3

13 1 0
                                    

Lav's POV
Ilang beses pang naulit ang pagsama sama ni Stephen sakin tuwing vacant hours ko. Kahit kasama ko si Shekinah ay nandun sya at tahimik lang na nakaupo sa tabi ko.

"Girl, ilang days lang ako nawala may paganto na? Kala ko ba di ka papatarget kay Stephen?" Bulong sakin ni Shekinah.

"Shh, hindi naman talaga. Ewan ko sa trip nyan. Alam yata sched ko at sakto palaging pag vacant natin e nanjan." Sagot ko naman dito.

"Sus! Okay lang yan, Lavender. Maranasan mo naman na maging boyfriend si Stephen." Napailing nalang ako sa mga sinasabi ni Shekinah.

Maya maya lang ay dumating ang iba nyang kaibigan.

"Pre! Musta panliligaw? Sinagot kana ba?" Biro nung long hair, ano nga ulit pangalan nito?

"Sira ka talaga Pablo!" Ayun! Pablo pala.

"Hindi naman ako nanliligaw kay Lav." Sagot naman ni Stephen.

"Ay, oh, di daw nanliligaw pero 'love' na agad ang tawag. Ang bilis mo talaga!" Pang aasar naman nung baby face na lalaki.

"Loko! Lavender kasi pangalan nya." Depensa naman ni Stephen.

"Lilinawin mo kasi, pre. So kamusta naman?" Tanong ulit ni Pablo.

"Wala, pre. Magkaibigan lang kami ni Lav." Sakto namang tumingin sya sakin habang nakatingin ako sakanya kaya napaiwas ako agad ng tingin.

"Tss! Mabagal ka ata ngayon?" Pang aasar naman ni Josh.

"Ah, excuse me lang ha, nandito ho yung pinag uusapan nyo. Reminder lang." Singit ko sakanila.

Natawa naman yung isa nilang kaibigan na di masyadong kumikibo.

"Tawa ka jan, Stell?" Infairness dito kay Stell ang gwapo gwapo din. Actually lahat sila.

"Barado kayo, e. Hahahaha." Sagot naman nito.

"Tss! Lav, sibat na ko. See you next time." Nginiwian ko lang ito at di na sinagot.

Pagkaalis na pagkaalis nila ay umiirit na agad si Shekinah.

"Omg ka! Ang gagwapo ng bisita natin today, every day na ba to? Nililigawan ka nga siguro ni Stephen no? Yiee!" Kikiligin sana ko kaya lang ay tinatamad ako.

"Di nga ko nililigawan non, sinabi ko na sakanya na di kako ako magpapabilang sa mga babae nya." Sagot ko dito.

"Hmm, sabagay kasi di naman nanliligaw yon, e. Mga babae nanliligaw sakanya hahaha." Natatawang sabi naman ni Shekinah.

"Sabi nga nya sakin pinagbibigyan lang daw nya kayong may gusto sakanya. Pakayabang!" Naalala ko na naman tuloy yung pinagsasabi nya nung nakaraan.

"Ay, nakakatouch naman." Napatingin naman ako kay Shekinah.

"Weh? Natouch ka? Okay ka lang? May sakit kapa ata." Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Syempre no, naiisip nya ang damdamin naming may mga gusto sakanya." Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi ni Shekinah. Malala na tong kaibigan ko.

"Mag-cr lang ako." Paalam ko dito.

Bago pa ko makarating sa cr ay nakasalubong ko ang grupo ng babae na sinasabi ni Shekinah na layuan ko. Amoy trouble ah.

"So, ikaw pala yung bagong girl ni Stephen? New student? Tss, di naman kagandahan." Sabi nung babaeng may bangs. Kung titingnan mo ay parang ang amo amo ng mukha nya.

"Excuse me lang, di nya ko bagong girl or whatever." Sagot ko dito.

"Wow! Dinedeny mo pa? Ang daming nakakakita sainyo na laging magkasama. Tsaka wala kang karapatan ideny si Stephen! Kala mo naman ang ganda mo! Pinagbibigyan kalang ni Stephen, siguro nilandi mo sya kaagad pagpasok mo palang dito sa school!" Sigaw nung isa pang babae na nakasalamin. Mukha syang nerd sa itsura nya, yung tipong pagtitingnan mo e kala mo nag aaral ng mabuti, ganon.

"Wala ko dapat ipaliwanag sainyo." Tinalikuran ko na sila kaya lang ay may humila sa buhok ko. Pahamak talaga ang long hair, hanep!

"A-aray!" Sigaw ko dahil mas lalo nyang hinigpitan ang hila sa buhok ko.

"Hoy! Kala mo ba maganda ka? Malandi kalang!" Sigaw nito at hinila pa ng hinila ang buhok ko, pakiramdam ko ay matatanggal ang buhok ko sa anit ko. Ang sakit!

Hindi ako makaganti dahil tatlo silang humihila sa buhok ko. Shit! Yung uniform ko madudumihan. Ilang minuto pa atang paghila at pagkalmot sakin bago may umawat.

"Hey!!" Dinig kong sigaw ng kung sino.

Bumitaw naman sa pagkakahila sa buhok ko yung tatlo at kala mo e biglang naging maamong tupa.

"What are you doing? Why are you hurting her?" Sunod sunod na tanong ni Stephen sa tatlo.

"Malandi kasi sya!" Matapang na sagot nung nakabangs.

"Yeah right! Dapat lang sakanya yan para matauhan sya." Sabat naman nung maiksi ang buhok.

Lumapit naman si Stephen sakin at itinayo ako. Pinagpag din nya ang uniform ko.

"Say sorry to her! Now!" Sigaw nito na ikinabigla nilang tatlo.

"Pero..." Di na nya natuloy ang sasabihin nya ng tingnan sya ng masama ni Stephen.

"S-sorry." Sabi nung naka-eyeglass at dali daling tumakbo paalis. Sumunod na din yung dalawa at nag iwan pa ng masamang tingin.

"Ayos ka lang?" Tanong nito sakin.

"Mukha ba? Tss! Nadumihan yung uniform ko, kainis!" Pinagpag kong maigi ang damit pati ang palda ko.

"May masakit ba sayo?" Chineck pa nya ang buong katawan ko.

"Tss! May sugat ka." Hindi pa ko nakakasagot ay hinila na ko nito sa clinic.

"Maliit lang na sugat to, huy! Kayang kaya ng hugas yan." Sabi ko dito pero di ako pinakinggan.

"Nurse, she's injured. Pakigamot naman." Nagpapacute pa yung nurse sakanya kaya di nya ata napapansin na napapadiin na yung lagay nya sa sugat ko.

"Aray!" Napasigaw ako dahil dinutdot nya ng sobra ang sugat ko.

"Hey, careful." Inagaw naman ni Stephen yung bulak sa nurse kaya sya nalang ang gumamot dito.

"Pati nurse ata ex mo." Bulong ko dito.

"Tss! No, mas matanda satin yon. Di ako nagggirlfriend ng mas matanda sakin no." Seryoso nyang sabi habang ginagamot ang sugat ko.

"Bat ilang taon kana ba?" Tanong ko dito.

"I'm only 21. Ikaw ba?" Oh, mas bata sya sakin ng 1 year.

"22 na ko." Napatigil naman sya sa paggamot sa sugat ko at napatingin sakin.

"Mababali ata yung pananaw ko na di ako magggirlfriend ng mas matanda sakin, ah. Hmmm." Nginiwian ko naman ito kaya natawa sya sakin.

Matapos nyang gamutin ang mga sugat ko ay hinatid pa nya ko sa room. Nakalimutan ko na ngang iihi ako, e. Lintik kasing mga babae na yon.

"Uy, ano yon? Bat may paghatid hatid na sa room? I smell something fishy ha." Asar sakin ni Shekinah.

"Loka! Hinarang ako nung powerpuff girls, pinagsasabunutan ako tapos pinagkakalmot pa ko. Nakita ni Stephen kaya dinala ko sa clinic para magamot yung mga sugat ko." Pagpapaliwanag ko dito. Nakita ko naman ang pag-aalala nya at tiningnan ang mga sugat ko.

"Ay punyemas! Talaga yung tatlong babaita na yon! Buti nalang nakita ni Stephen, kakilig naman." Napangiwi naman ako dahil sa bilis ng pagbabago ng reaction nya. Iba talaga trip nito ni Shekinah e.

"Anong level nyo na ba ni Stephen ha? Sasagutin mo na? Yieee." Sasagutin amp!

"Hindi nga sabi ako nililigawan non." Naiinis kong sabi dito, di ko alam kung naiinis ba ko dahil di ako nililigawan o dahil sa kakulitan ni Shekinah.

Hey Stephen!Where stories live. Discover now