Chapter Two (RaStro FanFic)

3.9K 92 17
                                    

Agad na nag doorbell si Glaiza ng marating ang unit ng condo ni Chyna. Si Chyna ay kababata niya at bestfriend. Kung may nakakakilala kay Glaiza, si Chyna na 'yun.

Nang pagbuksan siya ng pinto ng kaibigan ay agad niya itong tinalak. "Ano bang meron ha? Akala ko naman kung ano na. Bujay na buhay ka pa naman oh, oh!" Sabay hawak sa baba ni Chyna at marahas na ineksamen.

"Ano ka ba! Chill ka nga diyan. Halika na." Hinila na siya ni Chyna papasok.

"HAPPY BIRTHDAY!!!" sigawan ng mga tao sa loob ng makita siya. Andun lahat ng mga kaibigan niya at kabanda.

"Happy birthday bespren. Oh ayan ah, siguro naman ngayon hindi mo na ako tatalakan?" Biro pa ni Chyna.

"Ikaw talaga... Ang dami mong alam. Pero, salamat bespren ah, salamat sa inyo." She extend hed thanks to everyone in the room.

Simple ngunit masayang party ang inorganize ni Chyna para lang sa kanya. Chyna knows how to make her happy in simple way possible. Alam kasi niya na ayaw na ayaw ni Glaiza ng magardong parties lalong lalo na kapag birthday niya. Okay na siya na makasama niya family niya at friend.

Habang kumakain ang lahat ay nag-usap silang magkaibigan.

"Oh pa 'no 'yan bespren, 27 ka na, kailan ka ulit magkakajowa?" Biro ni Chyna.

"Huwag mo nga ako i-pressure. Pasasaan at pasasaan din ay mahahanap ko din ang taong mamahalin ko at mamahalin din ako. For now, enjoy muna ako sa life of being single. Saya kaya na wala kang inaalalang iba."

"Asuus! 'Yung totoo?" Teasingly asked by Chyna.

"Totoo nga!"

"Mamatey??!!" Ngisi pa niya.

"Sige na nga! Oo na! Minsan napapa-isip din ako pero anong magagawa ko kung wala pa talaga, thou, nakakamis din iyung may inaalagaan ka at nag-aalaga sa 'yo." Kumpisal niya.

"Sabi naman kasi sa 'yo start to date hindi 'yung puro ka na lang family, negosyo at music. Kita mo ako, happy!"

"Alam mong hindi ako partu goer noh. Ikaw lang itong sinasabit ako sa mga kalokahan mo."

"Hahaha. Pasalamat ka nga may kaibigan kang tulad ko, nai-experience mo ang mga bagay na tanging mga katulad lang natin ang may alam." Pagmamalaki ni Chyna. Yes, Chyna and Glaiza are both lesbians. Kaya sila nagclick agad na magkaibigan dahil they share the same gender preference at nagkakaintindihan sila.

"O siya, thanks to you! Tseee!" Sagot ni Glaiza. "Ay maiba ako. Kanina pag-akyat ko dito nakasalubong ko 'yung idol mo."

Kumunot ang noo ni Chyna. "Idol ko?"

"Oo, yung artista."

"Aaah si Rhian Ramos?"

"Oo, siya nga! Hindi ko agad nakilala eh. Maganda pala siya."

"Saan? Saan mo nakita? Puntahan natin!" Biglang hinila ni Chyna kamay ng kaibigan.

"Gaga! Loka loka ka ba? Narinig mo lang ang pangalan niya nagkakandaugaga ka na naman!" Saway ni Glaiza.

"Eeeeeh! Gusto ko siyang makita in person. Ang hirap niya kayang hagilapin." Pilit ni Chyna.

"Eh di pumunta kang mag-isa mo! Ano iiwan mo ang mga inimbita mong bisita para lang dun? Shunga ka lang bespren?" Nangingiting sagot ni Glaiza.

"Ay! Oo nga ano. Hahaha. Pasensiya, humahanga lang."

"Humahanga o patay na patay ka?"

"Pwedeng both?" Biro pa niya.

"Baliw!" Isang dagok ang binigay ni Glaiza sa kaibigan.

On the other hand...

After Rhian got her phone from Jayson's car ay umakyat agad siya sa 20th floor ng building.

'Till It's Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now