CHAPTER 59

180 5 0
                                    


Habang nagsimula akong maglakad papunta sa kinaruruonan nila ni Nine ng nakarinig ako ng nagsisigawan.

"Nine anong nangyari sayo?" rinig kung sigaw.

"Why do you care James huh!" sigaw naman pabalik nito hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila.

"Kasi kaibigan kita, kaya nag-alala ako, at akala ko ba mahal mo siya!" ng ikinahinto ko ako ba ang tinutukoy ni James?.

"Do you remember kung anong sinabi ko dati!" ngiting sabi naman ni Nine nito.

"Nine! naman napag-usapan na natin yan na tumigil kana?" kaya agad naman akong pumunta sa harapan nila kaya napalingon naman sila sa akin na may gulat.

Lalapitan na sana ako ni James ng nagsalita ako.

"Iisipan ko nalang na wala akong narinig!" agad tumakbo ayaw kung marinig ang pag-uuspan nila.

Napahinto lang ako ng dinala ako ng paa ko sa garden lalo tuloy itong gumanda.

Umupo naman ako, sino ba naman ako para mahalin? ang tanga tanga ko naman sa pag-ibig laging sawi at sa huli hindi rin pipiliin.

Napaangat naman ako ng may naglahad sa akin ng panyo at bumungad si Lowey.

"Pangalawa mo na yang iyak dito ha!" sabi nito sa akin bago umupo Oo nga naman pangalawa ko na itong iyak dito sa garden at pangalawa narin niya akong binigyan ng panyo.

"Oo nga no!" sabay punas ko sa mukha ko.

"Ganon naman talaga ang pag-ibig palagi tayong masasaktan!" sabi nito kaya napatingin naman ako kay Lowey.

"Bakit ha ano bang nangyari sa babaeng mahal mo ha?" tanong ko nito matagal narin kaming naging kaibigan ngunit hindi parin niya sinasabi kong sinong babaeng nagustuhan niya.

"Yung babaeng gustong gusto ko! wala eh may mahal siyang iba!" paliwanag nito broken hurted pala to.

"So bakit ka pala umiiyak?" tanong nito ulit sa akin.

"May naalala lang ako!" pagsisinungaling ko nito.

Bumalik ako sa classroom namin na namumugto ang mata.

Tinanong naman ako ni Ice ngunit hindi ko lang ito sinagot.

Hindi ako umiiyak dahil sa narinig ko kundi bakit hindi umuwi si KL kahit ang sabi niya sa akin uuwi siya sa birthday ko.

Nasasaktan din ako sa narinig ko kanina ngunit tanggap ko naman eh.

At nag pasalamat naman ako na walang teachers at uwian na namin.

Simula kanina hindi ko na nakita si Nine at James.

Alam ko namang ginawa niya lang akong rebound pero hindi ako galit sa kanya.

Hindi kasi ako yung taong ipagpipilitan ang sarili ko dahil lang sa gustuhing mahalin ako.

Napabalik lang ako sa sarili ng may nagsalita kaya napatingin naman ako nito.

"Umuwi na tayo?" sabi nito sa akin ni Lowey.

"Sige!" sabi ko nalang nito.

Nakarating ako sa bahay na walang imik iwan ko ba kung bakit.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humiga ako at bumangon naman ako upang tawagan si KL.

Naka ilang tawag na ako ngunit hindi pa rin niya sinasagot.

Ano bang nangyari nito? bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?.

Pagkatapos kung magbihis ay naisipan ko namang bumaba.

The Girl In Section B (Badboys Group)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن