CHAPTER 54

212 6 0
                                    


Akmang aalis na ako ng bigla itong bumangon at tumingin sa akin.

Ngumiti naman ako nito at kinuha ang mangkok.

"Kanina ka pa?" dahilan para mapatingin ako nito.

"Mayamaya lang!" ngiti kung sagot nito.

Bahagya ko naman hinipan ang lugaw bago isubo nito.

Baka kasi mapaso siya.

"Kumain ka muna mainit pa ito!" bago ko itinapat sa bibig niya bahagya naman itong tumingin sa akin bago isubo ang kutsara.

"Ok lang ba nalalasahan mo ba ang asin?" ngiti kung tanong nito bago hinipan ulit.

"Medyo lang!"

Pagkatapos ko itong pakainin bahagya ko naman itong nilagay ulit sa maliit na mesa.

Humiga naman ito ulit at tiningnan ako, wala na ang dating nararamdaman ko nito.

"Steph!" paos na sabi nito at bahagya ko naman inayos ang pagkukumut nito.

"Bakit kuya?" tanong ko nito wala paring pinagbago ang kwarto nito malinis parin.

"May sasabihin sana ako sayo!" dahilan para magtaka ako matagal ko ng nakakasama si Kuya Love bat ngayon lang ako nakaramdam ngayon na parang weird iwan ko ba siguro ko lang kulang lang ito sa tulog.

"Sige sabihin mo lang makikinig ako!" ngiti kung ani nito at sinalat ang ulo at leeg niya napakingiti naman ako ng medyo hindi na siya gaano kainit! ako pa ba best akong mag-alaga ng may sakit hindi nga lang halata.

Hinawakan naman nito ang kamay ko kaya napadako ang tingin ko nito.

"Steph! mahal kita!" paos na sabi nito dahilan para lumaki ang mata ko, anong ibig niyang sabihin na mahal niya ako na parang kapatid lang ba.

"HAHAHA, ang aga mo naman ata nagbiro kuya!" ngiti kung peke nito hindi ko talaga alam kung anong ibig niyang sabihin.

"HAHAHA nabiro ba kita!" bahagyang sabi nito, aba oo naman ikaw kaya sabihin ng ganyan.

Nagpaalam namqn ako nito na bababa na ako.

Pagkababa ko nakita ko naman si kuya na papalapit sa akin.

"Aalis muna ako!" sabi nito para naman ikinataka ko hindi pa pwedeng umalis kami hindi pa gaano ka mabuti ang pakiramdam ni kuya.

"Bakit kuya? hindi pa naman gaano kagaling si Kuya Love eh!" paliwanag ko nito.

"I know, but hindi naman kita isasama!" sabi nito at tumango naman ako.

"Ipasusundo nalang kita kay Dave kung gagaling na si Love!" sabi nito bago magpaalam sa akin.

Nang nakaalis na si kuya ay agad naman akong nagtungo sa ref at kumuha ng Jellie kahit na wala na pala ako dito ay gumagawa parin sila ng Jellie.

Nilapag ko naman ito sa mesa! at wala naman akong napapansin na maid dito siguro busy lang ito sa trabaho.

Sumubo naman ako nito nang dumating si Camiella ang matalik kung kaibigan na katulong dito.

"Steph!" ngiting sabi nito sa akin at nginitian ko naman ito.

"Kamusta?" tanong nito.

"Ok lang naman, ikaw kamusta rin?" tanong ko pabalik nito bago sumubo ng jellie.

"Ok lang naman, alam mo ba simula ng nawala ka dito ay palaging nagpapagawa sa amin si Kyle ng Jellie!" ngiting sabi nito, at kailan naman nahilig si Kuya na kumain ng Jellie.

The Girl In Section B (Badboys Group)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें