See-Side Hotel: May 17 | 1 pm

44 2 0
                                    

May 17 | 1 pm sent for Honey

What's going on? Anong kinuha? Where are you guys? Safe ba kayo?

----

Putol ang text message ng ex pero hindi siya nagdalawang isip na sundin ito. Nasa third floor lang siya at dahil slim at matangkad siya, kaya niyang maglambitin sa mga balcony pababa para makatakas. Pero sa halip, sa balcony ng katabing kuwarto siya pumuslit. Hindi niya puwedeng iwan ang dalawa. At least, kailangang malaman muna niya na safe ang mga ito lalo na ang minamahal.

Aminado si Lou, mahal pa rin niya ang ex sa kabila ng lahat.

Pero ano kaya ang dapat niyang takasan? Mga terorista kaya? Mga bandido? Pinasok ba ang hotel para nakawan ang lahat?

Huwag magtiwala kahit kanino... Ano ang ibig sabihin ng ex?

May isang metro lang ang layo ng balcony ng katabing kuwarto, nagawa ni Lou na makatawid doon. Habang hindi naka-lock ang sliding door nito, nadiskubre niya na walang naka-check in sa silid.

Pero dapat yata tumawag na lang siya ng pulis -!

Huli na. Saktong naisip niya ang ideya ay nakarinig siya ng tunog ng mga susi mula sa labas ng kuwarto.

Nakapagtago siya sa isang cabinet na naroroon at pigil-hiningang nakinig nang bumukas ang pinto. Dalawang tao ang naulingan niyang pumasok.

"Imposibleng namasyal sa labas ang guest natin dito sa third floor para mamasyal," anang naunang pumasok na boses lalaki. "Kapapag-check in pa lang niya. Baka natimbrehan na siya."

Napalunok si Lou. Guest sa third floor? Siya ang hinahanap ng dalawa. Pero bakit?

"Hindi pa rin niya nagalaw ang wine o ang leche flan," anang kasama nitong babae. "Hindi na sana tayo mahihirapan dahil may pampatulog ang wine."

Wine? Lumalim ang gatla sa noo ni Lou. Nabosesan niya ang babae. Dalawang beses niya itong nakausap: by phone, nang mag-confirm siya ng reservation at personal, nang i-meet siya nito sa front desk.

Ang babae ay ang nasa front desk ng hotel. Kinapa niya sa memorya ang pangalan nito: si MJ. So, posible ring katrabaho niya ang kasama? Eff! What's up?

"Si Madam lang ang uminom ng wine pero nakapanlaban pa rin ito. Kaya no choice daw sila kundi saksakin ito. 'Yung boyfriend niya hindi yata tumikim kaya nakatakbo," sabi ni MJ. "Pwedeng nagtatago siya sa floor na ito."

Mapapangasawa? Lalaking guest sa fourth floor? Sina Kate at Harold naman ang tinukoy ng babae -!

Pinamutlaan siya nang mag-register pa sa kanya ang isa pang sinabi ng babae. Pinatay nila si Kate? Bakeettt?

Eff!

Nagsimulang kumilos ang mga hotel staff, nagsisiyasat na sa loob ng kuwarto. Nataranta na si Lou at napaurong sa mga naka-hanger na damit. Doon na sana siya magsusumiksik; may natuklasan siyang pinto sa likod ng mga damit.

Mabilis na pumasok siya roon at tahimik na pinakiramdaman ang dalawa nang hilahin ng isa sa mga ito ang panara ng cabinet. Narinig niyang may sinabi si MJ tungkol sa lulutuin sa hapunan mamaya at tumahimik na ang paligid.

Naghintay pa ng ilang sandali si Lou para lumabas. Nagbago ang isipan niya nang i-turn on niya ang flashlight ng phone. Hindi pala isang kuwarto ang pinasukan niya.

Ni-rephrase niya ang idea: No, he didn't enter some room but went out to a narrow passageway!

Naalala ni Lou na dapat na humingi ng tulong siya sa labas. Natitigan niya ang phone. Kanino? Wala siyang numero ng pulis -

Pansamantalang nawalan ng saysay ang issue. Napansin ni Lou na walang signal ang kanyang cellphone. Marahil dahil sa pinagtataguan niya. Kumilos na siya, dahan-dahan para maghanap ng signal. Noon niya muling narinig ang boses ng mga empleyado.

Hindi malinaw ang usapan, tila galing sa malayo, nag-e-echo pa nga. Maingat na sinundan ni Lou ang mga boses sa pasilyong sakto lang ang espasyo kung patagilid ang lakad. Maalikabok at madilim rito. Ang cellphone flashlight ang naging liwanag niya. Matagal din siyang naglakad - dumiretso, kumanan, kumaliwa at dumiretso uli. Nang mag-brach sa dalawa ang pasilyo saka lang na-realize ni Lou na nasa pagitan siya ng mga dingding.

Pawisang-pawisan na siya. Para siyang bine-bake sa pagitan ng mga dingding. Basa na siya sa suot na polo shirt at jeans. Naka-facemask pa siya; tinanggal na niya ito at ibinulsa.

Nag-isip pa si Lou kung kakaliwa o kakanan siya ng pasilyo. Kumaliwa siya at humantong siya sa harapan ng isang bukas na trap door na naka-direkta sa isang exhaust fan, sa second floor.

Muntikan na matapid dito si Lou pero ang nangyari, nabitawan niya ang cellphone na siyang tumilapon sa trap door at tuluyang nahulog sa exhaust fan. Nang makapag-adjust ang mga mata sa dilim ay isang hagdan pababa sa second floor ang namataan niya sa isang sulok ng trap door.

Mas mababa ang espasyo sa kasunod na palapag kaya kinailangan niyang gumapang patungo sa exhaust fan. Sa pagitan ng elisi nito ay nasilip niya ang isang kusina.

Putim-puti ang mga dingding at mga sahig ng kusina. Nalilibot ng mga metal cabinet. May dalawang three burner gas stove, may microwave oven dito. May nakita rin siyang apat na gasul sa isang sulok. Wala siyang nakitang refrigerator pero isa sa dalawang pinto na naroroon ay tila isang walk-in freezer na popular sa mga hotel.

Nakita ni Lou ang kanyang cellphone sa paanan ng isang mahaba at stainless table sa ibaba.

Nakita rin niya rito ang bride to be. Nakalatag ang duguang katawan nito sa ibabaw ng mesa habang nakatingala ang mga mata nitong dilat na dilat sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer Break (Published by Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon