LP 6 : Pag-ibig sa kubo ni Aling Marites

314 0 0
                                    

Sixth Entry:
ANG PAG-IBIG SA KUBO NI ALING MARITES
(BxB One Shot)

TRIGGER WARNING:
This story has a very violent concept. Please skip if you know that you can be vulnerable in the topics about murder, homicide, BDSM and obsession. This story has strong depiction of the said themes.

READ AT YOUR OWN RISK.

------------------------------------------------------------

----------------------------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----------------------------------------------------------------

Bata pa lamang si Tanying ang mababakasan na ang pagiging malambot nito sa kilos at galaw niya, patpatin kasi siyang bata at medyo sakitin. Lapitin din siya ng tukso at medyo may pagkamahiyain ngunit lumaki siyang mabuting bata.

"Tanying! Umuwi ka ng maaga ahh. Huwag ka na magpaabot pa ng hapon. Madami pa namang mga loko-loko sa labas. Ingat ka ahh!" Sigaw ng nanay ni Tanying.

Napangiwi na lang si Tanying sa lakas ng tinig ng ina, palibhasa ay bunso siya sa magkakapatid. Pawang mga babae ang mga ate niya kaya na rin siguro ay nakuha niya ang ugali ng mga ito.

"Hoy Tanying, bayot!" Bulalas ng isang tinig mula sa kanyang likod kasabay ng isang malakas na tulak na nagpasubsob sa kanya sa lupang kanina lang ay kinatatayuan niya.

"HAHAHAHA! Lampa pala 'to ehh! Bayot nga!" Asar ng isa sa mga batang lalaking kasama ng tumulak sa kanya kanina.

Tumayo si Tanying at halos maiyak siya nang makita ang mga galos niya sa braso at sa tuhod. Yari na naman siya sa kanyang ina. Tiyak niyang magagalit na naman ito.

"P-pwede bang makiraan? Kailangan ko na pumasok—" sabi ni Tanying ngunit naputol ito nang muli siyang itinulak at nadapa muli.

Pawang tawanan ang narinig niya habang ang braso niya ay dumudugo at ang labi ay putok na sa pagkakasubasob niya sa batuhang kalsada.

"Tanga pala 'to ehh!"

"Bayot na nga lampa pa!"

"Lampayatot! Bayot!"

Tinakpan niya ang kanyang tainga at halos halikan ang sugatang tuhod nito. Mahihina ang hikbi niya at halos hindi siya makahinga sa pagpipigil ng iyak dahil lalo lamang siya aasarin ng mga ito.

"Hoy! Mga siraulo talaga kayo! Ano na naman ginagawa niyo?!" Anas ng isang tinig na tila kabisado na ni Tanying. Ang Cardo Dalisay sa pusong Aliyana niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LES PLAISIR : One Shot Smut Collection Where stories live. Discover now