4th year - 5th

1 0 0
                                    


Malapit na tayong matapos dahil hindi ko na ito gustong pahabain pa. 


Lutang, yan ako sa mga panahon na yun. Kahit kasama ko ang mga kaibigan ko noon eh talagang masasabi mo na wala ako sa wisyo. Ayoko na sanang ipagpatuloy pa, pero kasabay kasi ng pagbagsak ko eh mawawala rin ang isa sa scholarships ko. Sayang kasi malaking tulong din yun. Pero pumabor saamin ang pagkakataon. At pinili ko nga ang desisyon na hindi ko akalaing gagawin ko talaga. Ang paglipat ng eskwelahan. 

Malaking risk itong ginawa ko na paglipat. Alam kong magiging irregular student ako. Pero who cares? haha Alam ko maiiwanan ko ang mga kaibigan ko at panibago na namang adjustment. Pero who cares? kaibigan ko pa rin sila, at mananatiling kaibigan ko kahit lumipat ako ng eskwelahan. Hindi ko nasabi sakanila agad ang desisyon ko. Nalaman na lang nila nung malapit na magpasukan at nakaenrol na ako sa bagong kong paaralan.

Naging magaan ang pagpasok ko rito. Mabait ang mga staff, at mabait ang dean. Siguro ito ang environment na makakapagpanatag sa loob ko. Nanghihinayang ako pero wala na kong magagawa dahil nakapagenrol na ako. 

Ganun pa rin, hindi pa rin madali pero kinaya pa naman. Pero may naibagsak pa rin ako na subject at dahilan kung bakit hindi ako makakasabay sa graduation. 


Itong taon sana na gagraduate ako eh doon naman namatay ang tatay ko. Yung isa sa support system ko wala na, sabi ko sa sarili ko. Kaya ko na ba ng wala ka? Nung unang sumusuko na ko sa course ko, sabi mo sige lang kaya pa yan. Ngayon na wala ka sabi ko pano na? Sige, kakayanin ko na lang rin. Wala akong choice kundi dapat kayanin. Sa mga panahong nasa pinaka ilalim ka na alam mo talagang mapapakapit ka sa Panginoon. Walang ibang gagabay sayo kundi Siya. Doon ko unang naisip ang dami ng sinayang ko dahil hindi nakasentro ang buhay ko sa Panginoon. 


Nung taon na yun ay hindi rin ako agad makakakuha ng credentials kaya hindi rin ako makakapag board exam pa. Kaya dakilang tambay muna ako. 

THE CPA LICENSE JOURNEYWhere stories live. Discover now