4

5.6K 95 13
                                    

"Stop smiling nga! O baka gusto mong ibato ko itong vase sa mukha mo!" Inis na bulyaw ko kay Leo.


He is smiling like a crazy! Nakakainis. Nakakairita siya. Kanina pa siya nakangiti. Umuwi kami pagkatapos noon. Hindi ko binili ang kotse, pero sinabi ko sa kanila na ireserve iyon at babalikan ko bukas. Sadyang natameme na ako nang sakyan niya ang sinabi ko na girlfriend niya ako.


I know that he likes me, pero talaga bang hinayaan niyang paniwalain ang babaeng artista na 'yun nagsasabi ako ng totoo? 


"I'm sorry. I just can't stop myself from smiling," sambit nito.


Tinignan ko siya ng masama. "Bakit ba sumunod ka pa rito sa taas? Umuwi ka na nga!" Inis na sambit ko.


Napasulyap ako kila Herica at Garry na prenteng kumakain ng snacks sa may gilid. There are talking something at parang walang pakealam kahit na bumato na ako sa inis ko ngayon. Tsk! 


"Wala akong gagawin sa bahay," sambit nito. Inirapan ko.


"Ano namang pake ko kung wala kang gagawin? Just leave!" Bulyaw ko, pero hindi pa rin ito tumayo para umalis.


"Ano gagawin mo? Artista 'yun at paniguradong maraming nakarinig kanina doon. I also saw some employee taking videos. Congrats, Daryha, artista ka na," sabat ni Herica. Nakatingin na ito sa'kib ngayon.


Napatayo ako sa pagkakaupo at napatampal sa noo. "Hindi pwede 'to!" Naiiyak na sambit ko.


Kung kakalat iyon, posibleng makarating iyon kay Jerico!


"Ang alin?" Takang tanong ni Herica. Imbes na sagutin siya ay hinarap ko si Leo.


Binigay niya ang buong atensyon niya sa'kin nang mapansin ang pagtitig ko sa kanya.


"Mayaman ka diba? So marami kang connections?" Tanong ko sa kanya.


"What do you want?" Tanong nito sa'kin na animo'y gagawin niya ang sasabihin ko.


I bit my lower lip, and I saw him staring at it.


"Baka kumalat na girlfriend mo nga ako, so do everything para huwag kumalat iyon," mabilis na sambit ko.


"But you are the one who says that's you are my girlfriend, Ryha." mabilis naman na sagot niya.


Inirapan ko siya. "Can't you get it? Nagsisisi na nga ako kasi sinabi ko 'yun. Just please, do whatever I said," irita kong sambit.


"Wala kang boyfriend so wala namang magagalit if kumalat iyon," sambit nito. 


So are he saying na hahayaan niyang kumalat iyon kahit hindi naman totoo? Nag-iisip ba siya?


"Ano ba, Leo! Akala ko ba matalino? Ano na lang sasabihin ng kapatid mo if he find out about that lies? Iisipin niya na boyfriend kita!" Bulyaw ko na.


Bakit hindi niya na lang gawin yung inuutos ko? Napansin ko ang pagkawala ng ngiti sa kanya. He stared at me. Tumayo ito at lumapit sa'kin. Sa gulat ko sa biglaan niyang paglapit at sa seryoso nitong tingin ay napahakbang ako patalikod. 


Shit! Bakit ba ganyan siya makatingin?


"Just do what I want you to do!" Inis na sambit ko sa kaniya kahit na ang totoo ay kinakabahan nanaman ako sa titig niya.


"Kung ganoon ang iisipin ng kapatid ko ang iniisip mo?" Seryoso nitong tanong.


Lumunok ako. "A-Alangan naman 'yang iniisip mo ang iisipin ko! Just do it! Tutal mayaman ka naman! Use your connection." Tuloy-tuloy na bulyaw ko, ngunit hindi nakaligtas sa'kin ang pagkautal ko.


Chase Me, Mr. BILLIONAIREWhere stories live. Discover now