Ang Unang Dilema

2 0 0
                                    

QBQ - tuwang-tuwa ako ng makita ko ang salitang "Qualified" ang problema may kadugtong na "but Below Quota". Ito ang unang pagkakataon na nalaman ko ang tungkol sa quota na yan. Akala ko basta makapasa ka lang pwede na, yun pala dapat makapasa ka sa standards nila. Tama, may average sila na dapat sinusunod kung gusto mo makapasok bilang accountancy at sa kasamaang palad kinulang ako. 

Umuwi ako ng bahay, sabi ko sa nanay at tatay ko. Kinulang ako ng konti. QBQ lang po ang kinaya ko. Pero sabi nila po may pa assessment ulit na baka pwede pa iconsider na makapasok ako. Susubukan ko na lang ko iyon.  

"Sige anak, saan ba iyan at kung kailangan mo ng kasama, sasamahan na lang kita." wika ng tatay ko na suportado ako sa lahat. haha "Sabi nila Tay doon po mismo sa main campus nila, marami naman po kami. (Marami naman po kaming hindi nakaabot sa quota, pampalubag loob ng taong di nakapasa) 

"Kung okay lang Tay magpapasama ako sa unang araw. Medyo maaga kasi yun kaya't di ko kakayanin kung mamamasahe. " saad ko'

Buti na lang at mabait ang tatay ko, suportado ako basta pagdating sa edukasyon. Hindi nakatapos ng kolehiyo at highschool ang mga magulang ko. Kaya naman todo bawi sila samin ng mga kapatid ko. Gusto nila lahat magtatapos. At ako na lang ang hindi pa nakakapagtapos ng kolehiyo. Bunso ako sa limang magkakapatid kaya ako na lang ang huling natitirang pinag - aaral.





THE CPA LICENSE JOURNEYKde žijí příběhy. Začni objevovat