CHAPTER 57

195 7 0
                                    


Madalas ko ng napapansin si James at Nine na walang imikan.

"Malapit na birthday mo diba?" kaya napatingin naman ako at bumungad ang nakatingin na mukha ni Ice sa akin.

Oo nga pala December 01, na ngayon at birthday ko na sa 4.

"Bakit bibigyan mo ba ako ng regalo!" ngiti kung ani nito.

"Bakit naman kita bibigyan, dapat nga ikaw tung magbigay eh kasi birthday mo!" aba iba din tong batang to.

Napahinto lang kaming dalawa ng biglang dumating sa harapan namin si George at Davis na humahangos.

"Si Nine at James nag-aaway!" sabi naman ni Davis kaya bigla akong kinabahan.

"Saan?" sabay tanong ng mga mahangin.

"Sumunod nalang kayo sa amin!" sabi naman ni George na una ng tumakbo sa amin kaya dali dali naman kaming sumunod.

Bakit ba sila nag-aaway? may dapat ba akong malaman.

Lumipas ang ilang minutong pagtakbo namin natanaw ko na si James at Nine na nagsusuntukan sa malawak na plaza.

"Anong nangyari?" tanong ng mga mahangin sa mga studyante dito.

"Hindi namin alam, dahil akala namin nag kakatuwaan lang sila kaso nagsusuntukan na pala!" paliwanag naman nung isang studyante halata naman na nagpapa cute.

"Awatin niyo nga!" utos ko sa mga mahangin.

Ngunit agad lang nag iwas ang mga ito.

"Ano bang nangyari sa inyo sabi ko awatin niyo!" may pag kainis na rin na sabi ko nito.

Dahil hindi naman nakinig sa akin ang mga mahangin ay dahan dahan akong lumapit nito natatakot narin ako dahil hindi parin sila tumigil.

Nang nakalapit na ako sa kanila bigla naman itong napatingin sa akin at huminto.

"Ano bang nangyayari sa inyo?" galit na tanong ko nito imbis na magkaibigan nag aaway.

Ngunit tiningnan lang ako ni Nine ng masama at bumalik kay James, ano bang problema nito.

Akmang susuntukin na naman niya sa mukha si James ng sumigaw na ako.

Napahinto naman ang iba sa pagsigaw ko.

"Tama na please!" pagmamakaawa ko nito ngunit hindi ko akalain ang sasabihin ni Nine.

"Gusto mo bang tumigil kami or may sasabihin ako sayo!" nang ikinatigil ko, hindi ko alam parang may masamang mangyayari.

"Nine, Pwede bang wag kang mag biro ng ganyan!" rinig ko namang sabi ni James.

Nagsimula narin pumatak ang mga luha ko.

"Ok, sa birthday mo nalang may sasabihin ako sayo, para naman maging excited ka!", sabay tingin sa akin, may nagawa ba akong kasalanan sa kanya.

Hanggang sa tanaw ko na siya sa malayo at nag si alisan narin ang ibang mga studyante.

"Are you okay?" tanong sa akin ni James ng alalayan niya akong tumayo.

"James anong ibig niyang sabihin?" tanong ko nito.

"Don't mind them, may family problem kasi siya, kaya ganon siya and don't worry!"

Nang naka tayo na ako ay hindi ko alam meron nalang sumabunot sa akin kaya hindi ko mapigilang mapadaing.

"Stop It Jaira!" sigaw naman ni James, bakit ba ang sama ng babae nato.

At ng hindi pa to tumigil ay agad ko rin siyang sinabunutan.

The Girl In Section B (Badboys Group)Where stories live. Discover now