Chapter 6 (Missing You)

2.9K 112 17
                                    

Pinanindigan nga ni Rhian ang sinabi niya kay Sheena na iiwasan na nga niya si Glaiza. She even change her number para lang hindi na siya makatanggap pa ng mga mensahe mula sa huli. It's been so hard for her part. Yung mga kwentuhan nila ni Glaiza, mga texan nila sa gabi and that KISS that made her feel more curious and falling.

Naging busy siya sa trabaho lalo na't may bago siyang pelikula na ginagawa ngayon. Halos araw araw silang nagte-taping kaya naman wala na siyang panahon pa para pag-isipan ang mga bagay bagay. But, hindi lahat ng pagkakataon ay maiwawaksi niya sa kanyang isipan si Glaiza.

One time na nakikinig siya ng music sa kanyang phone, nagplay ang paborito niyang kanta, ang All the Stars ni Ed Sheeran. Habang nakaplay ito ay naalala niya ang unang gabi na makita niya si Glaiza. It's like a slow motion picture in a cinema na nagbalik sa kanyang isipan.

It's just another night
And I'm staring at the moon
I saw a shooting star
And thought of you
I sang a lullaby
By the waterside and knew
If you were here,
I'd sing to you
You're on the other side
As the skyline splits in two
I'm miles away from seeing you....

Agad niyang pinatay iyun. Napahaplos siya sa kanyang mukha. A drop of tears falls in her eyes. "Why? Why does she keeps on coming in my thoughts? Mawala ka na please." Wika niya sa kanyang sarili.

Nakatulugan na lang ni Rhian ang pag-iisip.

In the other hand..

Lubos naman ang pagtataka ni Glaiza kung bakit hindi na niya makontak si Rhian at hindi na din siya nag pupunta sa RK. Maging si Sheena ay hindi na niya nakikitang nagpupunta doon. Her feeling of desperation killing her. Minsan, sinasadya na din niyang panoorin ang mga shows sa tv na present si Rhian para lang makita niya ito na dati ay hindi niya ginagawa.

Habang nanunuod siya ng TV sa may RK ay dumating si Chyna na hindi niya namamalayan. Dahan dahang lumapit ang isa sa kanya at tumayo sa kanyang likuran. Hindi pa rin siya nito napansin.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo eh puntahan mo na." Wika ni Chyna mula sa likod. Bigla siyang napalingon. "Hindi ko alam na nanunuod ka na pala ngayon ng show ng idol ko ah, kailan pa?" Pambubuyo pa ng isa.

Inirapan niya lang ito at ibinalik ang tingin sa monitor ng tv habang nagsasalita si Rhian dito. Hinarap siya ni Chyna at sinipat ang mukha nito.

"Tsk! Tsk! Malala na 'yan bespren!" Iling ni Chyna.

"Pwede ba Chyna? Huwag mo na akong kantyawan. Oo na! Miss ko na siya! Pero anong magagawa ko? Wala na akong kontak sa kanya at mukhang umiwas na dahil sa kagagawan mo!" Binato niya ng tissue ang kaibigan.

Kung inyong naalala ang ginawang pagtabig ni Chyna kay Glaiza na naging dahilan ng halik na iyun.

"May sorpresa ako." Bawi ni Chyna.

"Ano na naman 'yan?"

"May Meet and Greet daw si Rhian bukas. Nakapagpareserve ako dun sa presidente ng Cyberians. Samahan mo ako bukas para na din makita mo siya nang hindi ka nagmumukmok." Ani Chyna.

"Ayoko nga! Ikaw na lang. Alam mong hindi ako mahilig sa mga ganyan."

"So ayaw mong sumama? Sige, ikaw ang bahala. Ako na lang pupunta at nungka na babanggitin kita sa kanya."

Napatingin si Glaiza. Napagtanto niya na oo nga naman, bakit hindi siya pumunta. Araw araw na lang niyang naiisip si Rhian kaya naman masasagot ang mga tanong sa isip niya kung makikita niya ito at makaka-usap.

___________________________________

Sa isang vacant room pinapasok ng manager ni Rhian ang mga dumalo sa meet and greet. Nagshoshoot pa si Rhian ng last sequence niya mg mga oras na iyun kaya naman doon nila sila pinapasok muna para hindi sila maka gulo sa set. Si Chyna at Glaiza ay tahimik lang na sumusunod sa mga sinasabi ng nag-organize ng M&G na iyun. Their long wait is finally over. Isang masayang Rhian ang bumungad sa kanila mula sa pintuan.

"Hello hello!" Masayang bati niya sa mga nandoon. Halos hindi magkandaugaga ang mga fans na dumalo, isa isang lumapit kay Rhian at nakipag beso beso, ang iba nahihiya ang iba naman ay yumayakap pa sa kanya. Iba't kbang klase ng camera ang nakatutok ngayon sa kanya makakuha lang ng picture.

Maging si Chyna ay nakigulo din sa mga parehas niyang diehard fan habang si Glaiza ay tahimik lang sa may sulok kasama ng mga nagbabantay sa event na iyun. Hindi tuloy siya nakita o nahalata ni Rhian na busy na busy naman.

Glaiza is smiling while she silently watching Rhian. "Damn! She's pretty and i miss her." Sa isip niya.

"Rhian. Halu!" Formal na bati ni Chyna kay Rhian ng time na niya para makapagpa sign ng autograph sa kanya.

"Ui Chyna! Nandito ka pala." Gulat niyang tanong kay Chyna sabay beso sa kanya.

"Yeeey! Finally! Nakasali din ako. Siya nga pala kasama ko si Glai." Paglingon ni Chyna sa kanyang likuran ay wala ang kaibigan. "Nasaan ang babaeng 'yun" bulong niya sa sarili tsaka niya iginala ang mata. At ayun! Nasa isang sulok kasama ng mga kasama ni Rhian na pumasok. Kinawayan niya ito na agad naman siyang nakita kaya lumapit ito kaagad.

Samantala, pagkarinig ni Rhian sa panhalan ni Glaiza ay bigla itong namula. Biglang siyang nawalan ng konsentrasyon. Inayos niya ng kaunti ang sarili. Ayaw niyang mahalata nito na kinabahan siya bigla.

Nakangiting Glaiza naman ang lumalapit ngayon. Nang makalapit si Glaiza agad na nakipagbeso si Rhian kagaya ng ginagawa niya sa ibang lumalapit sa kanya.

"I miss you!" Biglang bulong sa kanya ni Glaiza habang magkalapat ang kanilang mga pisngi. Mahina ngunit dinig na dinig niya. She felt more uneasy now. Iyun bang, biglang kumabog ang kanyang dibdib nang matinig niya ang bulong na iyun sa kanya ni Glaiza.

Pilit siyang ngumiti. She regained her posture after dahil nasa harap sila ng maraming tao. Rhian sit again and sign a poster that Chyna brought. Matapos niya iyun mapirmahan at may dinukot siya sa kanyang bag. It's a CD. A CD of her songs. May isinulat siya sa isahg papel tsaka niya isinuksok sa loob ng CD.

Iniabot niya iyun kay Glaiza. "Keep it." Sabay ngiti. Nakita naman ni Glaiza ang pagsilid ni Rhian ng papel kaya naman inilagay niya iyun sa kanyang bag baka pakialaman pa ni Chyna.

Ang mga kasama nila doon ay halos mamatay sila sa inggit dahil si Glaiza lang ang binigyan ni Rhian ng ganun.

Nang maka-alis si Glaiza sa kanyang pila ay gumilid ulit siya habang abala naman itong si Chyna na nangunguha ng picture . Palihim niyang binuksan ang kanyang bag at tinignan ang nakasulat sa papel.

"I MISS YOU TOO, Call me." ang nakasulat at number ng phone. Halos mapatalon si Glaiza ng mga oras na iyun. Hindi niya maitago ang kanyang ngiti na tumingin kay Rhian. Taman tama namang napatingin si Rhian sa kanyang kinaroroonan kaya nagtama ang kanilang mga mata. They smiled at each other.


Kinilig naman ako. Hahaha. Teka bukas ang tuloy nito, i'll get a grip muna hahahaha. 》》》》TBC《《《《

'Till It's Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now