CHAPTER 55

223 6 0
                                    


Love POV

"Tingnan mo kuya ang daming bituin!" ngiting sabi nito at umupo naman ako sa may upuan dati pa kasi namin itong nilagyan ng upuan since may rooftop naman dito.

"Marami nga!" sabi ko nito at bahagyang tiningnan siya hindi ko alam subrang lakas ng tibok ng puso ko.

"May sasabihin ka diba?" ngiti kung ani nito hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil nagkasakit ako kung hindi, hindi ko na siya ulit makikita.

Tumingin naman ito sa akin.

"Kuya! May nagugustuhan na ako!"  hindi ko alam kusa nalang tumulo ang luha ko, huli na ba ako? mas maalaga ba ito kaysa sa akin? sarisaring gusto kung itanong nito.

"Kuya! May masakit ba sayo?" tanong nito oo subrang sakit parang piniga ang puso ko.

"Wala!" pilit kung ngiting sabi nito.

"At alam mo ba kuya? napaka sweet niya!" ngiting sabi pa nito gusto ko nalang siyang pahintuin kaso baka magtaka siya.

"Akala ko dati masama ang ugali niya! kaso hindi pala kabaliktaran pala yon!" ngiting sabi nito makikita mo talaga sa mukha niya na sobrang saya.

"Kuya diba may sasabihin ka?" tanong nito parang gusto ko nalang umalis kaso baka magalit siya.

"Wala! hindi naman importante eh!" sabi ko nalang nito gusto ko sanang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya hindi bilang kapatid kundi mahal na mahal.

End of POV

"Ikaw bahala!"

"Ang aga mo naman ata?" tanong ko kay Dave bakit kasi 5:00 Am pa ng umaga nandito eh pwede naman na mamaya nalang hapon para makapag bonding kami ni kuya.

"Why!" may problema ba kung maaga ako pumunta dito!" nakataas na kilay na sabi nito.

"Eh hindi pa nga gising si Kuya eh!" inis na sabi ko nito aba hindi pwedeng aalis ako ng hindi nagpapaalam kay kuya.

"Edi gisingin mo!" sabi nito para mapataas ang kilay ko aba gusto ba nito masampulan kaya wala akong nagawa kundi ang umakyat sa taas para makapag paalam kay kuya hay gusto ko talagang sabunutan si Dragon fruit.

Kumatok muna ako at mapagtanto ko na hindi naman ito naka lock kaya pumasok nalang ako.

Kita ko itong mahimbing na natutulog ayaw ko naman sana itong gisingin ngunit paano kapag magalit yon dragon fruit nayon.

"Kuya!" mahina kung bigkas nito

"Kuya!" nagulat naman ako ng bigla itong dumilat at tumingin sa akin.

"Why!"

"Magpapaalam na sana ako na aalis na kami!" mahina kung sabi nito at kita ko naman na may lungkot ang mukha nito.

"Ang aga pa naman!" mahinang sabi nito hay oo nga maaga pa sana kundi maagang dumating ang dragon fruit nayon.

"Pasensya na talaga Kuya nag mamadali kasi si Dave!"

"It's okay pero pwede mo ba akong yakapin" kaya wala na akong paligoy ligoy at niyakap ito miss ko narin ang mga yakap nito.

Hindi ko alam biglang may maliit na butil ng luha ang lumabas sa mata ko, bakit ko nakalimutan si Kuya.

Kumalas naman ito at ngumiti sa akin ganon rin ako.

"Mag-ingat ka!" sabi nito kasabay non ang pagtayo ko at nagsimulang naglakad.

The Girl In Section B (Badboys Group)Where stories live. Discover now