Lost Children: May 17 | 5 am

64 1 0
                                    

Yes, I can see dead people. I also feel other paranormal things. Alas dos ng hapon kami kahapon nakarating sa camp one ng Mt. Banahaw via San Miguel. Doon pa lang, nakakarinig na ako ng mga iyak. Parang mga chorus ng baby. Hindi ko pinansin. Sabi ko sa sarili, katulad ng mga nagparamdam sa akin dati, lilipas din ang mga ito.

Two hours later, sa camp two, lalong lumakas ang mga iyakan.. Nakakapraning dahil ako lang ang nakakarinig sa kanila.

Nakapag-usisa ako sa isang ranger na nakatoka sa camp two bago kami tuluyang makaakyat sa pinakang-summit ng Banahaw. Kaswal na tinanong ko kung may mga maligno sa Banahaw. Tumawa ito at sinabi na magpatabi na lang daw kami. May mga naaksidente raw at naatake ng mga mababangis na hayop dahil hindi raw mga marunong magpatabi.

Nag-dyo-joke ang ranger syempre pero may idinagdag ito na nagpakilabot sa akin.

May isang bahagi raw ng bundok Banahaw na naging libingan o tapunan ng mga fetus na ini-a-abort noong araw.

----------

"Tingnan ko kung wala na sila," sabi ni Jo. "Dito ka lang. Drained ang phone mo, right?"

"Actually, naihulog ko kung saan 'yung phone ko."

Mula sa sinusulatang yellow paper ay tiningnan itong maglaho ni Bien para lumitaw din sa tabi niya matapos ang limang minuto.

"Nasira ang mga cellphone namin ni Armie. God, nakita ko mga katawan namin sa batuhan ng bangin. 'Lam mo ba inaalala ko kung nasaktan ako nang sobra, hindi ko maalaala. Pero masakit siguro... sobra kaya siguro nag-numb kaya ako? Ewan."

Diretso pa rin sa pagsasalita si Jo. Bien wondered: Kung nakakarinig siguro ng multo ang mga maligno ay siguradong patay na siya!

Sadya madaldal ang kaibigan. Kung ano ang ikinatahimik ni Bien noong high school pa sila ay siya namang ingay nito. At hindi pa rin naman sila nagbago.

Kung bibig kaya ni Jo ang nawasak noong bumagsak?

Bad! Saway ni Bien sa sarili. And then, she thought: Bakit kaya kaluluwa lang ni Jo ang nagpapakita sa kanya? Bakit wala sa paligid ang mga kaluluwa ng iba nilang batch mates? Nag-cross over na siguro. Habang si Jo -?

Bakit nga ba nasa daigdig pa ang kaluluwa ni Jo?

"Pero mas masaklap siguro Yung sinapit nina Ariel at Israel... ang kainin. Sakit..." pagpapatuloy ni Jo. "Anyway, wala kay Israel phone niya. Baka natapon kung saan. Pero nakita kong kapit ni Ariel phone niya. Baka gumagana yun, Bien."

"So, if I acquire it, you want me to call the police? But definitely, I'll be dead once they get to me -"

"No, hanap tayo sa Wikipedia ng pangontra sa mga maligno."

Maganda sana ang suggestion ni Jo. Pero, Wikipedia pa talaga?

"Yes, labas na. The coast is clear."

Hindi muna lumabas si Bien. Ang hirap kasing tumakbo para sa kanya na kailangan nang mag-diet ng konti. Sinuwerte lang siyang nakapagtago habang hinahabol sila kanina ng mga maliliit na halimaw.

Sumilip muna siya sa pagitan ng mga halaman. Bukod sa mga kuliglig, tila payapa na ang paligid. Ikalima na ng umaga. Kung nasa kaparangan siya, tiyak na may liwanag na dahil sa summer season. Pero dahil sa gubat siya napunta, kinailangan pa rin niyang mag-flashlight dahil sa mayayabong na puno at mga halamang tumatakip sa kalangitan.

Isinuklay niya ang kamay sa bangs palikod sa pantay-balikat niyang buhok. Parang mas safe kung hintayin na lang niyang mag-umaga. Pihadong takot sa araw ang mga kampon ng kadiliman.

"Huy, ayaw mo bang lumabas -?"

"Eeeek!" Tila nabingi si Bien sa sariling tili.

Tanging ang flashlight lang ang nakapagitan sa kanilang mukha. Sa paglingon niya kay Jo ay kitang-kita niya ang basag sa tuktok ng ulo nito na inaagusan pa rin ng dugo. Sa agaw-dilim na epekto ng paligid ay nagkulay itim ang dugo na nagmarka na sa kaliwang bahagi ng mukha ng bestie.

Mula pagkabata ay nakakakita na si Bien ng ganoong mga scenario. Mga ligaw na kaluluwang karaniwang nasawi sa aksidente, sa mga biolenteng kamatayan. Mga napugutan ng ulo, braso, mga naliligo sa sariling dugo. Sa murang isipan, natakot siya. Mabuti na lang may six sense din ang kanyang namayapang ama, natulungan siya nitong mag-cope sa espesyal na biyaya...

Pero madalas, nagugulat pa rin siya.

"Ang bibig mo! Malalagot ka, ano ka ba?"

Natutop ni Bien ang bibig at itinapat sa nguso ang hintuturo. Si Jo naman ang pinatahimik niya.

"Sobrang magugulatin ka pa rin, Bes," pabulong na sabi ni Jo. "Para ka pa rin 'nung highschool."

Ang hirap kayang hindi magulat sa multo! Gusto niyang sabihin.

"Ang dami mo ring English ngayon," puna ni Jo. "Ano nga ba tinuturo mo ngayon?"

Flight attendant si Jo. Sarap maka-sosyal katulad nina Ariel at Israel na kapwa bar owner habang resort owner naman si Armie.

"Guro ako ng AP at Filipino."

Pinamilugan siya ng mga mata ni Jo. "Mga Tagalog subject? Na-miss mong mag-English right?"

"Baliw! Porke ba Filipino at AP itinuturo ko dapat Tagalog lagi salita ko -?"

Nakarinig sila ng kaluskos sa malapit, sunod ay pag-uha ng tila isang sanggol.

May isa pang pumalahaw ng iyak na puwedeng ikadurog ng puso ng isang ina. Pero dahil alam ni Bien Kung ano ang mga iyon, tinaasan siya ng mga balahibo sa mga braso.

"Ang mga Tiyanak," anas ni Jo. "God, hindi sana tayo nila narinig."

Summer Break (Published by Lifebooks)Where stories live. Discover now