See-Side Hotel: May 17 | 8:01 am

33 2 0
                                    

May 17 8:01 am sent to Honey Babes

I'm already here. Really, I'm so surprised by this wedding invitation. Tapatin mo ako, alam na ba niya?

-------

"If I were you, I won't be attending that wedding.

Naalala ni Lou ang payo ni Bien na kinontra niya. Nakausap niya ang kapatid nang araw na lumipas.

"How can you be me, sis." Biniro pa niya ito. "NBS ka."

Serious type ang nakababatang kapatid, mas ilag dito ang kambal na mas mga bata rito. Fortunately, kaya niyang biruin si Bien. Ngumiti lang ito.

"Well ... Aakyat lang ako ng Banahaw bukas, Kuya. Alam mo naman sa San Gabriel ako Alumni. Hindi ako na-attend ng reunion so hindi ko na napahindian nang i-invite ako ng mga high school friends ko na mag-mountain climbing daw kami -"

"Friends?"

"Okay an'dun si Jo. My only friend in high school."

"At ang best friend mo?"

"Wala!"

Umismid ito sabay ngiti. Ayaw aminin ni Bien. Pero silang magkakapatid talaga ang mag-best friends.

Wala na silang mga magulang.

Three years ago, buwan ng Mayo ay nawala ang mommy nila sa sakit. Matapos ang anim na buwan sumunod ang daddy nila dahil sa sobrang kalungkutan.

Bagong graduate pa lang noon si Bien sa Education habang siya ay manager na sa ITT o International Trust Bank. Pinagtulungan nilang dalawa ang pagtataguyod sa kambal na pawang mga highschool students pa. Wala na silang lolo at lola sa side ng ama, swerte pa rin na nagabayan sila ng mga malapit na mga kamag-anak sa Lucena at syempre ng Lola Erlina at Lolo Ben nila.

Lumikha ng alert ang cellphone ni Lou. Sumagot sa messenger ang ex.

----

May 17 9:30 am received from Honey Babes

Hindi ko pa nasabi. I don't have the heart. Maybe soon. Sorry about the inconvenience but I just want to talk to you, personally. Iniwasan mo na kasi ako.

Kakarating lang din namin. We are staying at room 410. One floor above you. Anyway, do you feel anything weird about this place?

----

Nasa Sea-Side Hotel si Lou, sa San Agustin, Samar.

Sa Paradise Resort ang pinakang-venue ng beach wedding. Nasa kabilang bahagi ito ng See-Side Hotel at pag-aari ng isang kaibigan ni Kate. Pero dahil napaaga sila ng dating, may naka-book pa sa private resort. Sa mismong araw na ng kasal magtse-check in sa pinakang-venue sina Kate at Harold.

Fully paid na ng bride and groom ang limang araw na ititigil niya sa hotel hanggang sa araw ng kasal. Ayaw sana niyang ganoon katagal pero ang mga kaibigan ang nagpumilit para makapasyal daw sila.

Yes, friends, naisaloob ni Lou. Magkakaibigan pa rin naman sila despite the fact, na siya ang naiwan.

Lumabas siya sa balcony para tanawin ang matataas na gate ng compound. Nasa dako pa, pagkalampas ng kakahuyan ang pinakangbayan ng San Agustin.

Hanggang fifth floor lang ang Seae-Side Hotel. May kalumaan na habang bawat silid ay may mga balcony rin katulad ng tinutuluyan niya.

Iginala ni Lou ang mga paningin sa paligid. Puti at krema ang pintura ng kuwarto. Sadyang pang solo person lang. One single bed. One small table, one chair and a cabinet. May sariling banyo ito. At sa kaliwa niya ay may maganda ng view dagat mula sa maliit na balcony.

Hindi rin kuripot ang hotel. Sa mesita ay isang bote ng red wine at isang mini leche flan na nakapaloob sa cute na microwaveable container. Complementary gifts para sa mga bisita.

Naalala ni Lou ang mga kapatid sa leche flan. Mahihilig kumain ang tatlo lalo na sa matatamis. Siya lang ang nagmana sa grandparents nila, sa San Gregorio na health concious.

Weird? Muling ibinaling ni Lou ang isipin sa mensahe ng ex. Mababait naman ang staff... or come to think about it, tahimik ang mga ito. At wala pa siyang ibang guest na nakita sa hotel. 'Yun kaya ang weird?

----

May 17 9:30 am received from Honey Babes

Get out. Don't trust anyone. Kinuha nila

____

Pinanlamigan si Lou at kasunod noon ay ilang mahihinang tap sa pinto ng kanyang room. Awtomatikong nag-face mask siya.

Summer Break (Published by Lifebooks)Where stories live. Discover now