Kabanata 20

524 22 41
                                    

Please be vigilant of sudden switches in point of view from first person to third person and back to first person.

Kabanata 20

Hidden

I woke up because I heard a dog's howl. Wala namang ibang aso rito kundi si Cypher lang. Nakalabas ba 'to sa kulungan niya?

Napatingin ako sa orasan.

Alas dos y media ng madaling araw.

Hindi na ako nag aksaya at pinuntahan ang kwarto ni Syllvester at nagbabaka sakaling nakauwi na ito. Ngunit gano'n nalang ang pagka dismaya ko nang maabutan kong walang kahit ni anino niya ang nasa loob.

Ilang saglit pa ay narinig ko nanaman ang tahol ni Cypher na tila'y galing ito sa labas... labas ng bahay?

Alas dos na, sino naman ang tinatahulan nito at bakit parang galit ang mga tahol na binibitawan ng aso?

Baka ang asawa ko ang tinatahulan niya? Pero bakit galit si Cypher?

Lumabas ako sa silid ni Syllvester at mabagal ang paglalakad patungo sa hagdan. Titingnan ko lang kung sino ang tinatahulan ni Cypher at kung bakit ito nakalabas sa kulungan niya.

Dahil hinayaan kong naka bukas lang ang ilaw sa loob ng bahay bago natulog kanina ay mabilis lang din akong nakababa papunta sa unang palapag.

Private villa ito ni Syllvester kaya alam kong wala namang basta-basta lang makakapasok rito at sa ganitong oras pa. Pero malayo itong bahay sa main gate, at nandoon ang mga security.

Lumapit ako sa malaking window glass at bahagyang hinawi ang window blind na nakatakip rito. Hindi gaanong madilim sa labas dahil may mga ilaw sa kanto ng gate.

Napagpasyahan kong puntahan sa labas kung saan ko naririnig ang tahol ng aso namin. Sa main door na ako lumabas at dahan dahang kinapa ng mga binti ko ang naapakan kong semento dahil hindi masyadong nasisinagan ng ilaw rito.

"Cypher..." tinawag ko ito gamit lamang ang mahina kong boses. Tumahol nanaman ulit ito kaya mas nasundan ko kung saan galing ang boses niya.

"Ttttt Cypher..." I softly release a tutting sound and called his name.

Dahan dahan akong nagtungo sa kinaruruonan niya. Naaninag ko na ang bulto ng aso at tinawag ulit ito.

"Hey, Cypher."

"Come here... Cypher." Once again, I click my tongue to get his attention. Lumingon naman ito agad sa akin at masayang lumapit.

Bahagya akong yumuko to pat his head. "It's already 2 am... bakit ka nakalabas sa cage mo? And your colar chain bakit naputol 'yan?" tila'y parang mahinhing pinagalitan ko ito at para bang tao din na kinakausap ko.

"Arf! Arf!" sumagot naman ito na para bang nagkakaintindihan kami.

Lumingon si Cypher sa pinanggalingan niya kanina kaya sinundan ko agad ang mga mata nitong nakatuon sa madilim na parte ng gusali. Pinaningkitan ko ito ng mata pero wala naman akong na aaninag na kahit anong bulto ng tao o ano man.

"Arfff! Rrr! Arff!" galit nanamang tumahol ang aso namin na para bang ginagwardyahan ako dahil matikas itong nakatayo sa harapan ko at nagbibitaw nang malalakas na pagtahol.

Hindi ako mapakali kaya dahan dahan kong ginalaw ang paa ko at disididong pinuntahan ang pwesto na tinatahulan ni Cypher.

Palapit ako nang palapit sa madilim na parte na 'yon, pero laking gulat ko na wala naman talagang tao rito.

Ineffable Menace of Love (PDA Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon