Ang Pagbubukas ng Panibagong Pahina

8 0 1
                                    

Hi! Ako nga pala si Valeen Perez, sounds familiar right? Oo, ako yung isang karakter sa pinakaunang istorya na ginawa ni Author, magkakilala kasi kaming dalawa sa personal. Kaya itong si Author eh gustong gawing inspirasyon yung buhay ko, kumbaga gusto niya isulat lahat ng nasa isip ko at mga nangyari talaga sa buhay ko. Ang weird talaga ng Author na to. Oh sya magkweekwento na ko ah. Haha.


Fourth year high school na kami ng mga kaklase ko, oo kumbaga graduating students, di na kami inabutan ng K-12 na yan. Kapag graduating student ka, literal na ngarag. Sabay-sabay na lahat, exams, research at syempre ang pagsusubmit ng application para sa iba't-ibang kolehiyo. Oo iba-iba, ganun kami, pasa lang ng pasa at exam sa iba't-ibang unibersidad. Bahala na kung saan makapasa, saka na lang magdesisyon pag may resulta na. 



Ang  pinaka importanteng tanong at babago ng buhay mo. Anong kurso ang kukunin mo? Aba at may first at second choice pa, yung iba nga may third at fourth pa. Eh, di ko nga alam kung ano ang gusto ko. Tatanungin ko na lang siguro ang mga magulang ko kung anong gusto nila tutal sila naman mag papaaral saakin diba. Tama naman ako diba? haha For the meantime, gagayahin ko muna itong kurso ng kaklase ko. Ano ba to, BS Accountancy. Ano ba to? Hala, engineering na lang kaya kaso naisulat ko na yung BS Accountancy, wala akong correction tape kaya tama na ito. Dahil last day of submission na ito, kailangan na itong ipasa. Mabuti na lang pag uwi ko ng bahay eh, BS Accountancy din pala gusto ng mga magulang ko. What a coincidence, haha. Dyan ako mahilig sa coincidence saka sa hula. haha


Halos pare pareho kami ng mga kaibigan ko na BS Accountancy ang isinulat. Yun din pala talaga ang gusto nila. Atleast sakanila mula sa puso. Eh ako? Mula sa puso rin naman kasi sinusunod ko ang gusto ng magulang ko. 


Eto na nga Exam date naaaa. Di naman din ako kinakabahan kasi malapit lang ito sa school namin na pag eexaman namin. Hmmm. Sana makapasa ako, dito rin ang dating eskwelahan ng ate ko, at mura lang ang tuition. Kaya laking tulong na to sa magulang ko kung makapasa ako. 


THE CPA LICENSE JOURNEYWhere stories live. Discover now