Kabanata IV

37 6 0
                                    


Nakita na lamang ni Zedd Kleon ang sarili niyang nasa harap ng tila kalansay na babaeng nilalang habang makikita ang tumutulong butil ng mga luhang umaagos sa mukha nito.

Mabilis na dumistansya si Zedd Kleon sa nasabing babaeng estranghero na animo'y magkahalong gulat at hilakbot ang nararamdaman nito dahil magpahanggang ngayon ay gulong-gulo ang isip niya sa nangyari kani-kanina lamang.

"Hahahahaha... Hindi ko aakalaing sa ganong sitwasyon lamang ay naiyak ka na." Tila nangmamaliit na wika ng mala-kalansay na lamang na babaeng estranghero habang nakatingin sa gawi ng binatang si Zedd Kleon. Kitang-kita sa mukha nito maging sa labi nito ang pagngisi at tila natutuwa sa nangyayari sa nasabing binata.

Hindi nito kasi aakalaing ganito lamang na sitwasyon ay makikita nitong umiyak ng husto ang nasabing binatang tumatakas sa paningin niya kanina.

Hindi niya man nais takutin ang binatang naging dahilan ng pagpunta niya rito ay nangyari na ang dapat mangyari kaya wala ring silbi ang anumang gagawin niya.

"Ano'ng klaseng mahika ang ginawa mo ginang o kung ano ka mang nilalang. Hindi maganda ang ginawa mo alam mo ba yun ha!" Seryoso ngunit may halong pagkainis na sambit ni Zedd Kleon habang makikitang hindi ito natutuwa sa pinanggagawa ng nilalang na ito. Kahit sabihing malakas ito ay masyado naman atang grabe ang ginawa nito.

"Yun ba?! Isang simpleng bagay lamang iyon. Ang pagpapakita ng bagay na katulad niyon ay nararapat ko lamang gawin upang mapapayag ka sa nais kong gawin mo." Seryosong saad ng matandang ginang habang nanlalaki ang mata nito. Halatang may sinasabi ang mga ipinupukol nitong tingin sa binatang si Zedd Kleon.

"Gagawin ko? Para sa ano'ng bagay? Hinding-hindi ako kailanman makikisangkot sa iyo o makikipag-ugnayan man lang." Walang pag-aalinlangang wika ni Zedd Kleon na lubos ang pagtanggi nito.

Isang malakas at susunod na paghalakhak ang narinig ni Zedd Kleon matapos nitong sabihin ang mga katagang lumabas sa bibig niya mismo.

"Hahaha nagpapatawa ka ata binata, hindi mo ba napapansin na unang pagkikita pa lamang natin ay hindi ka na makakatakas pa sa tadhang meron ka. Ikaw ang nilalang na matagal ko ng idinadalangin at hinihintay na makakatagpo lalo pa ngayong h----!" Sambit ng matandang babaeng nilalang habang mabilis itong naputol sa pagsasalita nang biglang nagwika si Zedd Kleon.

"Hindi makakatakas sa tadhana?! Anong klaseng tadhana?! Isa lamang akong ordinaryong nilalang ginang. Walang espesyal sa akin. Alam kong nagkakamali ka lamang ng pinagsabihan ng mga ito at hayaan na lamang natin na palampasin ang kaganapang ito!" Seryosong saad ni Zedd Kleon habang kitang-kita sa mata nito ang labis na kagustuhang itanggi ang sinasabi sa kaniya ng ginang. Hindi siya tanga upang hindi makuha ang gustong ipahiwatig nito sa kaniya.

"Hahahaha! Hinding-hindi mo matatakasan ang tadhanang meron ka binata. Sinasabi ko sa'yo dahil gaya ng ipinakita ko sa iyo kani-kanina lamang ay magaganap at magaganap talaga sa hinaharap. Hindi mo naman siguro gugustuhing mangyari ang kinatatakutan mong mangyari, ang mawasak ang bayang pinagmulan mo!" Nakangising sambit ng matandang ginang na animo'y nakakapanghilakbot ang mumunting ngiting umaalpas sa labi nito.

Nangilabot naman si Zedd Kleon sa mga huling pangungusap na narinig mismo ni Wong Ming galing sa bibig ng nasabing ginang. There's something on those facial expressions of the old woman. Nakakapangilabot ang mga pinagsasabi nito ngunit matatalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Hindi galit kundi ibayong kasiyahang mukhang nagagalak pa sa kasawian ng bayang pinagmulan niya.

"Hinding-hindi mangyayari ang lahat ng nakita ko kanina ginang. Hindi mawawala ang bayang naging tahanan ko sa buong buhay kong pananatili roon." Puno ng pagkontrang sambit ni Zedd Kleon habang kitang-kita sa mata nitong hinding-hindi ito naniniwala sa pinagsasabi ng matandang babaeng nilalang na halos buto't-balat na lamang ito.

LEGEND OF ABYSSAL GOD [VOLUME 1]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ