Lost Children: May 17 | 4:30 am

129 2 2
                                    

To whom it may concern,

My name is Benedicta Lorenzo, Bien for short. If you happen to find this letter inside my lunch box, it is possible that I am already dead.

I'm with my friend Jo and batch mates: Ariel Lumanog, Israel Ladines and Armie Sandoval. I pray that you'll find our bodies here in Mt. Banahaw. I'm writing this letter so that my family will know what happened to us.

Kung sakali lang naman. I'm still hopeful because I need to survive...

----

Nakarinig ng kaluskos si Bien. Kaagad niyang pinatay ang flashlight at nakiramdam. May gumagala sa labas, dahan-dahan, tila nagmamatyag ang mga kilos nito; kinalma niya ang sarili.

"Safe ka," anang kasama niya. Nasa maliit na bukana sila ng kuweba na nakakubli sa likod ng mga mayayabong na halaman.

"Huwag ka munang lumabas -"

Inignora niya ito at muling binuksan ang flashlight. Sa liwanag ay sinipat niya ang sinulat sa kalahating yellow paper na nahanap niya sa kanyang backpack.

My Lord... Pinalalakas ni Bien ang loob. Tatlong oras at kalahati ay magbubukang-liwayway na. Sana ay makaligtas siya.

Kumalam ang tiyan niya at naala si Tere na nakausap niya noong gabi ng Lunes.

Alam niyang nagsisinungaling ito. Hindi naman kasi naghihilik si Lin-Lin. Hindi ito kasama ng kakambal nito sa mga lolo at lola nila sa San Gregorio. Siguradong nag-side trip si Tere sa San Isidro para maki-pyesta. Nadulas ito sa pagkabanggit sa leche flan.

Huhulihin pa sana niya si Lin-Lin kahapon ng umaga kung pagtatakpan nito si Tere, nag-low batt na ang phone niya habang tinatangka niya itong kontakin.

Nadampian ni Bien ang noo.

At nakalimutan na niya na i-charge ang cellphone dahil sa madramang usapan nila ng kuya Lou niya nang araw ding lumipas.

Nasa Samar na si Lou sa mga oras na iyon, a-attend ng kasal. Actually, sa kasal ng ex nito. Pero, may iba pa nga palang issue -

Nakiusap ang mas nakatatandang kapatid na samahan nila ito sa kasal ng ex nito. So, she must survive!

Tumunog na nga ang tiyan ni Bien sa isiping 'kasalan'. May leche flan kaya 'dun?

Alas singko pa ng hapon sila huling kumain ng batch mates, gutom na siya.

Ibinalik niya ang isipan kay Tere. She'll have to deal with her too... sana. Nakadama siya ng pait sa lalamunan niya at panakaw na sumulyap sa dalagang nakamata sa kanya.

... Pwede rin na multuhin niya si Tere kung hindi na siya makabalik sa bahay nila. Muntikan na siyang mapatawa.

Sinipat ni Bien ang sarili. Duguan ang T-shirt, shorts at rubber shoes niya. Hindi sa kanya nanggaling ang mga dugo.

Pinanlamigan siya.

Si Ariel ang unang inatake ng mga nilalang. Sama-samang nilapa ng mga ito ang lalaki at wala silang nagawa sa tindi ng shock. Alas tres ng madaling araw ay kahimbingan ng tulog nila sa kanilang kampo; hindi nila inasahan na mangyayari iyon sa kanila.

"Bien, bes... Samahan kita. Tulungan kitang makaligtas. God, kawawa naman sina Ariel at Israel. Kinain sila... Ilan ba ang mga malignong 'yun? Nasa dalawampu? Tingnan mo naman ako! Alam ko, nakikita mo ako -"

"It's my fault." Ayaw talagang pansinin ni Bien ang kasama pero nakulitan na siya. "May naramdaman na akong kakaiba pero..."

She trailed off. Siya talaga ang may kasalanan. But for once in her life, gusto sana niyang kumilos ng normal.

Respetadong guro na siya, ayaw niyang maalaala ng mga batch mates ang pagiging weird niya noong high school.

Muli, tiningnan niya ang kasama. May isang dipa ang layo nito sa kanya. Nakaupo nang patagilid sa kanya, yakap ang mahahaba nitong binti. Naka-maong shorts ito at sleeveless blue shirt. Naala ni Bien sina Tere at Lin-Lin rito. Kumpara kasi sa kanya na nagmukhang bilugan sa mayaman niyang dibdib at malaking balakang; slim ito at matangkad.

Hindi abot ng liwanag ng flashlight ang mukha ng kasama pero halata ang dugong umaagos dito. Basag kasi ang bungo nito dahil sa pagkahulog, sa bangin.

Ang dalaga o aparisyon nito ay ang high school bestie na si Jo. Habang, pinagpirapiraso rin ng mga maliliit na halimaw ang isa pang batch mate na lalaking si Israel, magkasamang nahulog sina Jo at Armie sa bangin, sa pagtatangkang makatakas sa mga maligno.

Ang nakakatakot na kaluluwa ni Jo ang kasama ni Bien sa yungib. Nakikita ito ni Bien dahil sa third eye niya.

"I'm really sorry, Jo. It's all my fault. Kung nagpumilit lang ako na hindi matulog dito, buhay pa siguro kayong lahat."

Summer Break (Published by Lifebooks)Where stories live. Discover now