T W E N T Y - O N E

167 14 0
                                    

- Vee's POV -

Nagising ako na yakap ako ni Wais from the back. "Sana lagi na lang tayong ganito", I whispered to myself. I held Wise's arm, lift it up and put it on his body.

I stand up and got my glasses on the bed side table. "Di naman lahat may happy ending", I said to myself while looking at him. Naglakad ako papunta sa kwarto ko at pumunta sa bathroom ko para maligo.

After a few mins ay natapos na akong maligo. Kinuha ko ang towel ko at itinuyo ko ito sa aking katawan, pagtapos ay ibinalot ko ito sa aking katawan. Naglakad ako papunta sa closet ko para kumuha ng damit.

Lumabas na ako sa aking kwarto at pumunta sa kwarto ni Wais para gisingin siya. Pagpasok ko sa kanyang kwarto ay hinanap ko ang cellphone ko, nasa ilalim lang naman ng unan. Tinignan ko ang oras ay 7:45am, 9 o'clock pasok niya. I shake him a bit so he could wake up. Nagising na nga siya at kinusot ang kanyang mata.

Vee : Wais, gising na. May pasok ka pa.

Wise : Ansakit ng ulo ko, pwede bang hindi muna pumasok?

Vee : Ikaw, message mo si Boss Tryke at Coach Bon.

Hinanap niya ang cellphone niya para i-message si Boss Tryke at Coach Bon. Nang m-message niya na sila ay nilapag niya na ang kanyang cellphone sa bed side table, matutulog na sana siya. He tapped the side other side of the bed para doon ako mahiga.

Wise : Come one, let's sleep again.

Vee : Wait lang, luluto ako ng breakfast in bed mo.

Wise : Bilisan mo ah.

He pouted after saying that. Lumakad na ako palabas ng kanyang kwarto. Bumaba na ako ng hagdan at nagpunta sa kusina. Hinanda ko na ang aking mga kailangan sa pagluluto ng pancakes, gagawa na rin kasi ako para sa sarili ko. Gagawa na rin ako ng coffee at milk.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa aking mga ginagawa. Umakyat na ako kasama ang mga niluto at maiinom namin. Pumasok na ako sa kwarto ni Wais, tulog nanaman.

Lumapit ako sa kanyang higaan, inalog ko siya nang kaunti. Nagising naman siya, madali lang naman siya gisingin. Minulat niya ang kanyang mga mata at kinusot ito. Umupo na siya at sumandal sa headboard ng higaan, halatang antok pa. Binigay ko na sakanya ang kanyang pagkain.

Wise : Salamat, Vee.

Vee : Your always welcome.

Wise : pinayagan ako ni Boss Tryke at Coach mag leave.

Vee : Ah, sige. Kain na, baka gutom na gutom ka na.

Nagsimula na kaming kumain. Mga ilang minuto lang ang lumilipas ay tapos na kaming kumain, nilagay ko muna sa lamesa ni Wais ang aming mga pinagkainan. Lumapit na ulit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang noo, ang init niya.

Vee : Wais, may lagnat ka. Kelan pa?

Wise : Ewan ko, kanina lang kasi sumama pakiramdam ko at sumakit ang ulo ko.

Vee : May gamot ka ba?

Wise : Oo, doon sa may medicine cabinet ko, sa may kusina.

Vee : Sige, hintayin mo ko ah, humiga ka muna ulit.

Humiga na siya ulit sa kanyang higaan. Ako naman ay naglakad na palabas ng kanyang kwarto at bumaba na ng hagdan, pabalik-balik lang ako.

Nang makarating ako sa kusina ay hinanap ko agad ang medicine cabinet, dami kasing cabinet. Nang makita ko ang medicine cabinet ay hinanap ko ang gamot na iinumin ni Wais.

Nakita ko na ang gamot na kanyang iinumin. Dumeretsyo na ako paalis ng kusina at papunta sa hagdan. Hays, laki kasi ng bahay siya lang naman mag-isa. Lumapit na ako sa pinto ng kwarto ni Wais. Habang nasa labas ako ay hinahabol ko ang aking paghinga, pabalik-balik ba naman eh.

Pumasok na ako sa kwarto niya at nakita siyang naka higa lang, walang ibang ginagawa. Di pa niya ubos yung coffee niya kaya yun na lang iinumin niya pagkatapos inumin ang gamot. Nang mainom niya na ang gamot ay nilapag niya na ang kape niya sa bed side table. Tumabi naman ako sa kanya, ang tahimik nga naming dalawa. Humarap ako sa kanya, kaya pala tahimik tulog. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na rin ako.

__________

Sorry late update nito, dapat kahapon pa to, kaso may event kahapon kaya di na ako nakapag tuloy nang aking isusulat. Thank you for the votes and saving this to thair list! I really appreciate it, love you!!!

The Right MistakeWhere stories live. Discover now