Chapter 11 (Da 2 of Us)

2.6K 84 4
                                    

"Kanina pa ako message ng message at tawag ng tawag sa 'yo ah? Anong nangyayari?" Tanong agad ni Glaiza ng may sumagot sa phone ni Rhian.

"Hello. Sino 'toh?" Tanong ni naman ng nasa kabilang linya. Boses ng isang lalaki. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung ano ang ganyang gagawin. Malamang ay iyun ang boyfriend ni Rhian.

"Hello, ito ba ang.... Wait. Oooops. Sorry. Number pala ni Rhian ang naidial ko. Sorry ah. I'll sana my assistant eh magkalapit sila ng pangalan ni Rhian. Sorry again. Bye!" Paliwanag ni Glaiza sabay baba ng phone. Daig pa niya ang natutukan ng baril sa mga oras na iyun.

Samantala.. "Babe, who's that?" Tanong ni Rhian ng makitang hawak hawak ni Jayson ang phone niya.

"Aaah, wrong dial daw siya. Tara na?" Jayson just brushed it off. Hindi niya iyun binigyan ng ibang meaning na maganda para sa side ni Rhian.

Inihatid niya agad si Rhian sa kanilang bahay and they separated with a kiss on the lips.

"Hi, Mom. Hi Dad!" Halik na bati niya sa mga magulang na kasalukuyang nagkukwentuhan sa may sala.

"How was your day ijha?" Tanong ng ina.

"I'm good Mom. I went out with Jayson kanina. Sige po, pasok na ako sa room ko." Paalam niya.

When she entered her room, agad niyang chineck ang kanyang cellphone. Kanina pa siya kating kati na matignan kung sino ang tumawag na iyun na nasagot ni Jayson. Iniiwasan niya kanina na tignan para lang hindi magduda o kung anuman ang lalaki. Nagulat siya ng makita na si Glaiza ang huling tumawag. She called her back immediately.


"Hello love, sorry ah hindi na kita natext kanina. Inilabas kasi ako ni Jayson." Aniya.

"Pansin ko nga. Siya pala nakahawak ng phone mo kapag kasama mo?" May bahid selos sa boses ni Glaiza.

"Hindi naman. Nag-insist kasi siya, pinagbigyan ko na para na din makabawi tayo sa kanya. Buti nga hindi siya nag-isip ng kung ano."

"Okay, mabuti kung ganun. I know, pagod ka kaya magpahinga ka na. Bukas na tayo mag-usap. Okay?"

"Sige Love. Good night. I love you."

"I love you more Love ko."

Nangingiting ibinaba ni Rhian ang phone.

___________________

After ng taping ni Rhian ay sorpresang dumating si Glaiza. She wore a leather pants and a leather jacket over a white tanktop. Sinalubong niya si Rhian palabas ng set para hindi na siya makita pa ng iba.

"Wait lang Kuya ah." Paalam ni Rhian sa kanyang driver tsaka lumapit kay Glaiza.

"Oh Love, ba't ka nandito?" Tanong niya in a civil way. Alam nilang may mga matang nakatingin sa kanila, "By the way, you look great with leathers ha?" Ngiti pa niya.

"Susunduin sana kita. May pupuntahan tayo."

"Saan. Alam mong hindi ako pwedeng sumama sa 'yo dito."

"Surprise nga! Sige, magpababa ka na lang kay manong sa RK tapos doon na kita sunduin, malapit lang naman na dito."

Nagdadalawang isip si Rhian. Hindi niya alam ano ang balak ni Glaiza.

"Sige na. At tsaka kung may pamalit kang dala, magpalit ka ng pants or shorts bastwa huwag lang skirt."

"Ha?"

"Sige naaaa!" Pilit ni Glaiza.

"O-okay."


Sa likod na dumaan si Glaiza sa pagsundo kay Rhian. She's been waiting there for about five minutes dahil nagpalit nga siya

"Love, ano 'toh?" Tanong ni Rhian ng makita si Glaiza na nakatayo sa may motorbike hawak ang isang helmet.

"Halika."

"Wait sasakay tayo diyan?"

"Yes! Halika na. Masaya 'toh promise!"

"Pero Love......"

"Do you trust me?"

"Yeah pero...."

"So, halika na. Isuot mo ito para proteksyon mo at para din hindi ka makilala ng mga fans mo. Agawin ka pa sa akin." Biro pa ni Glaiza hanag isinusuot kay Rhian ang helmet.

"Sure ka dito Love ha? Motorcycle ride? Hindi ko alam na marunong ka pala."

"Isa din ito sa love ko eh. Kaya don't worry. Mag-iingat ako para sa 'yo." Kindat pa niya.

"Kaya pala ganyan ang get up mo."

"Bagay ba?" Umikot pa si Glaiza na parang ipinagmamalaki ang ganda ng suot.

"Bagay na bagay nga sa 'yo."

"Ingat ka baka lalo ka mainlove."

"Hahaha. Sira! Ayaw mo nun. Sa 'yo lang ako naiinlove."

"Gustong gusto naman! Tara na nga! Nagbolahan pa tayo eh, hahaha." Said Glaiza.

Nang makarating sila sa kanilang destinasyon, na sa isang tabing dagat, naamaze si Rhian. Matagal na din kasi noong nagawa niya itong pumunta sa tabing dagat. Once a year lang kasi siya nakakapagbakasyon and mostly abroad kasama ang pamilya..

Chyna and Sheena are ther waiting for them.

"Finally naman dumating na kayo." Ani Chyna.


"Sheena, Chyna. Anong ginagawa ninyo dito?" Nangingiting tanong ni Rhian.

"But ofcourse. Kami lang naman ang Shippers ninyong dalawa.." pagmamalaki ni Chyna.

"Sila ang kinausap ko to set this. Nagustuhan mo ba?" Glaiza asked.

"Oo love, ang ganda. I love it. Grabe, salamat sa inyong dalawa." Pasasalamat ni Rhian kina Sheena at Chyna.

"Basta kung kailangan ninyo ng sailors, nandito kami ni Captain." Ani Sheena sabay tapik sa balikat ni Chyna.

"Sailors? Ano 'yan, Sailor moon? Yuck! Ako, Sailor moon? No way!" Laking pagtutol ni Chyna sa sinabi ni Sheena.

"Choosy ka pa?!"

"Syempre. Ako si Chyna Orteleza at hindi ako makakapayag na isang Sailor Moon. Kadiri! Hahahaha."

"At talagang dito pa kayo nagtalong dalawa? Magsialis na nga kayo!" Natatawang taboy ni Glaiza sa nagbabangayang mga kaibigan.

"Oo nga! Tara na nga! Ikaw kasi!" Hila ni Chyna sa isa.

"Hahaha. Enjoy your date. See you bext time again Jade." Paalam ni Sheena sa bestfriend.

Natatawa na lang sina Glaiza at Rhian sa kanilang mga kaibigan ng sila'y makaalis.

》》》TBC《《《

'Till It's Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now