Unang Pagtanggap

3 0 0
                                    


Natapos na ang 3 araw ng assessment, ngnunit hindi ako pinalad. Di ako pinalad dahil kinulang sa aral. Or sadyang di ko talaga pinag-aralan. Naaalala ko pa ang sinabi ng tatay ko noon saakin. Okay lang iyan anak, maghanap na lang tayo ng ibang eskwelahan na may kursong iyan. Para doon mo ipagpatuloy ang pangarap mo. Naisip ko, pangarap ko ba talaga ito? Ito ang ang pangarap ng magulang ko para saakin. Dapat lang siguro na ito na ang panindigan ko. Tutal kaya ko naman ito ginagawa para sa kanila. Para maipagmalaki. Yan ang pananaw ko. 

At nakahanap nga kami ng pribadong eskwelahan. At mabuti nalang naipasa ko ang entrance exam nila para sa course na yun. Dami kong iniisip, lalo kung kakayanin ba ng magulang ko at ng mga kapatid ko. Dahil nga pribado, malaki ang tuition fee na kailangan. May ibang scholarships pero hindi pa rin sapat. Kasi nga medyo malaki talaga ang tuition. Siguro kailangan ko na lang rin galingan.

Tinanggap ko na na di ako pwede sa eskwelahan na gusto ko, kaya eto at nag move on ako agad. Akala ko madali lang. Pero, inisip ko maganda ang eskwelahan na papasukan ko. May aircon, sobrang linis ng mga banyo, mababait ang taga guidance at maliit lang at di ako mabibilad tuwing lilipat ng room. Para sa introvert na katulad ko. Gustong gusto ko itong paaralan. 

THE CPA LICENSE JOURNEYWhere stories live. Discover now