Chapter 11: Because You Are Mine

147 9 5
                                    

6 months na kaming dating ang status. Si Ken at Justin naman nagtataguan pa rin ng feelings. Mga engot talaga. Ayaw ko din naman pangunahan sila baka kasi di sila compatible edi sakit lang din ang makukuha nila pero mukha naman silang magkasundo eh.

Susunduin daw ako ni Stell after work para mag-date ulit. Tatanggi sana ako kaso naalala ko na ngayon na nga pala ang araw na pinakahihintay ko.

"Mga pre, umuwi na daw si Miah. Kailangan daw ng sundo, sinong willing?"

"Ako na." Gordon volunteered. "Nasan daw ba siya?" He asked Ken.

Ngumiti lang si Suson at tumuro sa labas. "Nasa garden."

"Langya ka, Ken muntik na akong umalis. Akala ko nasa airport pa." Gordon complained.

"Wadup, Party People!" Masaya naming sinalubong si Miah. "Namiss ko kayong lahat."

"Anong lahat? Baka yung isa lang." Hilary said then laughed. "Torpe moves slow talaga mga erp, naunahan na eh."

"Ewan ko sa inyo." Sabi ni Miah at tumingin sa akin. "Musta?"

"I'm very happy right now, Jeremiah." Sagot ko at tumango siya.

But...something was wrong. It was visible in his eyes. He looked sad for some reason? I really don't know what happened. Yes, aware ako sa feelings niya pero sinabi naman niya ay huwag ko daw isipin iyon kung may iba akong gusto.

I'm really sorry, Miah.

Natapos na rin ako sa trabaho at nakasabay si Miah at Katie pababa ng building. Kausap ni Katie si Miah habang tinetext ko si Stell na nakalabas na ako ng trabaho kaya pwede na niya akong sunduin.

"Uuwi ka na ba, Pau? I can drive you home." Miah said kaya napalingon sa akin si Katie. She knew everything.

"Thank you, Jeremiah pero may sundo kasi ako eh."

"Naku, Miah. Huwag mo na siyang aalukin ng ihahatid sa kanila. Hatid-sundo ng special someone eh." Sabi ni Katie. "May date ba kayo ngayon?"

Ngumiti ako kay Katie at tumango. "Meron."

"Iba ngiti natin erp ah? Kayo na ba?"

"Hindi pa naman pero soon." I answered. "Andito na pala siya oh."

Bumaba si Stell sa kotse at binati si Katie. Nakatayo lang si Miah sa gilid habang pinapanood si Stell. May inabot na flower si Stell kay Katie, parang lavender yata iyon.

"Salamat dahil palagi mo akong inaupdate kapag busy si Pablo sa work." Stell said. "Oh! Jeremiah, right?"

"Yes." Walang buhay na sabi ni Miah. "Una na ako, guys. Ingat."

Tumingin naman si Katie kay Stell na natatawa.

"Nalintikan na ang bata ko." Katie laughed again. "Selos ang Miah."

"Ha? Why?" I asked kaya natawa din si Stell.

"Siyempre gusto ka nun. Ito kung hindi manhid eh in denial lang talaga." Stell said.

"Puro kayo kalokohan." Sagot ko sa kanilang dalawa.

Naging close na si Katie at Stell hindi lang dahil work wife ko si Katie kundi dahil malayong kamag-anak siya ni Stell sa mother side.

Pumunta lang kami sa isang restaurant para kumain ng dinner. Uuwi ako mamaya para magbihis tapos pupunta ako sa bahay ni Stell. Doon ko siya sasagutin.

"Bakit parang tahimik ka?" I asked since he was really quiet now.

"Wala lang." Sagot nito at tumungo. "Uuwi na ako kaagad mamaya pagtapos kitang ihatid."

"Ha? Sa bahay mo ako matutulog." I said kaya tinignan niya ako. "Nalimutan mo ba?"

"Ha? Kelan mo sinabi yon?"

"Kanina din nung nagmamaneho ka."

Tumango siya kaya hinayaan ko na muna. He was tired I guess. Umuwi ako tapos sabay na kaming pumunta sa bahay niya. Sakto namang traffic pa kaya natagalan kami.

"Stell may problema ba tayo?" I asked. Hindi ko ma kasi kaya.

"Ha? Wala naman."

"Talk to me." Sbi ko at hinarap siya. "What's our problem?"

"Nagseselos lang ako dun sa katrabaho mo." Sabi niya at yumuko. Napalingon naman ako sa harap, ang tagal ng traffic light. "Hindi ko naman pwedeng sabihin na layuan mo siya kasi ano bang karapatan ko diba? Hindi nga tayo eh papalayuin kita sa katrabaho mo pa." He explained.

"Awww. Nagseselos ka kay Katie?"

"Gaga hindi, kay Jeremiah. Eh diba gusto ka niya."

Natawa ako sa sinabi niya. "So? Ano naman ang gagawin niya? Wala siyang magagawa na ikakabahala mo. Hindi niya ako maaagaw sa'yo." I said.

"Pano mo naman nasabi?"

Ngumiti lang ako dahil nagmaneho na ulit siya. Nakarating na kami sa bahay niya at pumasok kami doon.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Paano ako magiging sure na hindi ka niya aagawin sa akin?" Stell stopped me when I was about to go to the kitchen.

Hinila ko siya para mayakap. "Siyempre, because I'm yours."

Pinulupot naman niya ang kamay niya sa akin.

"Sure?"

"Stell, tayo na." I chuckled dahil hindi pala niya ako naintindihan. Cute.

"Loh, ito naman." He said. "Seryoso?"

"Ayaw mo ba?"

"Ihh." Sagot nito at hinila ako. "Pero sure ka ah? Baka pinapaasa mo lang ako dahil nagseselos ako dun sa katrabaho mo."

"I'm yours, Stell."

The End.

Only YouWhere stories live. Discover now