Chapter 6: Not like any other

92 9 4
                                    

"Stell?" Dumungaw ako sa may pinto at nakita yung Micha.

Nginitian ko siya habang lumalapit sa akin. Siya raw muna ang bahala sa akin habang andirito ako sa facility nila. Kahit hindi si Pablo ang nag-aasikaso sa akin ay umaayos naman ako.

May mga panahon nga lang na hindi ko kayang gumalaw, hindi naman sa hindi ko talaga magalaw pero naapektuhan ng mental health ko yung pag-galaw ko physically.

"Kumain ka na ba?"

"Oo." Sagot ko.

"If you want to roam around the garden then you are free to do so." Sambit ni Micha. "I can have Ken, Pablo or Jeremiah assist you."

"Okay lang ako. Mag-lalaro na lang muna ako ng puzzles dito."

She gave me activities that I can do while they were on break.

"Can I come in?"

My heart skipped a beat while everything around me stopped. Hindi ito tama...

Nilingon ko si Pablo at tumango.

"How have you been?"

"Ito... Hindi pa okay mentally."

"I pray for your fast recovery." Sambit ni Pablo.

"Ayan ka na naman eh.." Hindi ko mapigilang daing.  "Gusto niyong lahat na malimutan ko na si Cierra pero hindi ko kayang gawin yon. Hindi ko kaya lalo na at lahat ng meron siya ay meron ka."

"I'm sorry...I don't want to hurt you like this. I just want you to feel better."

"Wala naman sigurong mawawala sa akin kung sabihin ko diba?"

"What is it?" Tanong ni Pablo.

"Pablo, gusto kita." He smiled a little then answered.

"We both know na gusto mo lang ako dahil gusto mong makita si Cierra."

I scoffed. "Cierra is dead, Pablo. Tatlong taon na."

Natigilan siya when I said that.

"I don't know why pero mas gusto na kitang makita hindi dahil ni Cierra. It feels like...gusto na kitang makasama habang buhay."

"Mr. Ajero-."

"Stop with the formalities, Pablo."

"I'm sorry, Stell. I don't believe you right now." He said then turned his back to walk away from me. "As long as nakikita mo ako, lagi mong maaalala si Cierra and it's not healthy for you."

He left me...

Hindi siya naniwala sa sinabi ko na gusto ko na talaga siya as Pablo. I think being married to Cierra was stopping him from believing in me.

After a few days ay binisita na ako nina Josh at Justin.

"Sabi ni Micha ay malapit ka na raw ilabas." Josh said while fixing my things. "After that ay inadvice nila na ilabas ka sa outside world."

"Keep you busy, make you feel happy and visit Cierra again." Sabi ni Jah. "Bakit parang hindi ka masaya? Don't tell me..." I looked at him then he sighed.

"Anong meron?" Josh asked.

"Ilabas na natin kaagad si Stell sa facility na ito. Ngayong araw na mismo."

"Akala ko bukas?" Josh asked.

"As long as andito yung rason kung bakit ayaw niyang umalis ay hindi natin siya mapipilit na makalabas." Sagot ni Jah at tinignan ako. "The man has a life of his own. Hindi niya dapat ifulfill ang naiwan na alaala ni Cierra sa'yo."

"Pablo?" Josh asked. "Stell, bumitaw ka na. Maawa ka sa sarili mo lalo na kay Pablo."

"Bakit ba ayaw niyong maniwala na mahal ko siya? Ayaw niyo akong paniwalaan na may parte na sa puso ko na hindi na siya nakikita bilang si Cierra."

"How can we believe you when you obsessed over that man for more than 5 months in this facility. Stell...hindi ka gustong makita ni Cierra na ganiyan." Josh said.

"She's dead!" I yelled. "Iniwan na niya ako kaya hindi na niya ako pwedeng sabihan kung ano ang dapat kong gawin! I want to choose my own happiness, Josh. I choose Pablo."

Only YouWhere stories live. Discover now