44

5K 106 15
                                    

44

Masaya ako, pero alam kong may kulang, pero sino ako para hilingin na mapunan ang kulang? We are going to talk, right? Then fine. What I want right now is for him to know about Kent.

Kung noon ay medyo takot akong sabihin kasi baka mag duda siya lalo dahil wala itong maalala noon, ngayon ay sigurado akong hindi siya mag dududa. He knows what happened that night. He knows na siya lang at alam niyang nagsisinungaling si Joseph Vuenavista.

"He is the reason I endured everything that happened in my life these past few years. He is my everything. He saved me when I was so down and broke." dugtong ko.

I saw him staring at his glass. Napansin ko ang malalim na pag-iisip niya. Pati ang pagseseryoso niya ay namimiss ko. Nakakainis! Kanina lang ay subra akong naiirita sa kanya.

"Ikaw? Are you happy right now?" Hindi pa siya nakakasagot ay muli ko iyong dinugtungan. "Of course you are, right? But I want to ask you, is it Danica? or some other girl?"

Hindi man lang nagbago ang expression. Seryoso itong tumingin sa'kin.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sayo? I said that I wanted you to come back to me, and now you are asking me if it's Danica or some other girl? Naglolokohan ba tayo dito?" Natatawa siya, ngunit nanatiling seryoso ang mata.

"It's been two years, Leo. Last time, I knew that you knew that I was there. I heard you saying, I love you to her--"
 
"I didn't say that to her. Pinarinig ko talaga sayo iyon kasi galit ako sayo. Galit na galit ako kasi nakaya mong magpakasal sa iba, na hindi naman pala ganoon kalalim ang pagmamahal mo sa'kin dahil nagpakasal ka kaagad. You didn't even wait for me to remember you."

Umawang ang labi ko.

"6 months, Daryha. My memories with you came back six months ago, and the first thing I did was put your stepdad in prison and make his company bankrupt. For those six months, I tried to visit you several times, pero gusto ko, na kapag magkita tayo ay maayos na ang lahat, pero masyado mo akong ginulat at dinurog. You already married someone; you already married that Guevera!" Natatawa ito, pero alam kong hindi ito tawang masama.

I'm already married to Guevera. He really thinks that I am Guevera because Van is my husband? And who gave him that idea? Napabuntong hininga ako. Yeah, right. Wala itong alam tungkol sa totoo kong ama. Alam nito na hindi ko alam si Joseph Vuenavista, pero hindi nito kilala ang totoo kong ama.

Sa kabila ng lahat ng sinabi niya ay hindi ko maiwasang isipin ang unang sinabi niya. Pinakulong niya ulit si Joseph Vuenavista at ang kompanya niya ay na bankrupt.

"Ako na lang pala itong umaasa. May anak ka na rin. Nakakagago," galit na sambit niya.

Oo, gago! Nakakagago nga! Inanaakan mo ba naman ako bago mo ako kalimutan! Shempre nakakagago iyon!

Anak ko? Anak mo rin gago!

"Nakakagago nga," hindi ko na maiwasang matawa nang sabihin iyon.

"And you think it's funny?" Marahas na tanong nito at hindi makapaniwalang tumitingin sa'kin.

"You want to see his picture? His name is Kent," nakangiti ko nang sambit sa kanya. Hindi ito nagsalita. Binalik niya lang ang tingin sa mukha ko at tinitigan ako. Imbes na punahin ang pagtitig niya ay kinuha ko na lang ang phone ko at pumunta sa gallery.

Dahan-dahan kong pinadaus-us ang phone ko sa lamesa. Bumaba ang tingin niya sa phone ko. Napansin ko ang pagdadalawang isip niyang kunin ang phone ko para tignan ang pinapakita kong letrato ni Kent. Napapikit ito at hinilot ang sintido, pero nagmulat din at dahan-dahang kinuha ang phone ko.

Chase Me, Mr. BILLIONAIREWhere stories live. Discover now