Ang unang takot

2 0 0
                                    


Hindi naging madali pero kinaya ko naman ang first year. Eto na ang reyalidad, 2nd year na kami. Dinig namin sa mga higher year eh hindi nagpapasang awa ang magiging professors namin. At ng unang nakita ko nga ang professor na sinasabi nila. Eh totoo nga. Naisalba ko ang 1st year first sem. Pero may ibang kaklase ako na talagang bumagsak sila sa subject na yun, sa isip ko ay alam kong magagaling rin ang mga kaklase kong iyon pero bakit di nila naabot ang quota. 

Siguro nga talagang swertehan kung para sayo baka para sayo talaga. 2nd sem na at dito na ako nahirapan, bumagsak ako sa unang pagkakataon. Oo bumagsak ako. At ni retake ko ang subject na yun, at hindi pa rin naging madali pero naipasa ko na sa pangalawang pagkakataon, hindi lang isang subject ang naibagsak ko, kung meron pa. At dito ko naramdaman ang unang takot, kung ang mga kaklase ko natatakot sa professor namin, eh ako hindi. Takot ako na panghinaan ako ng loob dahil sa ilang beses ko ng naibagsak. Takot ako na baka pati sarili ko sumuko dahil sa paulit ulit ko na pagbagsak. Dagdag na rin dito ang iniisip ko na dadagdag lamang sa gastusin ng mga magulang ko at ng ate ko. Hanggang sa umabot na akong 3rd year. Nakapasa naman ako ng 1st sem, pero sa 2nd sem dito na medyo nabago ang isip ko. 

Ayoko ng ituloy pa ang BS Accountancy dahil sa paulit ulit ko na pagbagsak, nawalan na ako ng lakas ng loob sa sarili ko. Ito ang panahon na sinabi ko sa sarili ko na, tama na ito. Hindi ito para sa akin. Ngunit ng makausap ko ang mga magulang at kapatid ko. Ipagpatuloy ko daw dahil sayang. Doon ko sinabi sakanila na hindi na ako accoutancy sa susunod na taon dahil may naibagsak ako ulit. Hindi pa ito pwedeng iretake kasi masyado na akong naghahabol. 

THE CPA LICENSE JOURNEYWhere stories live. Discover now