayo sakin!

Oheb : Tawagin ko pa gusto mo? HAHAHA

Wise : Kulit niyo, focus na nga!

"End Of TikTok Edit"

Natatawa naman ako sa mga sinasabi ng mga toh, ang bilis magsi edit. Nilagay ko na ang cellphone ko sa bag, humiga ako sa sofa. Di ko alam nakatulog na pala ako.

__________

This is just my imaginations guys, try ko magpost ulit mamaya. Di ako nakabawi sa inyo kahapon eh, nakatulog kasi ako ng maaga. Dapat kasi gabi ako maguupdate.

The Right MistakeWhere stories live. Discover now