CHAPTER 33

244 7 0
                                    

Naglalakad lang ako ngayon papuntang school.

Dahil hindi na ako nagpahatid kina kuya Marco at hindi na ako sumabay kay Dave lalong kasama niya ang girlfriend niya.

Habang naglalakad ako ay may nakasalubong naman akong tatlong studyante na lalaki ngunit hindi ko nalang ito pinansin.

Lalagpasan ko na sana ito ng agad silang tumigil problema nito.

"You look like Steph?" ngiting tanong nong isa.

Agad ko namang tinuro ang sarili ko at tumango naman ito.

Pati ba naman dito may stalker din.

"Nagkakamali po kayo" sabi ko nito buti nalang hindi ako nautal.

Agad na akong lumakad ng agad na naman nagsalita.

"Nahulog mo o" agad napalingon naman ako.

At kita ko ang ID ko patay talaga ako sinabi ko pang hindi ako at kamalas malas naman.

"Sinasabi na nga namin na ikaw nga eh!" ngiting sabi nong isa at kasabay non ang pagtakbo ko.

takbo lang ako ng takbo habang nakatingin sa likuran at kita ko naman sila na papalapit sa akin at dahil hindi ako nakatingin sa tinakbuhan ko sa kasamaang palad ay nabunggo ako at bumagsak.

Napa upo naman ako kasabay non ang pagbungad ng mga kaklase kong mga mahangin na nakatingin sa akin.

Napaawang naman ako ng may gas gas ang tuhod ko at nagsimula ng dumugo.

Kita ko na malapit na sa pwesto ko ang tatlong mga studyante kaya wala akong nagawa.

Agad naman akong tinawanan ng mga mahangin kaya hindi ko mapigilang mainis dahil pakiramdam ko inaasar nila ako.

"Anong nangyari sayo bakit bigla kanalang tumakbo!" tawang tanong ni Aaron sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ang sama niyo!" inis na sabi ko nito at tatayo sana ako ng bigla kong nakaramdaman ng sakit ng tuhod ko at lahat ng parte ng katawan ko.

Kasalanan talaga ng mga studyanteng yon.

Napaawang naman ang bibig ko na agad akong binaba ni Lowey.

Kasabay non ang sabi sabi ng kaklase naming mahangin.

Parang may naaamoy akong mananapak

Okay lang yan baba lang yan

Wag kang magalit

Wag kang magselos

Narinig kung sabi ng mga kaklase ko.

Napalingon naman ako sa gawi ni James at may napapansin akong kakaiba sa kanya parang ang lungkot niya at napabaling naman ako sa prinsipe ng mahangin at gusto ko nalang bumaba ng ang sama ng tingin niya sa akin este pati din kay Lowey problema nito.

"Okay ka lang!" tanong ko kay Lowey para kasing nabibigatan siya sa akin.

"Yeah, I'm okay!" pilit na ngiti nito at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad kami di ko mapigilang mapa isip kung bakit ganon ang mukha ni Nine sa amin.

Kaya wala akong paligoy ligoy kundi nagtanong kay Lowey.

"Bakit ganon ang sama ng tingin sa atin ni Nine kanina" bulong kung sabi nito dahil baka marinig kami ng mga kaklase kung mahangin ma isyu pa kami.

The Girl In Section B (Badboys Group)Where stories live. Discover now