Chapter 7 (Rooftop)

3K 104 9
                                    


Paglabas nina Chyna at Glaiza sa M&G room ay kinukulit na siya ng una.

''Teka bespren, saglit lang tayo sa clinic ah." Wika ni Chyna.

"Ha? Bakit?"

"Papatignan ko iyang Bp mo baka tumaas na." Sagot niya sabay hagalpak ng tawa.

"Sira!"

"Pero aminin mo bespren, masaya ang puso mo ano? Rate from 1-10, anong rate ang kilig mo? Kasi ako 100 na hahaha." Dagdag pa ni Chyna.

"Lagpas sa 100! Hahaha." Biro din ni Glaiza.

"Yes! Yes! Hindi ka na denial queen. Umaamin ka na! Iba talaga ang nagagawa ng galawang Ramos ano? Napapangiti ang isang de Castro!" Kantyaw ulit ni Chyna.

Hindi mapawi ang ngiti ni Glaiza. Tama ang kanyang kaibigan, para siyang nabuhayan ng dugo na makita si Rhian at idagdag pa ang inilagay niya sa CD.

"Ay oo nga pala. Bespren, mauna ka na ah magpapaiwan muna ako." Aniya sa kaibigan.

"Bakit?"

"May gagawin lang ako. Hindi ko na papalampasin ang gabing ito na hindi ko siya makausap ng masinsinan."

"Sino? You mean si Rhian?"

Tumango si Glaiza at ipinakita ang binigay ni Rhian sa kanya kasama ang nakasulat dito.

"Oh my God!" Sa pagkabigla ni Chyna ay nahablot niya ang Cd. Pinagmasdan niya ng mabuti ang nakasulat. "Waaaaah! I told you! I told you!" Walang pagsidlan ng saya si Chyna. Masaya siya para kay Glaiza dahil nagkakaroon na ng pag-asa ang pangangantyaw niya sa kanya.

"Huwag ka ngang maingay baka may makarinig pa sa 'yo. Akin na nga 'yan!" Bawi niya sa CD at mabilis na isinilid sa kanyang bag. Sige na, mauna ka na. Magcommute ka na lang ah." Dagdag niya.

"Wait. What?"

Napangiti si Glaiza dahil sa reaksyon ng kaibigan. Wala naman sa plano niyang magpaiwan pero ito na eh. "Sige na bespren kahit ngayon lang." Lambing na akbay niya sa kaibigan.

"As in? Magcocommute ako? Grabe ka naman Glaiza."

"Please?" Palambing na maka-awa ulit ni Glaiza.

"Okay fine! Pero magkukwento ka sa akin kung ano ang mangyayari."

"Yes! Oo, promise." Aniya.

Nang makaalis si Chyna ay napangiti si Glaiza. The smile in her face is the proof na masaya siya, hindi lang sa masaya kundi sobrang saya. Bago siya pumuntang parking lot ay nagpadala muna siya ng mensahe sa number na binigay ni Rhian.

"Hi, i'll wait for you at the parking area. Take your time, i'll wait. Glaiza." Message na niya may smiley sa dulo.

Ilang saglit pa ay tumunog ang phone niya.

"Okay. I'll make it fast." Sagot naman ni Rhian. Napapangiti ulit si Glaiza na tumungo sa kanyang kotse. Doon na lang siya maghihintay kay Rhian.

Habang naghihintay siya ay naglabas siya ng papel at ballpen. Inspired siya ngayon kaya naisipan niyang magsulat and to make herself busy na din.

Hindi inakala ni Glaiza na inabot na pala siya ng halos dalawang oras sa paghihintay. When she look at her watch, it's already past 6pm. Nag-alala na siya na baka nakaalis na si Rhian. Baka naisip na nito na hindi dapat pa na magkita sila ulit. Magpaganun pa man ay naghintay pa din siya. She listen to music. She never did this in her entire life. Ang maghintay ng ganito katagal. Wala sa kanyang bokabolaryo ang naghihintay lalo na kung walang kasiguraduhan ang kanyang hinihintay.

After about 10 minutes ay tumunog ang kanyang phone.

"Sorry. I'm really sorry. Did you went home?" Si Rhian ang nagmessage.

Agad siyang nagreply. "No. I'm still waiting for you. I can wait for you." Sagot niya.

"Thanks and sorry again. I'm going down now." Ani Rhian.

Matapos nga ang hindi inakala ni Rhian na magtatagal na M&G ay agad siyang lumabas. Sinalubong agad siya ng kanhang driver kasama ang assistant niya.

"Thelma mauna na lang kayong umuwi ah may pupuntahan pa ako." Wika niya sa dalawa.

"Saan po kayo pupunta Ma'am? Ihahatid ko na kayo," prisinta ni Mang Jun ang driver niya.

"No need Mang Jun. I'll be with my friend at siya na din bahala na maghatid sa akin mamaya."

"Sige Ma'am."

Nang makaalis na nga ang dalawa ay agad na tinungo ni Rhian ang kinaroroonan ni Glaiza. And there she is, she's really waiting for her. She smiled nang makita niya ang sasakyan ng dalaga.

Agad naman na bumaba si Glaiza sa lanyang sasakyan ng makita niyang papalapit na si Rhian. She flashed her most sweetest smile.

"Akala ko kanina inindiyan mo na ako."aniya ng makalapit si Rhian.

"Ofcourse not!" Ngiting sagot naman niya.

Glaiza opened the car's front door for Rhian bago siya pumihit sa driver's seat.

"Thank you."

Habang nasa loob sila ng sasakyan ay nakakaramdam sila ng ilang sa bawat isa. Glaiza keeps her eyes on the road habang nakikiramdam kay Rhian while Rhian is silently sitting beside her. Wala sa kanila o walang may lakas ng loob na magsimula ng conversation.

Then suddenly Rhian speak. "Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Kung saan walang makakakilala sa 'yo." Ngisi namang sagot ni Glaiza.

Kumunot ang noo ni Rhian. "And where could that be? Nakalimutan mo yatang kilala ako ng mga tao sa paligid Miss De Castro?" Biro naman niya.

"Kaya nga kita dadalhin doon para walang makakaistorbo sa 'yo at masolo kita Miss Beautiful." Sabay kindat pa ni Glaiza.

Humagalpak silang dalawa ng tawa. It's like nothing happened between them na iwasan. Parang yung wall sa pagitan nila ay nakalimutan nila.

After 30 minutes of driving ay dumating sila sa kanilang destinasyon. Rhian didn't question Glaiza why she bring her here. They ride an elevator up unto 35th floor.

Nang makarating sila doon ay umakyat pa sila ng sampung baitang na hagdan bago sila pumasok sa isang pintuan.


"Wait!" Mahigpit na hinawakan ni Rhian ang kamay ni Glaiza.


"Why?"

"It's the rooftop. Afraid ako sa heights eh." Rhian hold Glaiza's hand firmly.

"Ooh.. Okay, just hold my hand." Alok ni Glaiza.

They walk through the door holding hands until the center of that rooftop. "Look!" Turo ni Glaiza sa paligid. It was so exhilarating to see the surroundings up there. Kitang kita ang buong makati. Mas humihigpit naman ang hawak ni Rhian kay Glaiza.

Glaiza look Rhian closely. The fear in her eye proves that she really is afraid of heights. "Close your eyes." Aniya at malugod naman na sumunod si Rhian.

Pumihit si Glaiza sa likuran ni Rhian and she put her hands around her waist. Backhug lang naman, hihihi. She rest her chin in her shoulder.

"Ayan, hawak hawak na kita. Now, open your eyes."

Rhian slowly opened her eyes.

"Takot ka pa ba?" Tanong ni Glaiza.

Umiling lang si Rhian but Glaiza still feel her fear. Hinigpitan niya ang pagyakap sa kanya.

"Trust me. Kung ako ang nakahawak sa 'yo, umasa kang hindi kita bibitawan kahit na anong mangyari. Just trust me." Paniniguro ni Glaiza.

Slowly, Rhian regains her confidence and opens her eyes more widely.

"Thank you!" Ngiti niya sabay hawak sa kamay ni Glaiza na nakayakap sa kanya.

Laaaaaaah!!! 》》》》TBC《《《《

'Till It's Time (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt