2

6.4K 105 3
                                    

"Sana pala hindi na ako umalis dito at binantayan na lang kita. You kiss him in front of his girlfriend, Daryha. Are you really that insane? Usap-usapan ka ng mga nakakakilala sayo, sa inyo!" Panenermon ni Herica sakin. Nakatayo pa ito at kanina pa palakad-lakad sa harap ko.

Tinanggal ko ang suot na eyeglasses at tamad ko siyang tinignan.


"I said I don't care, Herica. Pag-usapan nila ako kung gusto nila, but I really don't care. Hayaan mo silang mapagod kakaputak nila," sambit ko.


I'm checking my latest sketch designs, but she is here putak ng putak. I'm working, hindi ba nito nakikita?


"You don't care? Kalat sa social media ang paghalik mo sa kanya!" Bulyaw pa niya.

Napairap ako. Oo alam ko. Nag check ako kanina sa social media, and I also saw the picture. Buti na lang at maganda ang kuha nila doon.

"Edi mas okay," sambit ko at isinuot ulit ang eyeglass.


I don't really mind.


"Maraming nakakakilala kay Jerico becuase he is a brother of Leozardo kaya alam mo ba ang tawag nila sayo? You are bitch, a slut, a--"





"Can you not include that guy! Naiirita ako sa pangalan niya!" Inis na sambit ko agad nang marinig ang pangalan ni Leo.

Hindi ko alam, pero kumukulo ang dugo ko sa kanya! Naiinis ako sa kanya dahil sa kaba na naramdaman ko kagabi!

Hindi ko pinansin ang mga tawag nila sa'kin na binanggit niya. Mas nainis ako sa pagbanggit niya sa pangalan ni Leo.

Hindi ko matanggap na hindi ko nagawang matulog ng matiwasay kagabi ng dahil lang sa kanya. Sino ba siya? He is just a lalampa-lampa noon! Hindi ko maalis sa isip ko ang paraan ng tingin niya, ang paraan ng pagsasalita niya, ang pabango niya at ang mabangong hininga niya!

Damn!

"Who? Leozardo? Why? Is there something happen?" Nagulat ako nang maupo agad ito sa tabi ko. Napakurap-kurap ako at umiwas ng tingin.

"Wala! Ayoko lang marinig ang pangalan ng lalampa-lampa na 'yun!" Sambit ko at tinuon ang pansin sa mga sketch designs ko.

"Lalampa-lampa? Hoi! Nakita mo na ba siya sa personal? He is more gwapo and hot than Jerico. Kung noon walang nagkakagusto sa kanya, ngayon, abot mars na ang pila. Huwag kang mapanlait diyan dahil wala nang panama ang kapatid niyang si Jerico sa kanya. Alam mo ba na maraming artista ang nagkakagust--"

"Can you stop? Sinabi ko ba na magkwento ka tungkol sa kanya? For me, he is still the lampa-lampa and nerd. Fresh pa nga sa utak ko kung paano siya nadama noon sa harap ko. Yuck! Nakakadiri! Maraming nakakagusto sa kanya? Abot mars? Artista? Wala akong pake tulad ng wala rin akong pake sa mga pangalan na pinapangalan nila sakin sa social media. Ang gusto ko ay ang kapatid niya. Mayaman siya? Mayaman din naman ako ah--"


"Pero mas mayaman siya," pagpuputol niya.


"Bakit? May sinabi ba ako na mas mayaman ako? Ang sinasabi ko lang ay mayaman din ako!" Inis na sambit ko.


Dabog itong tumayo. "Ano bang ginawa niya at grabe ka mainis?" Nakahalukipkip na tanong nito. Ayoko namang sabihin yung nangyare kagabi.

"Basta ayoko sa kanya, no more reason, sadyang inis ako sa kanya," sambit ko.

Magsasalita pa sana ito, pero napasulyap kaming pareho sa pinto nang may mag doorbell. Pupunta rito ang boyfriend niya, siguro siya na iyon. Naglakad ito para pagbuksan ang boyfriend niya, habang ako ay tinuon na ang buong atensyon sa sketch. Kailangan ko 'tong tapusin dahil bibili pa ako ng sasakyan mamaya, tutulongan ako nila Herica mamili.

"Tapusin ko lang 'to," sambit ko nang marinig ang pagsara ng pinto.

Walang nagsalita, pero narinig ko ang bulungan ni Herica at Garry. Hindi ko sana papansinin dahil baka may pag-uusapan lang sila na ayaw nilang iparinig sa'kin, pero natigilan ako ng may maupo sa tabi ko at malanghap ang pamilyar na pabango.

Shit!

Napapikit ako. Ano namang gagawin niya rito diba? Pero 'yung pabango! Nang sulyapan ko siya ay napalayo agad ako. What the hell! Muntik ko na siyang mahalikan sa pisngi! Kinuha nito ang sketch book ko at tinignan ang sketch design doon.

"Maganda," prente nitong sambit.

"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa condo ko?" Madiing tanong ko.

Sumulyap ito sakin at sumundal sa sofa. Prente niyang ipinatong ang kamay sa backrest ng sofa ko habang nakatingin pa rin sa sketch ko.

"I heard from Garry na nagpapatulong ka sa pagpili ng kotse, so I'm here to help you," sambit nito bago ilapag ang sketch book ko. Napapikit ako at tinignan ng masama si Garry at si Herica.

"Wala akong alam. Nagulat din ako," mabilis na sambit ni Herica nang makita ang masama kong titig.

Bumuntong hininga ako at tumayo. "Kaya kong mamila ng kotse ko, so please all of you, leave my condo now!" Iritang sambit ko.

Inis na inis na nga ako kanina sa pagbanggit ni Herica sa pangalan niya tapos ngayon nandito siya! Sa tingin ba nila nakakatuwa!

"Teka, pati ako?" Tanong ni Herica.

"Labas," mahinahon kong pag-uulit sa kanila nang walang umalis.

"Hey, Daryha--"

"I just wanted to help," mahinahon nang sambit ni Leo.

"Help? Kung sana si Jerico ka ngayon, matutuwa pa ako, baka nga magpaparty pa ako, pero hindi ikaw si Jerico, and I don't need your help. Lumabas na kayo!" Irita ko nang sambit, pero gaya kanina ay walang gumalaw.

"I know that you want Jerico to be here instead of me," sambit nito.

"Buti alam mo," mahina kong sambit.

"But you have nothing to do because I am Leozardo. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka pumapayag na tulungan kita sa paghahanap ng kotse mo."

Natawa ako. Imbes na magsalita pa ako, tumawag na lang ako sa guard. I want them to take Leozardo away here, away from me! I really hate him!

Narinig ko ang pagpigil ni Herica at Garry sakin nang marinig ang sinabi ko sa guard. Herica is already on my side trying to get my phone from me. Habang si Leozardo ay prente lang na nakaupo roon at pinapanood ang pagkairita ko habang kausap ang guard. Nang ibaba ko ay nginitian ko siya.

"Ano? Hihintayin mo ang mga taong kakaladkad sayo pa-alis? O kusa ka nang aalis?" Nakataas na kilay na sambit ko.

"Hihintayin ko na lang," mahinahon pa rin nitong sambit na mas nakapagpairita sakin. Bakit parang wala lang sa kanya!

Mabilis akong lumapit sa pinto para pagbuksan ang guard, ang kaso sadyang minamalas nga ata ako at sadyang hindi ko pa talaga kilala kung sino na si Leozardo Luenco.

"Kaladkarin niyo siya," sambit ko sabay turo kay Leozardo. Hinintay ko ang paglapit at paghila nila kay Leozardo, pero hindi sila gumalaw sa kinatatayuan nila.

"What? Hindi niyo ba narinig?" Inis na tanong ko sa kanila.

"Narinig po, Ma'am, pero hindi po namin masusunod ang inuutos mo," sambit ng pinakamatanda sa kanila.

"What the hell are you talking about?" Natatawang smabit ko.

I heard Herica whispering something. Nang sulyapan ko siya ay parang may gusto itong sabihin.

"Ma'am, siya ang may ari ng condominium building na 'to kaya hindi namin pwedeng sundin ang utos mo na kaladkarin siya," sambit nito na nagpasinghab sakin. Sumulyap ito kay kay Leonardo. "Sir, pasensya na po. Mauna na po kami," sambit nito at lumabas na sila.

Wala akong masabi. Pasensya? Sa kaniya pa sila himingi ng pasensya? Hindi man lang sila humingi ng pasensya sa'kin! Ibang klase! I didn't know that this condominium was his. Just what the hell? Nagpapatawa ba sila? This condominium is the most expensive condo in the philippines tapos siya ang may-ari? Is this kind of a joke? May camera ba?


"I told you, hindi ako aalis dito hanggang hindi ka pumapayag na tulungan kita sa paghahanap ng kotseng bibilhin mo," sambit nito.

Tumayo ito at naglakad papalapit sakin. Yumuko siya at bumulong. "This is how billionnaire chase, Baby."

Chase Me, Mr. BILLIONAIREWhere stories live. Discover now