Lost Children: May 17 | 5:30 am

33 2 0
                                    

Seryoso talaga si Jo sa pag-wi-Wikipedia pangontra sa mga Tiyanak. At dahil ayaw ko talagang lumabas, siya ang kumilos. I don't know how she did it. Ang ghost kasi di naman lahat kayang makagalaw ng mga bagay. Pero sabi ni Jo nag-concentrate daw siya para makagamit ng gadget. And she might had found the answer: baptism.

Ang sabi, ang mga Tiyanak ay mga ligaw na kaluluwa ng mga in-abort at inabandonang mga sanggol. Kung maba-baptize ang mga Tiyanak at mabibigyan ng pangalan, makakalaya na ang mga kaluluwa ng mga sanggol at makakatawid na sila sa langit.

So, need namin ng holy water para makapagbinyag.

Puwede raw DIY ang holy water pero may kakailanganin pa rin like dasal at asin. May asin pa naman ako sa backpack, ginamit namin sa pagluluto kagabi.

My Lord, gutom na talaga ako.

Lumabas uli ng cave si Jo. Susubukin niyang dalhin ang cellphone ni Ariel para raw mabasa namin ang dasal sa Wikipedia. Naman!

Anyway, whoever na makabasa ng sulat ko, bahala na po kayong ipagdasal kami. Sa siblings ko, I seldom show it. Medyo mataray ako. But I love all of you. Kung hindi ako maka-survive at least alam n'yo na.

----------

Pinirmahan ni Bien ang liham, isinilid sa lunch box at pagkuwa'y ipinasok sa backpack niya.

Nasa opening siya ng kuweba, nakasilip sa pagitan ng mga halaman. Sa likuran niya ay lagusan pa paloob. Sa kanan niya napansin ang isang maliit na pigura.

Tumaas ang balahibo niya sa batok.

Sa puntong iyon lumitaw ang kaluluwa ni Jo. "Takbo, Benedicta!"

"Benedicta talaga -?"

Ewan niya kung instinct o sinuwerte lang siya. Sa pagsugod ng nilalang para sa binti niya ay nasipa niya ito. Tumilapon ang maligno sa mga halaman. Agaw-liwanag na kaya napagmasdan niya ito bago ito makatakbo - isang Tiyanak!

Mahigit isang ruler lang ang taas ng halimaw. Kulay abo ito. Walang saplot, wala ring kasarian. Mistulang sanggol ang hitsura pero maskulado ang bulto at pointed ang dulo ng mga taynga na parang duwende.

Nakakubli sa anino ang mukha nito pero sa alaala ni Bien, pure black ang mga paningin ng maligno.

"Benedicta!"

Huli na ang babala ni Jo. Isang Tiyanak ang tumalon sa kanya mula sa kung saan. Nawalan siya ng balanse pero kaagad na nakatayo habang tinatangka ng halimaw na kagatin siya. Maliliit pero matutulis ang mga ngipin nito. Mahahaba rin ang mga kuko nito na kumapit sa braso niya.

Napasigaw siya sa kirot nang bumaon pa ang mga kuko Tiyanak. Sinapak niya ito sa mukha na ikinaluwag ng hawak nito.

"Aray!" Tila sinugatan siya ng kutsilyo sa binti.

Isa pang Tiyanak ang kumapit sa kanya. Nanggaling ito sa mga halaman. Iwinasiwas niya ang kanyang paa habang ipinaghampasan na sa mabatong haligi ng kweba ang unang malignong kumapit sa braso niya.

Lumikha ito ng ingay na parang sa paniki at bumitaw na sa kanya.

"Takbo na!" sigaw sa kanya ni Jo. "Sa dulo nitong kweba ay may iba pang daan."

"Nabitawan ko ang flashlight ko -"

"Sundan mo ang boses ko."

Nahablot ni Bien ang ikalawang Tiyanak sa kanyang binti at ubos-lakas na inihagis ito sa labas ng kuweba. Kapit ang backpack ay kinapa na niya ang daan para sa kabilang exit na sinasabi ni Jo, pinakikingan ito kung saan siya dapat dumaan.

Sa likuran niya, sa tinakasang bukana ng kuweba ay narinig niya ang pag-angil ng mga Tiyanak, may humuhuni na parang sa paniki habang may tumataghoy din na parang sanggol. Nagmadali na siya.

Mayamaya pa'y nakita na niya ang liwanag mula sa labasan ng kuweba.

"Namatay na ang cellphone ni Ariel," sabi ni Jo nang makalabas na siya. "Sorry."

Na-realize ni Bien, dead end ang pinagdalhan sa kanya ng bestie. Twenty meters mula sa kuweba ay bangin. Wala siyang pwdeng takasan.

"So, ipapakain mo na rin ako sa mga Tiyanak? Gan'un?"

"Pwede kang tumalon sa bangin... baka may tubig -"

"Baka? Hindi ka pa rin sigurado?"

Napalinga si Bien sa pinanggalingan. Noong una ay mga iyak at mga pag-angil lang ang naririnig niya mula sa kweba. Hanggang sa nagsilabasan na ang mga ito. Nasa dalawampu, pinakamataas ay nasa 18 inches, kulay abo sa nag-aagaw liwanag na kalangitan.

Mabilis na nagsisitakbuhan ang mga Tiyanak para sa kanya.

Tumakbo na rin siya. Dinala siya ng mga paa sa gilid ng bangin. Walang tubig sa ibaba!

Binayo na siya ng kaba.

"Sorry, Bien." Si Jo.

Aangalan pa sana niya ang kaibigan. Biglang gumuho ang lupang tinatapakan niya at nahulog na siya sa bangin.

____

Hello there?

Comments? Reactions? Pa-vote po. 

Thank you :)

- Maylen

Summer Break (Published by Lifebooks)Where stories live. Discover now