5

19 1 0
                                    

Lav's POV
Kanina pa kami naglalakad ni Stephen pero di pa din sya kumikibo. Napapagod na ko kakalakad, ewan ko ba bat sumusunod ako dito?

"San ba tayo pupunta, Stephen?" Tanong ko na dito.

"Sa special place ko. Maganda don." Sagot naman nito sakin.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa sinasabi nyang special place.

"Wow!" Yun agad ang bungad ko pagkakita sa lugar.

Ang daming flowers, tapos may mga naliligaw ding paro-paro at iba pang mga insekto. Ang relaxing ng lugar. Ang lamig pa at sariwa ang hangin.

"Tara." Inaya naman ako nito sa pwesto na may dalawang upuan at isang bilog na lamesa.

"Dito ko pumupunta pag gusto kong marelax yung isip ko." Kwento nito sakin.

"Nakakakalma kasi yung paligid, tanging huni ng ibon lang ang madidinig mo. Tapos ang sariwa pa ng hangin dito." Pagpapatuloy nya.

"E bat dinala mo ko dito?" Tanong ko sakanya.

"Wala, gusto ko lang ipakita sayo tong magandang lugar na to." Ganto din ba sya sa mga naging babae nya?

"Tsaka isa pa, gusto ko lang itanong kung pwede ba kitang ligawan?" Nalunok ko ata ang dila ko dahil para kong di makapagsalita sa sinabi nya.

"W-wait, diba malinaw na satin na hindi nga ako magpapabilang sa mga babae mo? Stephen, sorry, pero di ako magpapauto sayo." Naiinis kong sabi sakanya. Akala ko pa naman ay malinaw na sakanya yung mga sinabi ko.

"No, I will change for you. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko pero nung nakilala kita, alam kong ikaw na yung para sakin." Mabulaklak nyang sabi sakin.

Hindi nya ko masisisi kung di ako naniniwala sa mga sinasabi nya. Lahat ng babae ata dito sa campus ay naging girlfriend na nya.

"Alam mo madaling sabihin yang ganyang bagay, tsaka, Stephen, kakatransfer ko lang dito, ni hindi mo pa nga ko kilala ng lubusan, e." Paliwanag ko dito.

"I know, I know. Pero may intention is pure. I will show it to you." Sabi nya at di na ko sumagot.

Dinama ko nalang ang sariwang hangin at ang tahimik na kapaligiran. Ayoko munang isipin yung mga sinabi ni Stephen.

"Lav, tara. Dumidilim na din, e. May sundo ka ba?" Sabi ni Stephen at tumayo na.

"Itetext ko palang si Manong Tok para magpasundo." Sagot ko naman dito.

"Oh, wag mo na itext. Hatid na kita. Bawal tumanggi, nakakarami ka nang reject sakin." Napailing nalang ako at hinayaan nalang si Stephen sa gusto nya.

Hay! Sino bang babae ang di mahuhulog ang loob dito? Ang bait, ang gwapo, ang bango bango, bat kasi naging babaero pa sya, e.

Pagkarating namin sa parking ay nandun din yung mga kaibigan nya.

"Woah, nagdate ba kayo? San kayo galing ha? Matinik ka talaga Suson." Pang-aasar ni Pablo.

"Loko, may tinambayan lang kami. Tsupi nga kayo jan! Hahatid ko lang si Lav." Nanloloko namang ngumisi ang mga kaibigan nya.

"Nako, nako! Ingat ka jan, Lav." Biro naman ni Justin.

"Wag mo na sila pansinin, mga kulang sa buwan mga yan, e. Tara." Pinagbuksan naman ako nito ng pinto bago sya umikot papunta sa driver seat.

"Ingat kayo! Wag masyadong mapusok ha!" Pahabol pang sigaw ni Pablo, may saltik nga ata yon.

Nahagip naman ng mata ko si Stell na nakatingin lang at bahagyang nakangiti. Binaba ko naman saglit ang bintana ko at kinawayan sya.

"Thank you kanina, di na ata ako nakapag-thank you sayo." Sabi ko dito.

"No worries." Sagot nya sakin sabay kindat pa nito. Ay wow! May paganon.

"Shooo! Shoo! Daming langaw!" Nagulat pa ko ng biglang nagsalita si Stephen at may binugaw bugaw sabay sara ng bintana ko.

"Anong langaw ka jan?" Nagtataka kong tanong sakanya.

"Wala na, seatbelt nyo po." Napapitlag pa ko ng bigla syang lumapit sakin at titig na titig habang inaayos ang seatbelt ko.

Ay jusmiyo! Ganto ba talaga tong lalaki na to? Kelangan panindigan ko na di ako mahuhulog sakanya. Di ako papayag na maging trophy nya.

Matapos nyang ayusin ang seatbelt ko ay kala mo nanalo sya sa lotto dahil sa laki ng ngiti nya.

"Bat di ka makagalaw jan?" Natatawa nitong tanong sakin.

"Ewan ko sayo, turo ko nalang sayo san bahay namin." Naiinis kong sagot sakanya, pero ang loko tatawa tawa pa.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay, akala ko ay uuwi na sya pagbaba ko kaya lang ay bumaba din sya. Langya talaga to, baka makita pa nila Mommy, e.

"Huy, sige na, salamat sa paghatid. Baka makita kapa ni---" Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang lumabas si Mommy sa gate.

Yan na nga ba sinasabi ko, yari ako nito.

"Oh, anak, kaya pala nakita ko si Manong Tok kanina di ka pala nasundo." Bungad ni Mommy, mukhang di pa napapansin si Stephen dahil nakasandal ito sa may pader.

"Ay oo miy, sige na papasok na din ako." Bahagya ko pang tinulak si Mommy papasok sa loob kaya lang si Stephen ay biglang nagsalita.

"Hello po, ako po naghatid kay Lav." Napasapo nalang ako sa noo ko.

"Ay tekla! May tao pala jan, di mo naman sinasabi anak may gwapo ka palang bisita. Lika pasok ka." Hindi na ko nakapalag dahil wala na din naman talaga akong magagawa.

Habang papasok kami sa bahay ay hinampas ko ng mahina si Stephen, ang loko ay tinawanan lang ako.

"Iho, ano bang pangalan mo? Honey, halika at may ipapakilala satin si Lavender." Napapailing nalang ako sa mga kaganapan na nangyayare ngayon.

"Stephen Suson po, manliligaw ni Lavender." Napaubo pa ko sa banat nya, pinandilatan ko naman sya ng mata pero tinawanan lang ako nito.

"Ay ke-gwapong bata mo naman, ano nagustuhan mo sa anak namin? Tamad maligo ito." Natatawang sabi ni Mommy, gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko dahil sa mga sinasabi nya.

"Miy!" Saway ko dito.

"Okay lang po kahit di pa sya maligo araw araw, nagustuhan ko po sya dahil sa ugali nya, hindi dahil sa physical appearance nya." Wew! Halatang playboy dahil sa mga sagot.

"Miy, Diy, ginugoodtime lang kayo nyan, di ako nililigawan ni Stephen, schoolmates lang kami tapos hinatid nya lang ako, yun lang yon." Putol ko na sa mga imahinasyon nila.

"Lav, anak, okay lang naman kung magbboyfriend ka. Tsaka nanliligaw palang naman sya sayo." Sagot naman sakin ni Daddy.

Tumango tango naman si Stephen at sang ayon na sang ayon sa sinabi ni Daddy.

"Wow, makatango ah." Banat ko kay Stephen.

"Agree lang ako kay Tito." Taray, tito daw.

Mga ilang minuto din silang nagkwentuhan bago maisipang umuwi ni Stephen.

"Ah, tito, tita, uwi na po ako. Gabi na din po, e. Maaga pa po ang pasok namin bukas. Sunduin ko nalang po si Lav dito bukas. Salamat po sa hapunan at sa maiksing kwentuhan." Nagmano pa sya kila Mommy at Daddy bago umalis.

Hinatid ko naman sya sa labas para makausap na din.

"Pano ba yan? Payag sil tito na ligawan kita." Mayabang na sabi nito sakin.

"Edi congrats." Pambabara ko sakanya, tumawa lang ito sa sinabi ko.

"Bukas ha, sunduin kita, akin na phone mo." Di ko pa man din binibigay sakanya ay kinuha na nya agad ito.

"Ayan nasave ko na number ko jan, sinave ko na din number mo sakin. Tawagan nalang kita bukas. Salamat sa oras mo." Inabot nya ulit ang cellphone ko at ngiting ngiti sakin.

Inangyan! Ang gwapo! Nagiging colorblind na ata ako ah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hey Stephen!Where stories live. Discover now