LP 3 : The Kapre's Bride

2.1K 6 0
                                    

Entry #2
The Kapre's Bride
(Bxb One shot)

═-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

═-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

═-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Iminulat ko ang mata ko at napadpad ako sa isang lugar na ngayon ko pa lamang nakita. Masukal ang kagubatan kaya nilakad ko ito at nakarating ako sa isang malaking puno na napapaligiran ng mga bulaklak at alitaptap. Nagliliwanag ito sa kadiliman ng buong lugar. Maganda ang tanawin at kabigha-bighani ang paligid. Napakasarap pagmasdan.

Nakita kong kumabas mula isang kweba ang naggagandahang mga binibini na nakasuot ng kulay puting mga bestida at ang mukha nila ay nagliliwanag. Napangisi ako dahil naka-jackpot ata ako. Ang gagandang mga dilag ang maari kong pagpilian para maging syota. Pwede rin naman na pagsabaysabayin ko sila.

Narinig ko na nagbungisngisan ang mga dalaga kaya naglakad na ako papalapit sa kanila. Nagbulungan pa ang mga ito habang nakatingin sa’kin. Tsk! Pogi ko talaga.

Nang isang hakbang nalamang ako ay bigla silang yumukod at nagbigla ako nang may isang malaking lalaki ang lumabas sa puno ng balete. Daig pa nito ang higante pero sadyang matangkad lang ito. Nakasuot ito ng puting barong tagalog. Naglakad siya palapit sakin at ngumiti ito. Hala?! Tang ina bakit siya nakangiti sakin?!

“Halika na, Asawa ko,” sabi nito.

“Jester! Bumangon ka na riyang depungal ka. Anong oras na naman? Batugan ka talaga!” Nagising ako sa bunganga ng nanay ko. Eto na naman.

Bumangon na ako at alas-diyes na pala ng umaga. Inalala ko ‘yung panaginip ko. Ang sakit ng ulo ko. Tangina, kapre ata ‘yun shuta. Asawa daw ako? Gagong panaginip yan.

Umalis na ako sa kama at naghanda sa pagpasok ko sa eskwela. Oo na, late ako. Ehh sanay naman si Miss Ramos na late ako parati. Crush ko nga ‘yun ehh. Ganda nun kapag naiinis. Haist.

Bumaba ako sa sala namin at naabutan ko roon ang ate at mga kuya ko. Bunso kasi ako sa magkakapatid. Lima kaming lahat. Dalawang babae at tatlong lalaki. Si Kuya Wyatt Spades na mabait at masipag tapos si kuya Cassius na abnoy. Napaka sungit ehh mas pogi naman ako sa kanya.
Si Ate Coristine na maganda pero malakas sapak sa utak tapos trip ako parati. Ang huli ay si Callie Spades na mahinhin at laging tahimik. Ako naman si Jester Spades na napakapogi sa lahat at ang pinakamabait at masipag na kapatid sa lahat. Tsk. Nakaka-proud ang kapogian ko.

”Hoy Jester! Sabog ka ba? Bakit ka naka-uniform?” tanong ni Kuya Cassius sabay batok sa’kin.

“Bobo ka ba? Malamang papasok ako. Tabi nga diyan!” sabi ko sabay hawi sa mukha niya para maka-upo ako. Kung may magtataka man kung bakit kami ganyan mag-usap? Normal na ‘yan. Bobo kasi siya.

LES PLAISIR : One Shot Smut Collection Where stories live. Discover now