2

18 1 0
                                    

Lav's POV
The past few weeks ay umaayon sa gusto ko, maayos at walang anumang maging problema sa school. Lagi din kaming magkasama ni Shekinah, katulad nalang ngayon.

"Lav! I have chika! Naku, alam mo bang may bago na namang pinaiyak si Stephen? Nakakaloka! Ang ganda ganda ni girl, mala-Marian Rivera ang datingan pero niloko pa din. Ang tinik talaga ni Stephen. Pero infairness kay ate girl, 2 weeks naging sila. Assume na assume si ate girl na nagbago na si Stephen. Tsk! Tsk!" Di na ko nabigla sa chika ni Shekinah dahil ano bang bago dun sa Stephen na yon? Mabuti nga at di na ulit nagtagpo ang landas naming dalawa, e.

"Ay, walang reaksyon?" Natawa naman ako bigla sa banat ni Shekinah.

"Wala naman kasing bago sa chika mo hahaha, alam mo tara na, kumain na tayo. Tagal mong mag-cr." Inangkla naman nya ang kamay nya sakin at sabay na kaming naglakad.

Di ko akalain na ngayong araw pala ang magiging worst day ko. Nakasalubong namin ang grupo nila Stephen at ang malas pa don ay muntik pa kong masubsob sa kanya. Hanep kasing bato yan!

"Oh, it's you again." Sabi ni Stephen at lumapit pa sakin.

"Sorry." Yun lang ang sinabi ko at hinila na paalis si Shekinah.

"Woah! Ginanon kalang, pre? Taob ka pala, e!" Dinig kong asar ng isa sa mga kaibigan nya sakanya.

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga usapan nila at nagmadali ng umalis.

"Shekinah, kanina kapa tulala. Napano ka?" Yugyog ko sa kaibigan ko. Mula kasi ng makasalubong namin ang grupo ni Stephen ay di na kumibo.

"Yung heart ko ang bilis ng tibok." Sabi nito sakin at seryosong seryoso pa.

"What? May saltik ka talaga." Naiiling kong sabi sakanya.

"True nga girl! Bat ba kasi ang gwapo ni Stephen?" Oo na, given na gwapo nga, red flag pa din.

"Kahit kelan di naging gwapo ang manloloko." Sagot ko naman dito.

Lumipas ang ilang araw at akala ko ay payapa na,  pero nagsimula ng guluhin ni Stephen ang buhay ko.

"Hey!" Dinig kong tawag sakin ng kung sino.

Paglingon ko ay si Stephen pala.

"What? I have a lot of things to do." Pagsusungit ko dito. I don't have time for his shits.

"Woah! Chill! I'm Stephen." Inabot naman nito ang kamay nya, tiningnan ko lang ito at di pinansin.

"So? May kelangan ka ba? Kasi kung wala, I have to go." Aalis na sana ako ng bigla nyang hawakan ang braso ko.

What the hell? Bakit para kong nakuryente?

"Gusto ko lang makilala ka, is that bad?" Ay nako! Ano ba akala nito di ko alam mga pinaggagagawa nya?

"Please, I don't have time for this nonsense. Isa pa, hindi mo ko madadala sa mga pa-cute mo. Never mo kong magiging trophy, okay?" Di ko na sya inantay magsalita at umalis na.

Mag-ccr lang naman sana ako, may ganon pang eksena. Gusto ko lang naman ng matiwasay na school year.

Wala si Shekinah ngayon dahil nagkaron sya ng sakit, kaya eto ako ngayon at loner. Bumili lang ako ng sandwich tsaka coke in can para sa meryenda ko. Mahaba haba kasi ang vacant ko ngayon dahil nasa meeting yung prof namin.

Naghanap lang ako ng pwede kong tambayan habang nag aantay ng oras. Kainis kasi may last subject pa.

Tahimik akong kumakain ng biglang may tumabi sakin.

"Hi, bat mag-isa ka ata? Where's your friend?" Muntik ko pang masapak ito ng biglang magsalita.

"Pinagtitripan mo ba ko? Ano bang kelangan mo? Di pa ba malinaw sayo na hindi nga ko magpapabilang sa mga trophy mo?" Naasar kong sabi sakanya.

"I just want to know your name." Malambing nyang sabi, the eff! Malambing?!

"Fine! I'm Lavender. Okay na? You can leave." Sagot ko dito.

"Nope, samahan na kita. Wala din akong kasama magbreak, e. Busy mga kaibigan ko." Di ko nalang sya pinansin at hinayaan na nasa paligid ko sya.

Tahimik lang din sya sa tabi ko kaya di ko din sya halos napapansin. Patingin tingin lang sya sa paligid o kaya ay sa ginagawa ko.

"Nagrereview ka? Lapit na nga pala exam no." Biglang sabi nito.

"Hm, kaya wag kang magulo. Baka yung mga sinasabi mo ang maisagot ko sa exam." Pambabara ko dito.

"Woah, angas non pag ganon. Pasado ka panigurado." Pagbibiro nito sakin, nginiwian ko naman sya.

"Bat ba ang sungit mo sakin?" Biglang tanong naman nito sakin.

"Napaka-obvious ng sagot, you're a womanizer." Diretsang sagot ko sakanya.

"Tss! No, I'm not. Pinagbibigyan ko lang sila, they want me, ginagrant ko lang yung wish nila." Napailing nalang ako sa sagot nya.

"So dapat maging thankful pa sila dahil pinagbigyan mo silang maging boyfriend ka? You're unbelievable, Stephen." Naiinis kong sabi dito.

"Hindi naman sa ganon, they are desperate. Kesa kulitin nila ko edi pagbibigyan ko sila." Ang daming katwiran sa katawan.

"E bakit ako ang kinukulit mo ngayon? Maghanap ka dun ng mga babae na desperada kamo na makarelasyon ka. Nasasayang oras mo." Inis kong sagot sakanya.

"Pass muna, I like spending my time with you." Kung hindi ko lang kilalang womanizer to e baka kinilig na ko.

"Di mo ko madadaan sa ganyan, Stephen. Di ako gaya ng mga babae mo na konting banat lang e hulog na hulog na. I've guarded my heart." Seryosong sabi ko sakanya.

"Hindi ako bumabanat sayo, I'm just stating the fact na I like spending my time just watching you." Hindi ko alam kung seryoso ba sya sa mga pinagsasabi nya o isa to sa mga tricks nya para mahulog ang loob sakanya ng isang babae.

Hindi ko na sya sinagot at pinagpatuloy nalang ang pagrereview. Kahit naman ata anong pambabara sabihin ko dito ay di tatalab, ang daming katwiran, e.

Malapit na matapos ang vacant hours ko at medyo dumidilim na din dito. Si Stephen ay tahimik lang sa tabi ko at nagcecellphone.

"Wala kabang klase?" Tanong ko dito.

"Wala, kanina pang umaga." Sagot naman nito sakin.

"E bakit di kapa umuuwi?" Ngumiti naman ito sakin. Oh, Lavender, hindi maffall sa ngiti!

"Antayin na kita, hatid kita sainyo." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Susunduin ako ng family driver namin. Sige na, you can go home na. I have a class to attend pa." Tatayo na sana ako kaya lang ay pinigilan nya ko.

"What?" Takang tanong ko dito.

"Hm, thank you for letting me stay here. Ingat sa pag uwi mamaya. I will go na. Bye, Lav." Hay nako, Stephen. Sana di kana lang babaero!

Hey Stephen!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu