4

14 2 0
                                    

Lav's POV
May event sa school ngayon dahil wala lang trip lang ng school hahahaha. Ang daming kung ano anong booths tapos may mga rides din sa loob ng campus. Hanep talaga tong school na to daming pakulo.

"Girl, tara dun sa may horror dali!" Hinila naman ako nito kahit labag na labag sa kalooban ko. Ayaw na ayaw ko kasi talaga sa mga horror house.

"Ikaw nalang, ayoko pumasok jan." Sabi ko kay Shekinah pagkarating namin sa booth.

"Ngeks, KJ! Tara na! Takutin natin mga otlum don hihi." May pagka-baliw talaga tong si Shekinah e.

"Wait nalang kita dito, sige na." Ngumuso lang ito sakin dahil di talaga nya ko mapipilit.

Habang inaantay kong bumalik si Shekinah ay dumating ang powerpuff girls. Swerte nga naman.

"Hi, sorry nga pala sa nagawa namin. We'll make bawi nalang to you. Libre ka namin dito sa horror house. Yey!" Nagulat pa ko ng biglang ganon ang sinabi nung nakabangs.

"Ah, okay na yon. Di nyo naman kelangan bumawi." Sagot ko nalang dito.

"No, we need to. Let's go!" Di pa ko nakakasagot ay hinila na nila ko papasok. Shit! Ayoko ngang pumasok dito e.

Pagpasok sa loob ay sobrang dilim at mausok. Nakakapit sila sa isa't-isa habang ako naman ay nauunang maglakad sakanila. Pahamak talaga tong powerpuff girls na to.

Nakakailang hakbang palang kami ay biglang may nanggulat na kaya napatakbo ako ng mabilis. Di ko na naisip yung mga kasama ko dahil takot talaga ako. Di ko na alam kung san ba ko nagsususuot dahil di ko makita ang daan palabas. Kainis!

Lahat na ata ng sulok ay napuntahan ko na, takte, naiiyak na ko. Naupo nalang ako sa isang gilid dahil sa takot ko. Nanginginig na ko at di ko na alam ang gagawin ko.

Ilang minuto pa ata ako sa ganong posisyon ko ng maramdaman kong may lumapit sakin. Inangyan! Umiiyak na nga ako sa takot tapos tatakutin pa ko.

"Pst!" Di ko pinapansin kung sino mang nilalang ang tumatawag sakin.

"Hey, why are you here?" Napatingin na ko sa nagsasalita dahil mukhang wala naman itong balak na takutin ako.

Si Stell?

"N-nawala ako, di ko alam san palabas dito. Gusto ko ng lumabas." Sabi ko dito na parang nagsusumbong na bata.

"Shhh, let's go." Hinawakan naman ako nito sa kamay at inalalayan palabas.

Paglabas namin ay naabutan pa namin ang powerpuff girls na nag uusap.

"San napunta yon? Iniwan tayo, hmp!" Sabi nung babae na maiksi ang buhok.

Hindi ata nila kami napansin dahil bigla nalang silang umalis tatlo.

Pinaupo naman ako ni Stell sa isa sa malapit na bench. Napansin kong di pa din nya binibitawan ang kamay ko kaya dahan dahan ko itong hinila.

"Ow, sorry." Sabi naman nito.

"Bat ka ba napunta don?" Tanong nito sakin.

"Yung powerpuff girls kasi babawi daw sila sakin dahil inaway nila ko tapos hinila nila ko sa loob, e biglang may nanggulat, ayun nagtatakbo ako tapos di ko na alam san ako napunta, ang dilim dilim kasi." Paliwanag ko sakanya.

"Tss! Don't cry na. Kain nalang tayo." Di ko alam pero napa-oo nalang ako sa mga sinasabi ni Stell. Dala pa din siguro ng takot kaya di ako makatanggi. Nawala na nga din sa isip ko si Shekinah, e.

Dinala ko ni Stell sa isang booth na may iba't-ibang kainan. Mga HRM students naman yung nandito.

Nawala naman sa isip ko yung takot ko dahil sa sarap ng mga pagkain sa harap ko.

"So, kamusta kayo ni Stephen?" Muntik ko pang maibuga ang juice na iniinom ko dahil sa biglaan nyang pagtatanong.

"Wala naman dapat ikamusta saming dalawa." Natatawa kong sagot sakanya.

"Weh? Hahaha pansin ko lagi kayong magkasama lately." Sabi naman nito.

"Para kasi syang kabute, biglang sumusulpot." Natawa naman sya sa sagot ko sakanya.

"Hahaha, alam mo bang ikaw palang ang babaeng walang interes sakanya. Natapakan mo ang ego nya." Naiiling iling nyang sabi sakin.

"Hindi naman kasi lahat kaya nyang bolahin. Well-trained ata to." Biro ko naman sakanya.

Madami pa kaming napag-usapan ni Stell bago dumating si Shekinah. Nanunukso pa nga ang tingin nito sakin pagdating.

"Sibat na muna ko, baka kelangan na ko sa booth namin." Nginitian ko naman sya at nagwave na din.

"Lav, ha. Si Stell yata type mo." Panunukso sakin ni Shekinah.

"Hindi, ah. Tinulungan lang nya ko." Sabi ko dito, di ko na kinwento ang buong pangyayari dahil tinatamad ako.

Matapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami ni Shekinah. Ang dami talagang booths ngayon.

Nadaanan namin yung marriage booth at bigla nalang may humila sakin. Hanep!

Piniringan naman ako ng kung sino at inalalayan sa paglalakad. Ay wow! Ano ba to? Nadidinig ko ang irit ni Shekinah sa gilid ko.

"Girl, I do kana agad!" Bulong sakin ni Shekinah.

Maya maya lang ay tinanngal na ang piring ko at bumungad sakin ang ngiting ngiti na si Stephen.

"Let's get married." Hanep! Kasal kasalan pala.

Pagkalapit ko sakanya ay binulungan ko agad ito.

"Anong trip mo?" Ngumisi lang ito at sinenyasan ang kunwaring pari na magkakasal samin.

"You may now kiss the bride." Pagkasabi nung pari-parian non ay hinarap ako ni Stephen sakanya.

Inambahan ko naman sya kaya natawa sya. Hinila nya ko at hinalikan sa noo.

"Pano ba yan kasal na tayo?" Bulong nito sakin habang nakayakap. Tsansing!

"Fake marriage lang to, saka sapilitan pa." Tumawa naman ito at lumapit ulit sa mga nakaduty sa marriage booth.

Pagbalik nya ay may hawak na syang papel at pinakita sakin.

'Marriage Certificate'

"Pirma ka daw." Inabot nya sakin to at pinapirmahan. Ibang klase din tong marriage booth na to ha.

"Congratulations, newly-wed. San honeymoon nyo?" Biro ni Shekinah samin.

"Baliw." Iiling iling kong sagot sakanya.

"Dalawang copy to, tag-isa tayo." Tinabi naman nya ang kopya nya kaya tinabi ko nalang din yung sakin.

Umalis na kami sa marriage booth at nagpaalam naman si Shekinah na aalis. May pupuntahan lang daw sya. Alam ko naman na di totoo dahil kumindat pa ito sakin bago umalis. Hay nako, babaero nga to, diba? Di nakakakilig, kasi panigurado ginawa na din nya to sa mga ibang naging babae nya.

"Tara honeymoon." Biglang banat ni Stephen kaya nabatukan ko sya.

"Aray! Biro lang, e. Kain tayo." Aya naman nito sakin.

"Kakatapos ko lang, kasama ko si Stell kanina, kumain na kami." Sabi ko dito, napatingin naman ito sakin.

"Kasama mo si Stell? Close kayo?" Tanong nito sakin.

"E? Nakita nya kasi ko sa horror booth. Basta mahabang kwento." Sagot ko sakanya.

Di naman na sya nagtanong at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Di ko alam san kami patungo nitong taong to. Ang tahimik naman kasi bigla. Napano to?

Hey Stephen!Where stories live. Discover now