1

34 2 0
                                    

Lavender's POV
Ngayong araw ay kakalipat lang namin ng bahay. Na-turn over na kasi kila Mommy and Daddy yung binili nilang bahay. At dahil nga lumipat kami, kelangan kong magtransfer ng school dahil masyadong malayo yung school ko dati.

"Nak, na-enroll na kita sa Kent University. Magstart na pasok nyo sa monday. Tomorrow mamili na tayo ng mga gamit mo sa school." Bungad sakin ni Mommy pagbaba ko ng hagdan. Kakagising ko lang kasi.

"Sige mommy, salamat." Sagot ko naman dito.

Sa buong maghapon ay kumain at nagcellphone lang ako. Boring talaga ng buhay ko hahaha.

Kinabukasan ay nagmall na kami nila mommy at namili. Yung mga kailangan kong gamit at kung ano ano pa.

Pumunta din kami sa school para mafamiliarize daw ako sabi nila Daddy.

Ang laki ng school, ang gaganda ng rooms, may malaki ding gymnasium tapos may pool din. Ang astig. Sana naman e maging maayos ang school year ko dito, lalo na at graduating na ako.

Pagkauwi namin ay nagpahinga na din kami. Kumain na din naman kasi kami sa restaurant kaya mga busog na din.

Lumipas ang ilang araw at pasukan na namin. Kinakabahan ako pero excited din at the same time. Sana magkaron ako agad ng friends.

Hinatid lang ako nung driver namin at umalis na. Susunduin nalang daw ulit ako pag uwian na namin.

Pagpasok ko sa campus ay nagkumpol kumpol ang mga estudyante. May mga kikay, mga studious, mga couples at kung ano ano pang grupo. Pagliko ko sa isang building ay may muntik na ko makabangga.

"Sorry." Mahina kong sabi dito. Tiningnan naman ako nito at nginisihan. Wew! Buti nalang gwapo ka.

Nagtuloy tuloy na ko sa paglalakad at finally nakarating din sa room ko. Ang laki talaga ng school na to, hanep.

Pagpasok ko sa room ay madami na din tao, kanya kanya ding mga grupo. Ang iingay nila, halos sabay sabay silang napatingin sa pinto ng pumasok ako.

Ngumiti naman ako sakanila at nag-bow. May ibang ngumiti, may ibang parang walang nakita.

"Hi, transferee ka?" Nagulat pa ko sa biglang pagsulpot ng isang babae sa harap ko. Maganda, ang kinis, ang puti at ang bango nya.

Tumango naman ako bilang sagot sakanya.

"Tara, dito ka sa pwesto namin." Inalok naman nya ang katabi nyang upuan. Naupo naman ako dito at nakinig sa mga kwentuhan nila.

"Ano palang name mo?" Tanong nito sakin.

"Lavender Cruz, ikaw?" Balik tanong ko naman sakanya.

"Ako si Shekinah Ramos, sabay na tayo lunch mamaya. Tapos tour kita dito sa school, tsaka turo ko sayo yung mga dapat iwasan mo dito." Sabi nya at binulong pa yung huling sinabi nya.

"Sure, thanks for the invite." Nag-thumbs up naman ito sakin.

Halos wala naman naging klase dahil nga first day palang daw. Puro free time kami, kaya eto ngayon kasama ko si Shekinah.

"Ayan yung building ng mga engineering students pati architect." Turo nito sakin sa building na may 8 palapag. Eto ata yung pinakamataas na building dito sa school.

"Daming gwapings jan, btw, may boyfriend kana ba?" Biglang tanong nito sakin.

"Wala pa, study first ako e." Natawa naman ito sakin.

"Naku! Pag nakilala mo sila Stephen ewan ko nalang kung masabi mo pa yang study first na yan hahahaha." Napapailing naman ako sa mga sinasabi nya.

"Upo muna tayo, kapagod mag tour. Libre mo ko buko." Tinuro nya yung stall ng buko juice na malapit sa inupuan namin. Ang galing nga dito sa school na to, may park tapos madaming iba ibang food stall.

Bumili naman ako ng buko, tag-isa kami dahil nauhaw din ako.

Habang umiinom kami ay may tinuro sya saking grupo ng mga babae.

"Ayan! Ayan! Iwasan mong makabangga yang mga hitad na yan. Nako!" Mahinang bulong nito sakin.

"Bakit naman? Mukha naman silang mababait, ah." Nag peke pa sya ng kunwari ay nasusuka sya.

"Mukha lang pero may mga nakatagong sungay at buntot yang mga yan. Mga pabebe! Todo pacute sa grupo nila Stephen, kala mo kegaganda." Naaasar na dagdag pa nya.

"Sino ba yang Stephen na yan? Kanina mo pa binabanggit." Curious kong tanong sakanya.

"Si Stephen ay isa sa mga man of my dreams. Char not char! Hahahaha. Architect student yon, matalino, mabait, masipag, sobrang gwapo, ang bango bango, ah basta, kaso nga lang babaero. Every week ata nagpapalit ng jowa yung tao na yon. Napakalala! E dahil nga gwapo, kahit alam na ng mga babae na ginagawa lang silang trophy ni Stephen e for the go pa din sila. Actually, isa ako sa mga naging trophy nya. Ina kasing lalaki na yan, maffall ka talaga, e. Tapos iisipin mo nagbago na sya dahil sayo ganon. E hanep, parang load lang yung relationship namin, after a week nag expired na. Umiyak ako ng bongga non, kasi akala ko ako na yung makakapagpabago sakanya, e. Artista lang pala ang walanghiya! Pero kahit ganon na nag expired na yung relasyon namin bet ko pa din sya hahahaha." Mahabang kwento sakin ni Shekinah.

"Sinasayang nyo yung oras nyo sa ganyang lalaki, ang ganda ganda mo tapos pumayag kang lokohin lang." Naiiling kong sabi sakanya.

"Gwapo, e." Natatawang sagot sakin nito.

"Pero may iba pa syang friends, si Stell, Pablo, Josh tsaka Justin. Ang gagwapo ng mga yan! Pero si Josh taken na yon, kung anong kinababaero ni Stephen sya namang kinaloyal ni Josh. Ang swerte nga nung girlfriend nya, e. Mag 4 years na sila." Nacurious tuloy ako sa mga itsura ng mga yon.

"Pero tinotolerate nya yung ugali nung kaibigan nya." Sagot ko dito.

"Ano ka ba! Nagkaaway na nga yung dalawa na yon, e. Nagkaayos lang dahil pinagbati nung mga kaibigan nila. Galit na galit si Josh non kasi pinsan pala nung girlfriend nya yung niloko ni Stephen." Iiling iling na kwento ni Shekinah sakin. May amats pala yung Stephen na yon, e.

"Speaking of them! Ayun sila, Lav. Look!" Turo sakin ni Shekinah sa isang grupo ng lalaki na naglalakad.

Kita mo kung gano mag-iritan ang mga babae na nadaanan nila. Siguro yun yung Josh, may kasamang girl, e.

"Yan si Stephen. Red hair, ang angas no. Tapos kasunod nya si Stell, pinaka-bestfriend nya yan. Tapos si Pablo naman yung long hair, si Justin yung baby face na katabi ni Pablo, tapos ayan si Josh kasama yung girlfriend nya." Napatingin naman ako dun sa sinasabi nyang Stephen. Parang nakita ko na kasi sya.

"Ah! Sya yung nakabangga ko kanina." Nagulat naman si Shekinah sa bigla kong pagsigaw.

"Ano kamo?" Tanong nito sakin.

"Kanina habang hinahanap ko yung room natin, nakabangga ko yang red hair na yan." Paliwanag ko dito.

"Nako po! Nakita kana pala nya, target lock kana panigurado." As if matatarget nya ko.

"Di naman ako magpapatarget sakanya. Nandito ko para mag-aral hindi para magpatarget sakanya.

"Ay wow! Hahaha, good luck kung ganon." Natatawang sagot sakin ni Shekinah.

Di talaga ko papatarget jan no, asa sya!

Hey Stephen!Where stories live. Discover now