Kabanata I

112 9 1
                                    

Isang maaliwalas na umaga na naman ang bumungad sa isang malaking bayan na tinatawag na Altania. Masasabing ang bayan na ito ay kakikitaan ng luntiang kapaligiran habang amoy na amoy ng sinuman ang sariwang hangin na humahalik sa mga kabahayan na nakatayo sa luaping tila ka'y taba rin dulot ng naturang magandang klima na nararanasan ng nasabing bayan.

Altania, isang bayang ipinangalan kasunod ng malawak na digmaang naganap sa pagitan ng pitong naglalaking mga kontinente at pitong naglalakihang mga karagatang nahahati sa nasabing anyong tubig at lupang nakagisna ng lahat. Bayang inalipin ng masaklap na nakaraan na nadamay dahil sa kapalaluan ng mga naglalakasang mga indibidwal na ginawang alipin ng kayamanan ang mga ordinaryong mga mamamayang gustong yakapin ang kumakalansing na tawag ng karangyaan.

Labanan, digmaan at kasakiman. Ito ang mga bagay na nagdulot ng malawak na kaguluhan sa pitong naglalaking mga kontinente at pito ring naglalawakang mga karagatang nagbubuklod sa bawat isang kontinenteng tila ba'y sumasakop sa uhaw na mananakop.

Isa lamang ang bayan ng Altania sa  ilan pang mga bayang masasabing malawak man ang lugar ngunit walang senyales ng kasaganaan. Sa ilang mga dekadang nakalipas ay ganon na ganon pa rin ang kalagayan ng mga ito habang hindi nila pansin ang tila patuloy na paglipas ng panahon matapos ang masalimuot na insidenteng pilit na kinakalimutan ng lahat.

Altanian, ito ang tawag sa mga mamamayan ng bayan ng Altania. Isinunod sa apelyido ng magiting na mandirigmang naging tanyag dahil sa kabayanihang ginawa nito sa nasabing pangalan ng bayan sa kasalukuyan na si Cronus Altania.

Ibinuwis nito ang buhay nito upang iligtas ang bayang sinilangan nito mula sa kamay ng mga mananakop na galing pa sa ibang mga kontinente.

Maraming pasalin-salin na kwento ang mga matatandang mga tagakwento sa mga maliliit na eskinitang matatagpuan dito sa bayan na madalas ikwento ang kagitingang ginawa ni Cronus Altania na gustong-gusto ring pakinggan ng mga maliliit na mga batang kalyeng salat din sa materyal na mga bagay.

...

Naglalakad si Zedd Kleon sa isang malawak na daan sa bayan ng Sora habang makikitang hindi kakikitaan ng emosyon ang sariling mukha nito.

Sino ba naman kasi ang  gugustuhing maglakad sa lugar na hindi mo gugustuhing puntahan dahil lamang sa isang selection na mandatory requirements upang makapasa at makapasok sa isang malaking guild na tinatawag na Golden Star Guild.
Dalawang naglalakihang bayan ang nilakad niya upang makapunta sa mismong lugar dito upang masubukan ang kakayahan ng sinuman kung saan o anong klaseng lebel ka nabibilang.

Isang one time opportunity lamang ang nasabing tsansang makakagamit ka ng ancient boulder dito sa bayan ng Sora ngunit walang pakialam si Zedd Kleon sa magiging resulta niya dahil ang tanging gusto niya lamang ay makauwi siya mamaya ng ligtas at payapa.

Wala siyang maaaring problemahin kung mapili man siya o hindi dahil wala naman siyang pakialam. Isa lamang siyang binatang walang pamilya at tumakas lamang siya noon sa bahay-ampunang nagbigay ng masalimuot na nakaraan sa kaniyang buhay.

Sinong mag-aakalang pinapalaki lamang ang mga bata sa bahay ampunang kinaroroonan niya upang ipakain lamang sa mga lahi ng mga Warmonger? Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangyayari noon na nagsilbing bangungot sa buhay niya moong musmos pa lamang siya dahil napakasakit isiping sa lahat ng mga batang nasa bahay-ampunang kinalakihan niya ay siya lamang ang nakaligtas at ang iba ay kinain ng buhay ng mga Warmongers na nasa oras noong panahong iyon ay siya lamang ang nakatakas.

Ayaw niyang balikan ang nakaraang tila sakal siya sa leeg ng mga walang puso at walang kasingsamang nilalang na katulad ng Warmonger.

Gaya ng lahi ng mga tao ay merong mga mabubuting lahi ng mga warmongers at mga masasamang warmongers.

LEGEND OF ABYSSAL GOD [VOLUME 1]Where stories live. Discover now